CHAPTER 9

40 4 0
                                    

C  A  E  L

Pauwi na ako galing sa school. Nakatayo ako sa labas ng gate habang naghihintay ng masasakyan. Niyaya ko rin si Jay na sabay na kaming umuwi kaya lang may kailangan pa daw siyang gawin. 

Hays, ano ba 'yan? Parang nawawalan na ata kami ng oras para sa isa't-isa ah. Op op, walang aangal! Oo alam kong hindi naman namin kailangan ng time para sa isa't-isa dahil hindi naman kami but still, bestfriend ko parin naman siya no. 

Maya-maya lang,nakakita narin ako ng maluwag na jeep. Mabuti naman at hindi puno. Ang hirap kaya sumakay kapag punung-puno.

"Bayad po." sabi ko sabay abot ng bayad kay manong. 

Umidlip muna ako ng konti dahil medyo malayo pa naman ang bahay namin. Pero pagising-gising naman ako. Pa'no ba naman kasi ang alog-alog ng jeep! Pa'no naman kaya ako makakatulog ng maayos nito? Hays badtrip! 

Kinuha ko nalang ang phone ko para malibang.

Nakakapagod ng sobra kanina. Ang dami naming ginawa dahil puro lectures kaagad. Tsaka parang hindi din naman pala ganun kahirap sa college eh. Basta ba gusto mo 'yung course na kinuha mo, hindi ka naman mahihirapan.

Malayo-layo pa naman sa bahay namin kaya nagbasa muna ako ng mga past conversations namin ni Zeno.

Nakaka-miss pala talaga 'tong lalakeng 'to no? Actually simula nang maging kaibigan namin si Zeno, parating siya na ang kausap ko. Si Jay kasi laging nasa court nun. As usual, naglalaro ng basketball.

Mula pa kaninang umaga 'yung last text ni Zeno sa'kin at hanggang ngayon, wala pa rin. Nangyayari na talaga ang himala. Hindi ata nangungulit 'to ngayon?

Ay bakit ba ako naghihintay ng text niya?

(A: Bakit nga ba?)

S-siguro gusto ko lang ng mapapagtripan? Siguro nga ganun?

(A: Tologo ba?)

Tse! Hindi no otor! Si Jay lang naman eh!

>__<

(A: Okay, sabi mo eh. Haha!)

Si otor kamo parang konsensya. Hay nako!





W  A  R  R  E  N

Talagang iniwan ni Zeno dito ang cellphone niya ah? Alam niya namang pakielamero ako pero ginawa niya pa rin kaya hoho! Lagot kang cellphone ka dahil kakalkalin kita.

Alam ko ang password lock ng phone niya kasi madalas kong hinihiram ang phone niya. Marami kasi siyang naka-install na laro doon kaya madali ko lang iyon nabuksan.

Tiningnan ko kaagad 'yung sa may running apps niya. Aba nga namang hindi pa siya naglog-out dito sa isa niyang social media account? Kapag sinuswerte ka nga naman talaga oh! Wahaha! Pero wag kayong mag-alala, di ko naman papakielaman 'yun. Kakalkalin ko lang haha! 

Pumunta muna ako sa messages niya at nakita kong isa lang ang laman nito.

"My Cael?" basa ko. 'Yun kasi ang pangalan nun sa contacts niya.

Pwe! Ang baduy naman ni Zeno! Ito siguro 'yung babaeng lagi niyang bukambibig sa'min. 'Yung babaeng gusto niya daw? Ewan ko kung tama ba ang pagkakarinig ko sa kanya nung mga panahong nagke-kwentuhan kami nun. Busy kasi ako sa paglalaro nun kaya di ako masyadong nakikinig sa kanila. Hindi ko sure, ewan!


*scroll*


*scroll*

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon