CHAPTER 26

4 1 0
                                    

W  A  R  R  E  N

Nag-outing kaming magbabarkada sa isang resort na pagmamay-ari ng kaibigan ng mama ni Zeno. Gabi na ng Sunday as of the moment at nagkayayaan kaming--actually silang mag bonfire.

Tinatamad kasi akong sumama pero pinilit lang nila ako. Tss.

"Mabuti at pinayagan ka ni Trish, bro?" tanong ni Keith kay Zeno.

"Oo naman. Palayasin ko siya sa Pilipinas pag di ako pinayagan nun. Tsaka, nandito tayo sa hometown ko. Hindi niya ako mapipigilan." sagot naman niya.

"Kinda harsh but true." Natatawang sabi naman ni Tyler. Kasama din pala namin si Zoe, by the way.

"Ughhh, ayoko pa bumalik sa Canadaaa." – Keith

Bukas na kasi ng gabi ang alis namin. Maiiwan pa sila Zeno dahil may mga importante pa silang lalakarin kaya mauuna na kami.

"Yeaaaaah. Can we stay here a little bit longer?" –Tyler

"Di pwede mga anak. Ayokong magpabaya kayo, papasok pa kayo sa school." sabi naman ni Zeno.

"Pwede mo naman pong i-extend ang pagpa-paalam mo sa amin sa school diba ama?" tanong ni Keith sa kanya na sinabayan talaga ang trip niya.

Ama ampota. Lalim nun ah. Kawawa nanaman ang tenga ni Tyler, out of place nanaman.

"Hindi na anak. Importante ang edukasyon. Mag-aral kayong mabuti nang hindi kayo matulad sakin. Maagang mag-aasawa huhu!" pag-iinarte ni Zeno at natatawa na ako.

"Uy War." napatingin ako kay Keith nang tawagin niya ako.

"Hmm?"

"Anong hmm? May sariling mundo lang? Hindi ka ba nalulungkot dahil babalik na tayo sa Canada at papasok na ng school?" –Keith

"Nalulungkot." sagot ko.

"Eh bakit parang wala ka lang pakialam?" –Keith

"Alangan naming makipag-dramahan ako sa inyo dyan? Geez." sagot ko. Napatingin naman ako kay Zeno nang tabihan niya ako.

"Ano tinitingnan mo dyan sa selpon mo? Kanina ka pa nakatingin dyan ah?" taas-baba ang kilay niya habang nagtatanong sakin niyan.

"Oo nga Warren. Ano kaya 'yan?" lumapit din si Keith at lumuhod sa may harap ko. Bale nakapatong ang dalawang braso niya sa lap ko.

"Care to share?" – Tyler na taas-baba din ang kilay.

'Tong mga tropa ko. Hindi ko na talaga maintindihan. Sarap pagbabatuhin eh.

"Wala." tipid kong sabi at sabay-sabay silang napa-angal.

"Wala daw. Pero makatitig sa phone wagas." – Keith

"Si Cael ba?" para akong nakaramdam ng kakaiba ng sabihin ni Zeno 'yun. Geez, what is happening to me?

"I think he's thinking about Cael." Sabi ni Tyler.

Isa pa 'tong si Tyler. Wala na sanang idea 'tong si Keith eh. 'To pa naman ang malakas mang-asar.

"Wala nga diba? Kukulit niyo." sabi ko.

"Text her." nakangising sabi sakin ni Zeno.

"What? Inuutusan mo na ang master mo?" sabi ko sa kanya.

"Oo nga. Text her na master." – Keith

"Tigilan niyo ako." sabi ko sa kanila.

"Text her. Text her. Text her." kantyaw nilang lahat sakin. Nagulat ako kay Zoe nang pati siya ay nakisali na din.

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon