CHAPTER 8

40 4 0
                                    

W  A  R  R  E  N

Nandito ako sa balcony ngayon at lumalanghap ng sariwang hangin. Nakakatamad kasing pumasok ngayon eh, hays.

Pinagmamasdan ko lang ang mga taong malayang naglalakad sa daan. Ang mga ibon na malayang lumilipad. Ang mga puno na malayang gumagalaw gawa ng hangin. Maya-maya lang, nakita ko ang sasakyan ni Tyler na kaka-park lang sa harap ng bahay ko.

Sabi na nga ba eh. Pupuntahan ako ng tatlong 'to. Hay, ang mga 'to talaga, miss na agad ako.

Agad-agad naman silang lumabas sa kotse. Teka, base sa mga istura nila, parang pagod na pagod at natataranta sila. Akala siguro nila na-- hay nako. Haha mga loko-loko.

Bumaba muna ako sa kitchen at kumuha ng tubig. Narinig ko pa nga ang malakas na yapak nila paakyat sa kwarto ko. Narinig ko rin ang pagkalabog ng ibang mga gamit ko.

Anyare sa mga 'to?

"Warren! Na'san ka?!" rinig kong boses ni Zeno.

"Warren!" si Keith naman 'to.

"Warren where are you?!" si Tyler 'yun. Tae mukhang nagpapanic na nga talaga sila ah! Haha mga baliw!

Mga bobo. May kitchen pa kaya. Bakit di kaya sila maghanap dito?

Napansin kong bumaba na sila at nagkatayo paikot sa gitna ng living room. Mukhang may pingame-meetingan ang mga bobo.

"Nawawala si Warren. Ano nang gagawin natin?" sabi ni Keith.

"Nahalughog na natin ang buong bahay nila pero wala parin siya." sabi ni Zeno.

=____=

Seriously? Sigurado ba sila na lahat ng parte ng bahay na 'to ay napuntahan na nila? Tanga talaga 'yang si Zeno. Kaya ang sarap asarin eh.

"I think we have to call the police." sabi ni Tyler.

What the heck?! Ahahaha dinagdagan pa ni Tyler! Ang sakit na ng tyan ko dito grabe. Tumatawa ako ng walang sounds!

"Sige nga Tyler, do you have their number?" tanong ni Keith sa kanya.

"Wait ah sec." sabi naman ni Tyler habang ini-scan niya ang phone niya. Tumingin siya sa dalawa at umiling.

Ahaha! Boplaks! Hindi ko na talaga kaya. Tigilan niyo na 'yan, please.

"Ikaw Keith?" - Zeno

"Wala rin." - Keith

"Peste! Palibhasa kasi puro number lang ng mga babae mo ang laman ng contacts mo! Wala kang kwenta!" sabi ni Zeno sa kanya.

"Ouch!" pag-iinarte naman ni Keith.

Bwisit! Hahaha!

"What do we do now?" nag-aalalang sabi ni Tyler.

"Ahahahahaha!" hindi ko na talaga napigilan at napatawa na ako ng may sounds. Lumabas ako sa kitchen at pinagbabatukan ko sila.

*boink*

*boink*

*boink*

"Mga tanga! Hindi niyo ba napag-aralan ang parts of the house at hindi niyo alam ang kitchen?" pangangaral ko sa kanila at nagkatinginan silang tatlo.

"Nahalughog na pala lahat ah." sabi ko at tumingin ako kay Zeno.

"Idadamay niyo pa ang mga police." sabi ko at tumingin naman kay Tyler. Naguguluhan ako dahil hindi ko maintindihan ang mga expression nila at nagkatinginan uli silang tatlo. 

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon