CHAPTER 12

29 3 0
                                    

W A R R E N

Siya: Y-Yung pagtawag mo sa pangalan ko... h-hindi ko alam pero... ang sarap niya pakinggan mula sayo...


Natigilan ako.

Huh? What the heck? Did I really space out just because of what she said?

Ang bakla naman tae! My ghad!

O___O

Pati reaksyon ko ang bakla na rin! At wala naman kayong pake doon.

=___=


Ako: Hoy babae, wala namang iba nung tinawag kita sa pangalan mo. Tsaka ano bang sinasabi mo? Alam mo tigilan na mo na 'yang kabaliwan mo. Alam kong lasing ka at itigil mo narin 'yan. Kababae mo pa namang tao. Matulog ka na.


Bakit nga ba nakikipag-usap ako dito sa babaeng 'to? 'Yan tuloy humantong pa sa ganito.

Ayoko na uling maramdaman yang 'natigilan ako' na 'yan. Psh.

Hindi ko gusto, seryoso ako.


Siya: Jay...


Huh? Sino naman 'yun ngayon?


Siya: Jay hindi man lang ba ako naging importante sayo?...


Sino naman yung Jay?! Bwisit na ah!


Siya: Jay kahit once lang oh... sabihin mo naman na may pagmamahal ka rin sa akin kahit konti lang... please...


May pinagdadaanan 'tong babaeng 'to at sure ako doon. Kaya siguro siya lasing ngayon.

Broken hearted? I guess.

Oh no. Alam kaya 'to ni Zeno? Hala.


Siya: Warren?...


Natigilan nanaman ako.

Shet! Sabi nang ayoko ng ganito eh! Tingnan mo yan, alam naman pala niyang ako nga si Warren hindi niya pa ginawa kanina! 'Yan tuloy nasigawan ko pa siya.


Ako: Oh? Buti naman at napagtanto mo na ako nga si Warren.

Siya: Sorry... Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko eh... Kailangan ko ng makakausap ngayon...


Kalmado na siya ngayon. Sa tingin ko bumalik na siya sa wisyo niya. Magaling! Buti naman.

=_____=

Ako pa talaga ang napili niyang kausapin huh? Eh ni sarili ko ngang problema hindi ko nga masolusyonan eh.


Ako: .....

Siya: S-sige ayos lang kung ayaw mo. P-pasensya na naabala pa kit--

Ako: Hindi sige. Ayos lang.


And what now? Ako ba talaga 'to?

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon