CHAPTER 18

33 3 1
                                    

C  A  E  L

Nasa bahay na ako ngayon, nakahalukipkip sa kumot ko at hindi na makatulog. Nakayapos ng mahigpit sa unan. Nakatulala. Ang daming tumatakbo sa isip.

Napatingin ako sa gilid ng kama ko. Nakatayo doon ang picture frame na pinaglalagyan ng picture namin ni Jay.

Ang kaisa-isa naming picture na magkasama.

Napangiti nalang ako nang maalala ko ang mga masasayang ala-ala namin nung mga bata pa kami. Ang sarap lang alalahanin ng mga iyon. 'Yung una kaming nagkakilala. 'Yung mga panahong nagkukulitan kami. 'Yung mga panahong inaasar niya ako at ako'y mapipikon naman. Lahat ng 'yun, wala na...

Nakakatakot palang magmahal no? Maraming nasisira. Marami ding nababalewala. Katulad nalang ng pagkakaibigan namin ni Jay.

Sana pala... sana pala hindi nalang ako umamin. Sana kinimkim ko nalang sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Sana dinurog ko nalang sa sarili at puso ko ang sakit. Sana... sana hindi naisakripisyo ang pagiging magkaibigan namin ngayon.

Naramdaman kong nababasa nanaman ang mga mata ko. Luluha nanaman ako. Lalo kong hinigpitan ang pagkayakap ko sa unan ko. Sinubsob ko rin ang mukha ko dito.

Hindi ko kaya... hindi ko alam kung makakalimot pa ba ako... hindi ko alam...

Kinuha ko ang box na nasa ilalim ng kama ko at inilagay doon ang picture.

Please... gusto ko na uli maging masaya.






W  A  R  R  E  N

*ring*riiiing*riiiiiinggg* >> phone ringing

Ako: Oh? Napatawag ka?

Si Zeno tumawag siya. Umalis na sila kahapon papuntang California.

Siya: Grabe naman Warren. Di mo ba ako nami-miss? Ang sungit mo nanaman eh.

Haha. Ayoko lang kasi na maging emosyonal nanaman. Ayokong malungkot. Ang tumal.

Ako: Eh kasi, wala na akong aasarin dito. Ikaw kasi eh, iniwan mo naman ako.

Hindi agad siya sumagot. Narinig ko na nagbuntong-hininga siya sa kabilang linya.

Siya: Kamusta ka na?

Ako: Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo. Kamusta ang jungle life?

Siya: Haha. Sa ngayon, ayos pa naman ako. Buo pa naman ang katawan ko.

Biro niya.

Ako: Corny mo talaga.

Napatahimik nanaman siya.

Siya: May gusto sana akong itanong sayo.

Ako: Ano yun?

Siya: Si Cael. Kamusta na siya?

Naalala ko nanaman 'yung nangyari sa kanya. 'Yung ginawa sa kanya nung Jay na yun.

Siya: Warren? Ayos ka lang? Bakit di ka sumasagot?

Ako: A-ano kasi...

Sabihin ko ba sa kanya? Pero parang wala naman ata ako sa posisyon para ako ang magsabi nun.

Siya: Ano? Okay lang ba siya? Nag-aalala ako Warren.

Ako: Kasi... Ano kasi-- Hays.

Siya: Ano Warren? Tell me please.

Faraway (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon