Chapter 38: Surprise

5.1K 132 32
                                    

~ • ~

"Jojo, Topher, kain na tayo!" paanyaya ni Ate Honey.

Ipinaghanda kami ni Ate Honey ng tanghalian kinabukasan. Dito kasi siya sa bahay natulog at sa maikling oras na 'yun, marami na kaming napag-usapan ni Ate Honey kaya naman madaling naging magaan ang loob ko sa kanya. Tunay din namang magaling siyang makisama. Hindi na ako magtataka kung bakit nabihag nito ang puso ng tito ko. Botong boto talaga ako sa kanya para maging tita ko.

Habang kumakain ay nakatingin lang ako sa dalawa. Kahit ikaila pa nilang magkaibigan pa lang sila, halata naman sa kilos nilang magkasintahan na sila. Nakakakilig silang pagmasdan dahil ramdam ko na tunay ang paglalandian nila, 'yung may halong pagmamahal at hindi nakakairita sa paningin.

Ilang saglit pa ay nabulabog ang aming pagkain nang may kumatok sa pinto.

Dahil ayokong gambalain ang sweet moments ng dalawa, nagprisinta na ako. "Ako na." saad ko sabay tumayo at nagtungo sa entrada ng bahay.

Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin si Kelly. Sinalubong ako agad nito ng marahas na sabunot at hinila palabas ng bahay sabay pinagsasampal.

"Fuck you! Malandi kang bakla ka!" galit na singhal nito sa akin.

Nabigla ako sa bilis ng pangyayari kaya nahayaan ko siyang masaktan ako ng ilang beses pero nang matauhan ako ay pinigilan ko na siya sa bawat pag-atake niya. "Ano bang problema mo?!" sigaw ko.

Muli ako nitong sinubukang sampalin. "Putangina mo! Malandi ka kasi! Kahit na alam mong nabuntis na, susulutin mo pa rin! Kapag bakla nga naman talaga, sobrang feelingera, wala namang matres!"

Hinawakan ko ang kamay nito at pinigilan siya sa pagsampal sa akin. "Una sa lahat, sa ating dalawa, ikaw ang malandi. Pangalawa, hindi ako ang nanulot. Pangatlo, kahit wala akong matres, ako pa rin ang binalikan kasi ako ang minahal at ikaw ang nang-agaw. Kaya 'wag kang gumawa ng eksena dito na parang ikaw ang biktima!"

"Tangina ka! Ako talaga ang biktima dito dahil sinulot ng kabaklaan mo ang ama ng nasa sinapupunan ko!" hindi pa rin ito nagpapapigil sa pananakit sa akin.

"Tumigil ka na nga!" sigaw ko.

Biglang umagos ang luha nito. "Nakipaghiwalay na sa akin si James dahil sa'yong bakla ka! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!" sabay hampas nito sa dibdib ko pero sinasalagan ko iyon.

"Paano ko naging kasalanan? Ako ba ang nagpabuntis sa lalaking iba naman ang mahal?" bawi ko sa kanya.

Tumigil ito at hindi nakasagot. Napatulala na rin ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Nakipaghiwalay na si James kay Kelly.

Alam kong isa ito sa planong gawin ni James pero hindi ko inaasahang magiging ganito kabilis ang lahat. Hindi ko inaasahan na magagawa niya agad ito kinabukasan. Alam ko rin na dapat akong maging masaya dahil mapapasaakin na si James pero hindi ko maiwasan ang malungkot para kay Kelly dahil nakaka-guilty na ako pa ang dahilan kung bakit walang ama ang magiging anak niya.

Gusto ko siyang yakapin dahil nararamdaman ko ang kalungkutan niya pero muli na naman niya akong inatake. Mabuti na lamang ay naging mailap si Ate Honey para salagan ang paghampas ni Kelly sa akin.

"Sige, subukan mong saktan si Topher at ako ang makakaharap mo." ani Ate Honey.

Nakita ko ang pamimilog ng mata ni Kelly sa gulat. "Honey?"

Sarkastiko namang ngumiti si Ate Honey. "Oo, ako nga Kelly." sabay napatigil si Kelly.

"Magkakilala kayo?" pagtataka ko.

TopherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon