Chapter 12: Jealousy

12.9K 230 6
                                    

~ • ~

Naupo ako sa sofa at bumuntong hininga nang sobrang lalim. Tang ina. Hindi pa rin ako makaget over sa kahihiyan. Lumalambot na yung burat ko pero yung kahihiyan ko hindi nawawala. Putang ina talaga, Topher!

Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na si Van sa kwarto ko.

"Okay na, Topher. Nalinisan ko na si James, pwede mo na siya bihisan." pang-aasar sa akin ni Van sabay hagalpak nito ng tawa.

"Gago!" namumula na ako sa hiya. Bakit ba kasi hindi nakisama 'yung burat ko kanina? Nahuli tuloy ako ng gagong ito.

"Biro lang! 'Wag ka mag-alala, bihis na siya." napapunas pa ito sa mata dahil sa sobrang tawa.

"Gago ka talaga, Van!" naaasar na sabi ko. Pero tawa pa rin ito nang tawa. "Gumising na siya?" tanong ko.

"Ginising ko siya nung bibihisan na. Nagising naman siya at nagbihis. Nanghihina nga lang kaya siguro natulog ulit."

"Sa tingin mo, Van. Okay lang ba siya? O kailangang dalhin na natin siya sa hospital?" pag-aalala ko.

"Ayos lang 'yung gagong iyon. Pahinga lang 'yan, ayos na ulit 'yan." kampanteng sagot ni Van. Naupo ito sa sofa sa tabi ko at inakbayan ako gamit ang maskulado nitong braso. "'Wag ka mag-alala magiging okay din si James."

Tumango ako bilang pagsang-ayon at saka nagbuntong hininga.

"Topher."

"Hmm?" sabay tingin ko sa kanya.

"Kanina, nalilibugan ka talaga sa katawan ni James?" prankang tanong nito.

"Ano ba, Van?! Nang-aasar ka na naman eh!" tinanggal ko ang braso niya na nakaakbay sa akin at sinuntok ko iyon.

"Gago! Seryoso ako! Sinaktan mo pa ako." sabay himas nito sa braso niya.

"Ewan ko sa'yo! Inaasar mo lang ako eh!" naiinis na sabi ko.

"Hindi nga. Seryoso ako. Nalilibugan ka sa katawan ng mga lalaki?" seryoso nga ang gago.

"Tsk. Oo na." sagot ko sabay irap kay Van. "Oo na, nalilibugan ako kapag maskulado 'yung katawan."

"Kahit sa akin? Nalilibugan ka?"

Napatingin ako sa kanya. Puta. Seryoso nga ang gago. Well, ano pa ba ang dapat kong itago? Tanggap naman na nila ako.

"Sa totoo lang, pre. Oo, kapag nakikita ko kayong nakahubad, tinitigasan agad ako. Lalo pa't ang babatak ng katawan niyo." pag-amin ko. Napatingin ako sa kanya at nakangisi ulit ito nang nakakaloko "Hoy! Pero hindi ibig sabihin non na pinagsasamantalahan ko kayo ha?!" pahabol ko.

Napatawa siya. "Wala naman akong sinasabi, masyado kang defensive." sabay sandal nito sa sofa.

"Totoo naman eh!" sabay isod ko sa pinakagilid ng sofa para makalayo sa kanya.

"Edi nagjakol ka dito kanina?" pahabol na pang-aasar ni Van sabay tawa.

"Gago! Hindi no!" iritang sabi ko sabay pinagsusuntok si Van sa dibdib pero napipigilan niya ako habang tumatawa siya

"Tama na! Topher! Hahaha!"

Susuntukin ko pa bale siya nang malakas pero napigilan niya iyon at nahila niya ako papalapit sa kanya. Kaya napapatong ako sa makisig na katawan ni Van at halos isang kamao nalang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

Sobrang lapit ng mukha namin na kitang kita ko ang matatamis na ngiti niya. Akala ko dati hindi mahitsura si Van, pero gwapo pala siya. Lalo pa't ngayon na nakapokus ang mata ko sa bawat parte ng mukha niya. Ang makinis nitong mukha. Moreno pero makinis. Ang mapuputi niyang ngipin. Ang chinito niyang mata. Ang hindi katangusan niyang ilong. Ang jawline niya na tila ba nasa perpektong anggulo. Lahat ng ito ay nagpapagwapo sa kanya. Hindi naman pala hipon si Van. Siguro ay nasabi lang namin na hindi maitsura dahil siya ang kaitiman sa aming apat pero hindi naman sobrang maitim. Kulay pinoy kumbaga.

TopherМесто, где живут истории. Откройте их для себя