Chapter 11: Beaten Up

13.1K 207 8
                                    

~ • ~

"Papasok na sana ako sa school nang mapansin ko siya sa may liblib na eskinita. Nakahiga siya tapos duguan ang mukha at miski 'yung suot niyang polo may dugo. Hindi ko alam kung sinong may gawa sa kanya niyan kasi siya lang naman ang nadatnan ko doon. Noong una, hindi ko nga alam ang gagawin ko. Nataranta ako kasi akala ko patay na siya, tatawag na sana ako sa barangay. Pero nung chineck ko siya, buhay pa naman. 'Yun nga lang, sobra siyang nanghihina. Tatawag pa rin sana ako sa barangay kasi hindi ko alam ang gagawin pero pinigilan niya ako, iuwi ko raw siya. Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira. Alam ko lang na kaibigan mo siya, Topher. So inalalayan ko nalang siya papunta dito." pagkukwento ni Maureen sa amin. Pagod na pagod ito dahil sa pag-akay niya kay James.

"Heto, Miss, uminom ka muna. Mukhang pagod na pagod ka." pag-aalok ni Luigi ng isang basong tubig kay Maureen. Oo nga pala, hindi nila kilala si Maureen at si Maureen naman, si James lang ang kilala sa tropa ko. Kasi si James lang naman ang nababanggit ko nang madalas.

"Ah, mga pre. Si Maureen pala, kababata ko." pagpapakilala ko. "Maureen, ito naman sina Van at si Luigi, tropa ko." dagdag ko pa.

Nagngitian sila sa isa't isa. Samantala, nakatitig lang ang dalawang mokong kay Maureen habang kami naman ni Maureen ay inaasikaso si James na ngayon ay walang malay. Pinahiga ko muna siya sa sofa at pinunasan ang mga dugo at dumi niya sa katawan.

"Sige, Topher. Mauna na ako may klase pa kasi ako eh. Magpapalit na muna ako sa bahay." pagpapaalam ni Maureen nang maayos na naming naihiga si James.

"Sige, Mau. Salamat ha? Sorry na rin sa abala." sabi ko.

"Wala 'yun. Sige, aalis na ako." ngumiti ito sa akin at kina Luigi at Van.

Palabas na sana ng pintuan si Maureen ng pigilan siya ni Luigi. "Teka lang, Miss Maureen!"

Nagulat kami sa tinuran ni Luigi. Napatigil tuloy si Maureen at maging kami ay napatingin sa kanya at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

Kinuha ni Luigi ang bag niya at sumunod kay Maureen. "Ihahatid na kita. Delikado na panahon ngayon eh. Tutal, papasok din naman ako sa school. Sabay na tayo." sambit nito at saka ngumiti.

"Hala! Hindi na. Kaya ko naman eh. Kaya kong protektahan sarili ko."

"I insist, Miss Maureen." sabay taas-baba pa ng kilay niya.

Napatingin sa akin si Maureen at nabasa ko ang ekspresyon ng mukha nito na parang gusto niyang sabihan ko si Luigi na tumigil. Pero tama si Luigi, mas mabuting maihatid siya.

"Mau, tama si Luigi, mas safe kung ihahatid ka niya. Papasok din naman siya sa school eh." sabi ko. Napahingang malalim si Maureen.

"Sige na nga." wala na siyang nagawa.

Bago sila makalabas nang pintuan ay lumingon sa amin si Luigi na abot-tenga ang ngiti at nagthumbs up sign pa. Gagong Luigi, trip pala 'tong si Maureen. Good luck na lang sa kanya kung makakapasa siya kay Maureen.

"Gagong 'yon inuna pang mambabae. Kita naman niyang duguan na kaibigan natin dito." inis na sabi ni Van na tinutukoy si Luigi.

"Sus, inggit ka lang eh." pang-aasar ko sa kanya habang binibigyan ko ng first-aid si James.

"Ulol! Hindi 'no!" pagtanggi nito.

Sinuri ko nang mabuti ang mga galos ni James. Siguradong nakita ulit siya ng mga kupal na siga kagabi. Hindi kasi ganito kalala ang mga galos niya bago kami maghiwalay.

"Tanginang mga 'yon! Reresbak talaga tayo! Magtago na sila sa mga puke ng nanay nila!" galit na ani ni Van habang nakatingin kay James.

Nakakatuwa lang na kahit may galit siya kay James ay hindi pa rin niya ito papabayaan sa ganitong sitwasyon.

TopherWhere stories live. Discover now