Chapter 31: Restaurant Manager

8.2K 168 43
                                    

~ • ~

Bahagya na akong kumalma nang makarating kami sa isang restaurant at pumwesto sa isang table sa second floor. Kalmado na ako pero mugto pa rin ang aking mga mata.

"Ganito kasi 'yun, Topher." panimula ni Luigi. "Sinubukan ka naming puntahan kahapon sa bahay niyo. Pero parang wala namang tao kasi walang tumutugon sa tawag namin. Kaya napagpasyahan naming si James na lang ang puntahan sa kanila. Nag-aalala na kasi kami kung bakit hindi na kayo nagpaparamdam. Lalo pa't gusto kong sabihin sa inyo na nililigawan ko na 'tong si Maureen." sabay sulyap nito sa katabing babae. "Tapos hayun, nang makarating kami sa bahay nila, sumalubong sa amin 'yung tatay niya. Pinapasok kami at sinabi pang eksakto raw ang pagdating namin kasi nandoon din ang...

ang... girlfriend ni James."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara't tinidor. Nag-igting rin ang aking panga habang pinipigilan ang muling pagbugso ng aking luha. Nahimasmasan lamang ako nang maramdaman ko ang haplos ni Van sa aking likuran.

"Wow. Girlfriend?" sarkastikong sabi ko.

"Hindi namin alam ang buong istorya pero 'yun ang nalaman namin. Sorry, pre. Hindi na rin kasi namin nakausap si James tungkol doon." tugon ni Luigi.

Muling nangingilid ang luha sa aking mata. Tila napansin naman iyon ni Van kaya pinunasan niya iyon gamit ang dala nitong panyo. "Nasasayang lang ang luha mo sa gagong 'yon." may diin na anito.

Samantalang bigla ko namang naramdaman ang paghaplos ni Maureen sa kamay kong nasa ibabaw ng lamesa. "Basta nandito kami para sa'yo, Topher. Pwede mong sabihin lahat ng gusto mong sabihin sa amin. Handa kaming makinig." malumanay na sabi nito.

Ramdam ko ang sinseridad nilang tatlo. Alam kong nag-aalala sila sa kalagayan ko ngayon at nagpapasalamat ako dahil nandito sila para samahan ako. Gustuhin ko mang ibuhos lahat ng hinanaing ng puso ko sa kanila, pero sa pagkakataong ito alam kong hindi ko pa kaya. Masyado pang masakit para maisiwalat ko sa kanila ang nasa loob ko.

"Salamat." ito na lamang ang matipid ngunit taos-puso kong nasagot.

Ang totoo niyan, nais kong sabihin na okay ako at gusto kong pilitin na maging okay sa harap nila. Pero hindi talaga kinakaya ng puso ko ang mga nalaman ko ngayon. Mas lalong hindi na rin kaya pa ng mata kong pigilan ang mga luhang nagbabara dito. Kaya napagpasyahan kong mapag-isa muna hanggang sa pansamantala kong mapigilan ang pagbugso nitong emosyon ko.

"Magc-CR lang ako," paalam ko sabay tumayo sa kinauupuan.

Naging mailap naman si Van at tumayo rin. "Samahan na kita-" pero pinigilan ko siya.

"Hindi, okay lang ako." saad ko at saka nagbigay ng pekeng ngiti.

Magpupumilit pa sana si Van pero hinawakan na siya ni Maureen na tila naiintindihan ang nais ko- ang mapag-isa. Kaya sa halip ay inabot na lang sa akin ni Van ang panyo niya bago ako pumanaog papunta sa comfort room na sa ground floor pa matatagpuan.

Nang makarating sa CR ay dumiretso agad ako sa isang cubicle at agad na ikinulong ang aking sarili. Pagkasara ko ng pinto ay saka sumabog ang luha ko at napaupo sa toilet seat.

Tang ina.

Girlfriend? Girlfriend na niya si Kelly? 'Yung puking inang malanding si Kelly?! Nag-igting ang panga ko kasabay ng pag-agos ng aking luha. Putang ina mo, James! Ito ba ang dahilan kung bakit hindi mo na ako mahal? Dahil na-realize mo na mas masarap ang puke niya kaysa sa butas ko? Tang ina! Kantot lang ba talaga ang habol mo?!

Sobra ang bigat ng dibdib ko. Kung pwede nga lang na tanggalin ko na ang puso ko para hindi ko na maramdaman ang sakit ay ginawa ko na.

Napakagago mo James! Ginago mo ako! Alam ko naman sa sarili ko na may pagkakamali ako pero bakit ganoon mo na lang ako kabilis palitan? Ganoon ba kalala 'yung nagawa ko? Ganoon na lang ba talaga ako kabilis kalimutan? Bakit hindi mo man lang ako kinausap nang maayos? Bakit hindi ka man lang nagpaliwanag? Teka, minahal mo ba talaga ako? Ginusto mo man lang ba talaga 'yung namagitan sa ating dalawa?

TopherWhere stories live. Discover now