Chapter 18: Fist Bump

10K 157 4
                                    

~ • ~

Dahan-dahan kaming pumuslit ni James papasok sa aming klase. Hindi kasi namin napansin ang paglipas ng oras. Halos 30 minutes na pala kaming late. Balak ko sanang libanan na lang ang klase na ito pero pinigilan ako ni James kasi mahihirapan kaming habulin ang mga discussions para sa paghahanda sa nalalapit naming Final Examinations.

Naka-squat kaming naglakad ni James patungo sa upuan nina Van at Luigi habang nagtatago sa mga upuan para hindi mapansin ng aming propesor. Nakita ko ang pagkagulat nina Van at Luigi nang makita kami ni James na magkasama. Halos mahulog pa nga si Luigi sa upuan dahil sa pagkabigla nito.

"OA mo, Luigi." pabulong na sinabi ni James kay Luigi bago ito pasimpleng umupo sa tabi ni Van.

"May lagnat ka ba, pre?! Bakit magkasama kayo ni Topher?!" pabulong na singhal naman ni Van dahil sa pagkamangha.

"Gago, wala!" tugon naman ni James sabay mahinang suntok sa braso ng katabi.

Dahil wala silang nakuhang impormasyon kay James ay napatingin ang dalawa sa akin na tila ba naghihintay ng eksplanasyon ko. "Mamaya nalang, pre." pabulong kong saad sa kanila saka itinuon ang paningin sa aming prof na kasalukuyang nagdidiscuss.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano at kung saan ko sisimulan ang pagpapaliwanag. Alam kong sa kalibugan ko lahat ito nagsimula. Nang dahil sa libog humantong kami sa ganitong sitwasyon ni James. Pero hindi ko alam kung ito ba ang tamang pagpapaliwanag sa katanungan nila. Hay, ewan! Bahala na!

Halos isang oras ang tinagal ng diskusyon na iyon sabay pinaalalahanan na nga kami tungkol sa nalalapit naming Final Exams bago nag-dismiss ang prof namin. Nag-ayos na ang aming mga kaklase ng gamit para umalis sa silid na iyon. Gayundin naman kaming apat.

Matapos isukbit ni Van ang kanyang backpack ay agad itong umakbay sa akin nang mahigpit. Muntik na akong ma-out of balance dahil sa bigat ng braso nito. "Ano na, Topher?! Anong pinakain mo sa kupal na 'to at hindi na mainit ang dugo sa'yo?" usisa nito.

Agad namang inalis ni James ang mabigat na braso ni Van sa aking balikat. "Pare, tigilan mo nga si Topher! Ako na ang magsasabi sa inyo mamaya."

Napataas naman ang dalawang kamay ni Van na parang sumusuko. Saka nito inilipat ang akbay kay Luigi na nagpatianod palabas ng silid na iyon.

Nang kami na lang ni James ang naiwan sa loob ay tinanong ko ito. "James, hindi mo man lang ba sa kanila nabanggit na magkaayos na tayo noong umuwi ka sa dorm niyo?" kasi nagtataka ako na wala man lamang silang ideya.

"Hindi ko na nasabi kasi hindi ako doon tumuloy kagabi eh." sagot nito sabay napakamot sa ulo.

"Ha?! Eh saan ka natulog?!" nag-aalala kong sambit.

Hinawakan naman nito ang kamay ko. "Huwag ka mag-alala sa'kin, Topher. Nakasalubong ko kasi 'yun pinsan ko habang naglalakad pauwi sa dorm. Matagal ko nang hindi nakakausap 'yun kasi sa ibang bansa siya dati nagtatrabaho. Hindi ko naman alam na nandito na pala siya. Niyaya akong kumain tapos hindi namin namalayan ang oras kaya doon muna ako sa kanya nakitulog." paliwanag niya. "Hayaan mo, hahanap ako ng oras para maipakilala kita sa kanya." dagdag pa nito sabay ngumiti.

Napangiti rin naman ako sa tinuran niya. "Siguraduhin mo lang na doon ka nagpunta." paninigurado ko sa kanya.

"Sus! Selos na agad?" mapanuksong sabi nito sabay inikot ang kanyang braso sa aking baywang at inilapit ang katawan ko sa kanya.

Hahalikan niya sana ako pero itinulak ko na ang dibdib nito palayo sa akin. "James! Baka may makakita sa atin!" suway ko sa kanya.

TopherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon