Chapter 17: Courtship

11.9K 189 0
                                    

~ • ~

Matamlay kong minulat ang mata ko nang mairita ako sa pag-alog at paggising sa akin ni Kuya Joseph.

"Hoy! Gumising ka na d'yan, Topher!"

"Bakit ba, Kuya?! Ang aga aga pa! Mamaya pa namang 10 ang klase ko." iritable kong tugon sabay talukbong ng kumot.

"May bisita ka, gago! Bumangon ka na!" patuloy pa rin ito sa pag-alog sa akin at tila naiinis na rin dahil hindi ako bumabangon.

"Sino namang bibisita sa ak- " napatigil ako sa pagsasalita at agad na napaupo sa kama.

Hindi kaya si...

"Manliligaw mo!" iritang saad ni Kuya Joseph.

Agad akong bumalikwas sa kama at mabilis na tumakbo pababa sa aming sala. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Kuya Joseph pero hindi ko na iyon pinansin.

Lab dab lab dab

Bumilis ang tibok ng puso ko nang madatnan ko si James sa aming sala. Naka-uniporme na ito at nakaupo sa aming sofa. May ilang band-aids pa rin sa kanyang mukha at braso pero gwapong gwapo pa rin ito tingnan.

Tumayo agad ito nang makita ako. "Gising ka na pala. Tara sabay na tayo pumasok." anito sabay ngiti sa akin.

Tang ina! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad akong tumakbo papunta sa kanya para yakapin siya. Muntikan pa siyang matumba dahil sa pagyakap ko pero buti na lang ay nakontrol pa rin niya ang kanyang balanse.

"Akala ko 'di ka na babalik dito." bulong ko sa kanya.

Hinawakan naman nito ang mukha ko para makita niya ako. "Pwede ba iyon? Liligawan pa kaya kita." sabi nito sabay kindat.

Mas hinigpitan ko pa ang yakap kay James dahil sa kilig na nararamdaman ko. Ngayon sigurado na ako na hindi lang isang magandang panaginip ang lahat ng nangyari kahapon. Totoo iyong lahat. Totoong totoo.

"Ehem..." kumalas kami ni James sa pagkakayakap sa isa't isa nang marinig namin ang pag-ubo ni Kuya Joseph. "Aba! James, Topher, 'wag masyadong mapusok! Itong mga batang ito talaga, oo." napaface-palm pa ito.

Sabay kaming napatawa ni James. "Huwag kang mag-alala, Kuya Joseph. Ako ang bahala dito kay Topher." sabay pinulupot nito ang kanyang kanang kamay sa aking balakang.

"Siguraduhin mo lang ha! Tandaan mo 'yung pinag-usapan natin kagabi!" paalala ni Kuya Joseph.

"May iba pa ba kayong pinag-usapan?" usisa ko sa dalawa.

"Sa amin na lang 'yon, Topher." ani Kuya Joseph sabay tumungo palabas ng bahay. Nakasuot na ito ng uniporme niya sa trabaho. "Mauna na ako! Kayo na ang bahala dito." dagdag pa nito bago tuluyang umalis.

Napatingin ako kay James dahil gusto kong sabihin niya sa akin ang bawat detalye ng pag-uusap nila ni Kuya Joseph. Nacu-curious talaga ako. Pero nginisian lang ako nito na tila walang balak sabihin ang gusto kong malaman. Kaya naman napanguso na lang ako at nagcrossed arms. Ikinulong naman nito ang kanyang dalawang kamay sa aking baywang at tiningnan ako sa mata.

"'Wag ka nang makulit, Topher. Sige na, mag-ayos ka na. Papasok pa tayo." saad nito na puno ng paglalambing. Dahil sa kanyang malambing na pananalita ay parang may umudyok sa akin para pairalin ang aking kalibugan.

Sinuklian ko siya ng isang malagkit na tingin. "James, gusto mong sumabay maligo?" pang-aakit ko dito habang nilalaro ang aking kamay sa kanyang dibdib.

Napalunok ito. "Tang ina, Topher! Inaakit mo na naman ako! Nakaligo na ako eh." pagtanggi nito pero nararamdaman ko ang unti-unting pagbaba ng kamay nito mula sa aking balakang patungo sa aking matambok na pwet.

TopherWhere stories live. Discover now