Chapter 8: To The Rescue

14.6K 241 9
                                    

~ • ~

Napagpasyahan namin ni Luigi na sabihin kanila Van at James ang sikreto ko sa boarding house na lang nila pagkatapos ng klase namin sa buong araw. Pakiramdam ko kasi na kailangan ng mas pribadong lugar para sabihin ko ito sa kanila. Nagpapasalamat talaga ako kay Luigi dahil sobrang suportado niya ako dito at wala itong halo ng pandidiri sa akin.

"Ano ba 'yung importanteng sasabihin niyo, Luigi?" hindi mapakaling pag-uusisa ni Van.

Seryoso ang lahat sa paligid. Marahil ay dahil seryoso kami ni Luigi buong araw at nagtataka siguro si Van kung bakit ganito kami lalo na si Luigi na palaging makulit sa tropa. Si James naman ay naging seryoso na ang emosyon, sa hindi ko masiguradong dahilan, simula noong makita ko siya kanina. Nakaupo si Van sa kama at si James naman ay nakaupo na tila walang pakialam sa isang silya sa gilid ng kama. Habang kami ni Luigi ay nakatayo sa harapan nila.

"Van, James. Ilang taon na tayong magkakasama. Ilang taon na tayong magtotropa. Halos magkakapatid na nga ang turingan natin sa isa't isa." pagsisimula ni Luigi. "Kumbaga pamilya na tayo rito. Kaya bago pa sabihin ni Topher ang gusto niyang sabihin sa inyo, papaalalahanan ko lang kayo na ang pamilya ay tinatanggap anuman ang kapamilya nila." matatawa na sana ako sa disclaimer ni Luigi pero seryoso ito sa pagkakasabi niya kaya pinigilan ko na lang iyon at nanatiling seryoso.

Napakunot ang noo ni Van sa nadinig. Siguro ay litong-lito na ito at nais nang malaman ang sasabihin ko. Tinapik ako ni Luigi na senyas para sabihin ko na ang dapat kong sabihin tapos ay naupo siya sa tabi ni Van at inakbayan ito.

"Ah-ah.. eh kasi..." napabuntong hininga ako para mawala kahit papaano ang kaba ko. Fucking shit! Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba! Paano kung hindi nila ako tanggap?! Hay ewan. Sige, sasabihin ko na para matapos na.

Inhale.

Exhale.

"Ano na, Topher?" kitang kita ko sa mukha ni Van ang pagtataka at pagkasabik na malaman ang kung anumang lalabas sa bibig ko.

"Sasabihin ko sa inyo ito kasi gusto kong maging totoo sa inyo bilang tropa ko." panimula ko. "Matagal ko nang alam na ganito ako pero itinatago ko lang kasi natatakot ako na baka hindi niyo ako matanggap at pandirian niyo ako." huminga ako ng malalim at saka sinambit na,

"Bakla ako, pre."

Binasa ko ang mga reaksyon nila. Si Luigi ay nangiti dahil siguro proud sa pag-amin ko sa kanila. Si Van ay nanlalaki ang mata dahil sa nalaman. Si James naman ay parang galit na walang pakialam. Ewan ko ba sa lalaking iyan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang inaasal niya.

Tulad ng pag-amin ko kay Luigi ay nagkaroon ng ilang minutong katahimikan. Biglang nabasag ang katahimikang ito nang tumayo si James na nagpabigat sa pakiramdam ko.

"Papahangin lang ako sa labas." malamig na sabi nito at saka umalis sa boarding house na iyon na tila ba walang pakialam sa sinambit ko.

Tumulo ang luha ko at sinundan ng tingin si James. Agad namang tumayo si Luigi at hinimas ang likod ko.

"Okay lang 'yan, pre. Matatanggap ka rin ng kupal na 'yon! Kaibigan ka nun eh. Mahal ka rin nun." pagpapanatag ni Luigi sa akin.

Sana nga.

Sana nga mahal niya ako.

Habang nakatingin sa pintuang pinaglabasan ni James ay bigla na lang ako nakaramdam ng yakap. Si Van iyon. Nahalata ko agad dahil malaki at matigas ang katawan nito.

TopherWhere stories live. Discover now