Chapter 33: Reunion

6.3K 146 49
                                    

~ • ~

"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo d'yan?" usisa ni Leo nang mapansin na nakatulala ako pagkabalik nito sa mesa namin.

"H-ha? Ah- eh, w-wala. Wala."

"Nalimutan ko palang ipakilala sa'yo 'yung pinsan ko. Sandali, tatawagin ko lang." sabay tindig nito pero pinigilan ko agad siya.

"P-pinsan?" pag-uulit ko.

"Oo, si James, pinsan ko."

Tangina! Pinsan niya si James?! Kaya pala may mga pagkakataon na nakikita ko ang pagkakahawig nito sa kupal na iyon.

"Huwag na, Leo. Mukhang busy din naman siya sa mga kamag-anak mo." pinipilit ko na lang pakalmahin ang sarili ko pero sa loob ko ay nagwawala na ang sistema ko at iniisip ko na ang irarason ko para makatakas.

"No, no. Susunduin ko na rin sila kasi dito rin naman ang table nila-"

"ANO?!" napatingin sa akin ang lahat ng kasama namin sa table na 'yon. "S-sorry."

"Bakit, Topher? May problema ba?"

"Ah, wala, wala naman." pilit ko na lang nilalakasan ang loob ko para hindi sumabog ang aking emosyon.

Hinawakan naman nito ang kamay ko. "Sigurado ka? Okay ka lang ba? Bakit parang ang tamlay mo?"

"Ah, medyo masama kasi ang pakiramdam ko. Siguro dahil sa panahon." palusot ko.

"I figured. Don't worry, ihahatid pa rin naman kita mamaya sa inyo. Tapusin lang natin 'to." aniya at ngiti lamang ang sinukli ko rito.

Ilang saglit pa ay dumating na sina James at Kelly sa table namin. Napansin ko ang biglang pagkawala ng ngiti ni James at pagtaas ng isang kilay ni Kelly.

"Insan!" pagbati ni Leo.

Tumango naman si James. "Dito raw kami mauupo?"

"Oo, dito sa tabi namin." sabay inalok nito ang katabing upuan. "Siya nga pala, si Topher, date ko." pagpapakilala pa nito sa akin.

Bahagya lamang na tumingin si James sa akin bago sila umupo. Hindi rin naman nakatakas sa paningin ko ang pag-irap sa akin ni Kelly. Pero sa kabila ng malamig na pakikitungo nila sa akin ay nginitian ko pa rin sila.

"May announcement raw kayo sa amin, hijo?" usisa ng isang matandang babae kina James at Kelly.

"Yes, tita. May sasabihin po kami ni James mamaya." si Kelly na ang sumagot sabay sukbit sa braso ng kasintahan. Nahuli ko pa ang pagtingin nito ng masama sa akin.

Doon na nagsimulang magkwentuhan at magkamustahan ang mga kamag-anak nina Leo at James sa table namin. Dahil hindi ko naman close ang mga ito ay nanatili na lang akong tahimik at pangiti-ngiti na kunwari ay walang mabigat na dinadala ang dibdib ko.

Hindi ko magawang makatingin sa direksyon nila James. Pakiramdam ko kasi bigla na lang sasabog ang luha ko kapag nakita ko sila. Pinipilit ko na nga lang maging okay sa kabila ng sakit na nadarama ko ngayon. Kung hindi lang para kay Leo, talagang nakaalis na ako rito.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Ito na siguro ang magiging dahilan ko para panandaliang makatakas sa presensya ni James. "Mag-ccr po muna ako." pagpapaalam ko.

"Samahan na kita." alok ni Leo pero pinanlakihan ko lamang ito ng mata, senyales na kaya ko nang mag-isa. "Sabi ko nga, dito na lang ako." aniya nang mabasa ang mata ko sabay tawa niya at ng mga kasamahan namin sa table.

Nang makarating ako sa restroom ay agad din akong umihi, naghugas ng kamay at pagkatapos ay napatingin sa salamin.

"Okay lang ba ang hitsura ko?" tanong ko sa sarili. "Halata ba sa hitsura ko na hindi ko pa siya nakakalimutan? Na mahal ko pa rin siya? Na sobrang bigat sa pakiramdam ko na makita ko siyang may kasam-"

TopherWhere stories live. Discover now