Chapter 26: A Nightmare

9.8K 180 35
                                    

~ • ~

Sumalubong kay Van ang isang malakas na suntok habang naglalakad ito sa dalampasigan. Dahil sa impact noon ay natumba siya sa buhanginan.

"Tang ina mo ka!" sigaw ni James matapos magpakawala ng kamao.

Pilit kong hinabol si James pero mukhang nahuli na ako. Nasaktan na niya si Van. Hindi ko na kasi napigilan ang pagsabog nito sa kwarto pa lang. Ni hindi na nga nito naisuot ang kanyang damit. Kahit anong pang gawin kong pagsuyo ay determinado talaga itong masaktan si Van dahil sa umaapaw nitong galit. Kaya naman mabilis nitong hinanap ang kinaroroonan ng aming kaibigan. Nakasalubong namin si Luigi pero hindi lang ito pinansin ni James kaya naman sumunod na agad ito sa amin dahil alam niya ang maaaring gawin ng kaibigan kapag galit ito.

"Tama na, James!" pagtutol ko sabay niyakap si James para pigilan ito.

Samantalang si Luigi naman ay tinulungang bumangon si Van. Nanlilisik ang mata nito habang hinahawakan ang kaliwang pisngi na nasuntok ni James. Pagkabangon ay naging agresibo na rin ito at bumwelo ng suntok pero agad rin namang napigilan ni Luigi.

"Tang ina mo rin! Anong problema mo ha?!" singhal pa ni Van kay James.

Pinipilit din kumawala ni James mula sa bisig ko para saktan muli si Van. Pero hindi ko na hahayaan pa iyon. "James! Tumigil ka na! Kasalanan ko rin naman! Sorry na!" pagsusumamo ko pero dinedma lang ako nito.

"Puta! Pati ba naman si Topher, tinatalo mong gago ka!" nanggagalaiting sigaw ni James habang nagpupumiglas. Mabuti na lang ay walang tao sa parte ng beach kung nasaan kami.

"Ano namang pakialam mo?! Mahal ko si Topher!" galit rin na tugon ni Van. Nakita ko ang pagkagulat ni Luigi sa narinig pero matibay pa rin ang pagpigil nito sa kaibigan.

"Gago! Hindi ka niya gusto! Pero talagang hindi ka nagpapigil sa putang inang kalibugan mo!" halos hindi ko na makilala si James. Tila nag-iba ito ng anyo dahil sa kanyang galit.

Napangisi ng sarkastiko si Van. "Ako pa talaga ang hindi nakapagpigil sa kalibugan? Sino kaya sa'tin 'yung nilapitan lang ni Kelly, sinunggaban agad ng halik? Ha?! Sino kaya sa'tin 'yung kupal na pinabantayan pa si Topher sa banyo para hindi siya mahuli sa kaputahang ginagawa niya? Sino ha?! Sino?!" sarkastiko at mariin na singhal nito.

Natigilan ako sa narinig ko. Nakakapit pa rin ako kay James pero tila unti-unti akong nanghihina. Parang ngayon lang nag-sink in sa akin 'yung kasalanan na ginawa ni James kahit na narinig ko na 'yun kanina.

"Tang ina mo! Lasing ako nun!" pagtatanggol ni James sa sarili.

"Gago! 'Wag mo kaming niloloko! Alam naming hindi ka nawawala sa sarili kahit lasing ka pa! Alam mo ginagawa mong kupal ka!"

Napabitaw ako sa pagkakayakap kay James. Natulala ako at muling namuo ang luha sa aking mata. Tila ba natauhan si James dahil natigilan rin ito nang bitawan ko siya. Inabot nito ang kamay ko pero iniwas ko iyon.

"Topher..."

"T-totoo ba?" pinipigilan ko ang pagsabog ng luha ko.

"T-topher..." muli nitong inabot ang kamay ko pero iniwas ko ulit iyon.

"Tang ina naman, James! Totoo ba?! Totoo bang pinabantayan mo ako kay Van para hindi kita mahuli?!"

TopherOù les histoires vivent. Découvrez maintenant