Chapter 24: Trapped to Sex

13K 186 11
                                    

~ • ~

Agad akong tumakbo papunta sa pinto at pinilit iyong buksan. Tang ina! Sa labas nga lang talaga ito mabubuksan. Yari pa sa matibay na kahoy ang pinto kaya mahirap itong baklasin. Fucking shit!

Kinalampag ko pa ang pinto nang talagang hindi ko na makayanang buksan ito. "Tulong! Tulong! Kung sino mang nand'yan!" sigaw ko pero natatabunan ang pag-iingay kong iyon ng malakas na tunog na nanggagaling sa party.

"Ugh..." daing ng lalaking nadapa sa sahig.

Napatigil tuloy ako sa pagkakalampag at saka nilingon ang badtrip na lalaking nagsara ng pinto. "Hoy, pre! Bumangon ka nga dyan!" sabay sinipa ko ito sa kanyang binti.

Pinipilit umangat ng lalaki pero hindi nito magawang makatayo dahil siguro sa pagkahilo. Kaya naman lumapit ako sa kanya at saka inalalayan itong makaupo man lang. Kahit likod pa lang nito ang nakikita ko ay masasabi kong maganda ang katawan niya dahil sa back muscles nito at maging ang braso niya na hawak ko ngayon ay matigas at halatang batak sa gym.

What the fuck?!

Nang maiangat ko siya ay nagulat ako kaya biglaan ko itong naitulak papunta sa pader. Kilala ko ang lalaking ito.

"Van?!" nabiglang pagsigaw ko. Hindi ko agad ito nakilala kanina dahil sa kakarampot na liwanag sa loob ng bodega.

"Topher..." saad nito sabay nahihibang na tumawa.

Agad naman akong lumapit dito at saka sinuri para malaman ko kung ayos lang ba siya mula sa kanyang pagkakadapa. "Gago ka! Ikaw pala 'yan, Van! Akala ko kung sino!"

Bukod sa maruming katawan nito dahil sa maalikabok na sahig ay wala naman itong galos kaya naupo na lang ako sa tabi niya. Kinuha ko sa aking bulsa ang panyo ko at saka pinunasan ko ang duming iyon sa kanyang katawan.

Bumubungisngis ito sa kawalan habang pinupunasan ko ang maumbok nitong dibdib. Kahit na kakaunti lamang ang ilaw na pumupuslit mula sa kisame ay kitang kita ko pa rin ang napakagandang katawan ng kaibigan kong ito. Lalo na ang pumuputok na muscles nito sa braso, dibdib at tiyan. Hindi talaga namin mahihigitan ang kakisigan ng katawan ni Van. Napaka-macho nito.

"Ano bang nangyari sa'yo, Van? Nasaan na yung suot mong sando kanina?" usisa ko rito kahit na alam kong lasing ito at walang matinong isasagot.

"Paparty tayo! Party! Woooh!" nahihibang na tugon nito. Napahawak nalang ako sa aking noo. Lasing na nga talaga itong gagong ito.

Pero in fairness, kahit ganito ang ayos niya ay nakakaakit pa rin ito. Mula sa magulo nitong buhok. Sa makinis at moreno nitong balat. Sa mahitsura nitong mukha. Sa matikas nitong pangangatawan. Sa kabuuan niya.

Fuck!

Napailing ako para mawala ang kalibugang namumuo sa aking isipan. Ihinagis ko na rin sa kanya ang panyo ko para hayaang siya na ang magpunas sa sarili niya tutal natanggal ko na naman ang karamihan ng dumi rito. At isa pa, gising naman siya.

Hindi ko dapat pag-isipan ng kalaswaan si Van. Una, dahil matalik na kaibigan ko siya. Maaaring may nangyari sa amin noon pero hanggang doon na lang iyon. Mali ang nagawa ko noon at hindi na dapat pang maulit pa. At pangalawa, dahil may James na ako. Mahal na mahal ko siya at hindi nararapat na pagtaksilan ko siya. Kaya naman maling mali na malibugan ako kay Van o sa kahit kanino pa man.

Tatayo na sana ako para muling maghanap ng paraan para makalabas sa silid na ito. Pero naudlot iyon nang hawakan ni Van ang braso ko at hinila ako papunta sa kanya.

"San ka pupunta?" boses-lasing na tanong nito sabay napaupo akong muli sa tabi niya.

"Bubuksan ko 'yung pinto. Nakulong tayo dito eh."

TopherWhere stories live. Discover now