"Kailangan ko nang bumalik sa trabaho ngayon. Baka kasi hinahanap na ako ng boss ko."

Nadulas ito sa 'kin.

"Boss? Anong trabaho ba Clarise?"

Napakagat ito sa kanyang ibabang labi.

"Guia tsaka ko na ipapaliwanag sa 'yo. Hindi pa kasi pwede e."

"Clarise ngayon ka pa ba maglilihim sa 'kin?" Nag aanlinlangan ang kanyang mga mata. Huminga s'ya ng malalim at saka salita.

"Pangako mo sa 'kin na sa atin lang 'to ha?" Itinaas ko naman ang kanang kamay ko.

"Pangako."

LUMIPAS kabuwanan ko. Gabi nang humilab ang aking tiyan.

"F-Fabian manganganak na ata ako." Nakadapa itong matulog patalikod sa 'kin. Sinikap kong tumayo para gumawi sa kabila at gisingin s'ya nang pumutok ang panubigan ko. Nagkalat ito sa carpet kaya't sumigaw na ako.

"Manganganak na ako!" Nataranta naman s'yang bumangon. Binuksan ang ilaw at nakita n'ya ang tubig sa sahig.

"I'll take you to the hospital." Tarantang sabi nito. Hindi na ako nakapag salita nang buhatin na n'ya ako. Ang sakit-sakit na ng tiyan ko. Humihilab ito na hindi ko maintindihan.

Kaagad na nabulabog ang mga tao sa Villa at kaagad na pinahanda ni Fabian ang sasakyan. Mahigpit ang pagkakakapit ko sa batok n'ya dahil sa labis na pananakit ng aking tiyan.

Namulat ako at puting kisame na ang bumungad sa 'kin. Dala marahil ng gamot dahil cesarean ang ginawa sa 'kin.

"Ang baby ko?" Kaagad kong hanap sa nurse na nasa paanan ko.

Bigla namang bumukas ang pinto at si Fabian ang iniluwa nito. Bakas sa mukha n'ya ang labis na saya habang dala-dala ang baby namin.

Parang tumigil ang mundo ko nang ilapag n'ya ito sa 'king bisig. Anak… totoo ngang may anak na ako. Ang sarap sa pakiramdam na magkaron ng isang anak. Pinagmasdan ko ang anak namin. Baby pa lang ay napaka guwapo na nito. Talaga namang nagmana s'ya sa kanyang ama.

"Kamukha mo s'ya." Naiiyak na sabi ko dahil sa labis na tuwa. Hindi mawala ang mga titig ko sa munting anghel namin ni Fabian.

Lumapit si Fabian at hinawakan ang kamay ko tsaka ito hinalikan. Matapos no'n ay hinalikan n'ya ako sa 'king noo pababa sa 'king mga labi.

"Thank you for everything." Sabi n'ya.

"Anong ipapangalan natin sa kanya?" Tanong ko. Matagal bago nakapag salita si Fabian na tila nag-iisip na. Pinagmasdan n'ya ang anak namin at saka ito ngumiti.

"Lautaro." Ang gandang pangalan.

"Lautaro Devonscott." Napangiti ako nang ulitin ko ang pangalan ng anak namin.

Umuwi na rin kami ni Fabian kasama ang anak namin nang ma-discharge na ako. Hindi ko naman inaakalang ang papa mismo ang sasalubong samin pag-uwi at tuwang-tuwa itong makita ang kanyang apo. Hindi ko nga maiwasang matawa dahil hindi pa naman talaga s'ya mukhang matanda.

Naghanda sila ng simple para sa pagbabalik ko.

"Kailan ba ang kasalanan?" Tanong agad ng papa.

"Next month." Kaagad na sagot ni Fabian. Nanlaki naman ang mga mata ko sa pagkabigla. Agad-agad?

"Fabian wala pa tayong wedding planner, hindi pa nabibinyagan ang baby natin. Next month? Hindi ba masyadong mabilis?" Tanong ko.

"No. Nakahanda na ang lahat bago ako mag propose sa 'yo." Napanganga na lamang ako sa sinabi n'ya.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Jul 20, 2019 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora