WAKAS

65.4K 1.3K 157
                                    

GUIA:

"FABIAN alagaan mo ang anak ko." Bilin ng papa bago kami umalis ni Fabian ng hacienda. Nakapag-decide kaming dalawa na bumalik ng Maynila hanggang sa ako'y manganak. Hindi rin n'ya pwedeng iwanan ang kanyang kompanya sa mahabang panahon. Hindi na rin nagpakita pa si Sandra at mas mabuti na ngang wala s'ya.

"You have my word Fernan. Makaka-asa ka." Nagkamayan sila bago kami sumakay ng sasakyan.

ISANG LINGGO ang nakalipas nang kami ay lumuwas ni Fabian. Bumalik na rin sa dati ang lahat. Nasa opisina siya ngayon habang ako naman ay abala sa pagluluto nang may mag door bell. Itinigil ko muna ang ginagawa nang magsalita ang isa sa mga katulong.

"Mam ako na po titingin kung sino."

Naghintay naman ako sa salas nang bumalik ang katulong.

"Mam kaibigan n'yo raw po si Ms. Clarise."

"Sige patuluyin mo."

Maya-maya lang ay pumasok na ang kaibigan kong si Clarise.

"Guia!" Sa sobrang tuwa ay nagyakapan kaming dalawa. Naikwento ko kasi sa kanya ang naganap na balikan namin ni Fabian at dito na ako nakatira sa Villa niya.

"Oh my nahahalata na." Masaya niyang hinawakan ang tiyan ko. Suot ko naman ang maluwag na blouse dahil dito ako komportable.

"Kamusta kana pala?" Tanong ko.

"Lumipat na rin ako ng trabaho. Hindi ko na nga nabanggit sa 'yo e."

"Talaga? Saan naman?" Nagulat ako dahil matagal na rin ito sa Unibersidad kung saan din ako nag-trabaho.

"Pasensya kana Guia ha pero hindi ko pa pwedeng sabihin ngayon e." Napa-kunot noo ako. Hindi naman kasi naglilihin sa 'kin ang kaibigan kong si Clarise. Pero nanahimik na lamang ako at nirespeto ang desisyon n'ya.

Maya-maya lang matapos mailapag ng kasambahay ang juice na ipinahanda ko ay may nag-door bell ulit.

"Manang paki-tignan naman kung sino." Utos ko.

"Mam si Sir Hennessy po." Napatayo ako nang makita si Hennessy na kapapasok lang. May dala itong bulaklak at tsokolate.

"Hennessy tuloy ka." Tumuloy naman ito at ini-abot ang dala-dala kay Manang.

"Totoo nga ang balita magpapakasal kayo ng kuya." Nakangiti n'yang sabi. Napakamot ako sa 'king ulo. Hindi pa namin napapaliwanag ni Fabian sa kanya ang lahat.

"It's alright Ate Guia. Alam ko naman noon pa may gusto sa 'yo ang kuya." Napahawak ako sa 'king magkabilang pisngi dahil sa binitiwan n'yang salita. Unang-una, ate? Talaga bang tinawag n'ya akong ate? At totoo bang matagal na akong gusto ni Fabian? Hindi ko mawari ngunit sobrang saya ko nang sabihin n'ya 'yon.

"Maupo ka muna Hennessy. Oo nga pala, si Clarise kaibigan ko." Tumango naman ito at ngumiti si Clarise.

"Hindi rin ako magtatagal. Kinamusta lang kita at ang pamangkin ko." Nakangiti itong nakatingin sa 'king tiyan.

"Take care Ate Guia. I'm going out of country tonight for a business trip." Talagang napaka workaholic n'yang tao.

"Salamat Hennessy. Hindi mo na ba hihintayin ang kuya mo? Pauwi na siguro 'yon." Tumingin ako sa orasan. Pasado alas-kuwatro na pala ng hapon. Matagal-tagal din ang pag-uusap namin ni Clarise.

"It's fine. Babalik din naman ako nextweek." Tumayo na ito at inayos ang tuxedo n'ya. Halatang kagagaling lang din sa trabaho.

Pagkaalis nito ay ilang segundo lamang at nagpaalam na rin si Clarise.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon