Kabanata 2.

55.7K 1.2K 98
                                    


"Senyor maniwala po kayo wala akong ginagawang masama." Humihikbi na saad ng isang dalagita kay Fernandino.

"Putang ina! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Lumayas ka!" Namumula na sa galit at tila sasabog na.

"Papa ano bang nangyayare?" Bigla naman ang pag dating ng unica hija na si Guia. Suot ang manipis na bestidang puti na tila pantulog.

"Senyorita wala po akong ninanakaw." Saad muli ng babaeng katiwala.

"Ninakaw mo ang ibinigay kong alahas kay Sandra. Paanong walang ninanakaw?" May gigil ang tono ng pananalita ng Senyor.

"Sandali, nakakasiguro ka ba papa na siya nga ang kumuha ng alahas ng magaling na kirida mo?" Sarkastikong tanong ni Guia.

"Guia!" Saway ng kanyang ama dahil sa tabas ng pananalita nito.

"Bakit hindi mo tanungin ang magaling kong madrasta?" Sabay lingon nito sa madrastang hindi na maipinta ang mukha. Muhing muhi na nakatitig sakanya suot suot ang bestidang kulay pula.

"Sandra ano ang sinasabi ni Guia?" Tanong ng ama ni Guia.

Lunok lamang ang isinagot ni Sandra. Ang tinutukoy na alahas ay ang kwintas na Ruby. Simbolo bilang isang pangalawang asawa.

"Ayoko ng Ruby Fernan. Hindi ako pangalawa lamang." Nanggigilid ang mga luha ng madrasta.

"Tsk ni hindi pa nga kayo kasal." Singit ni Guia.

"Sandra asan ang kwintas? 'kung ayaw mo ng ganoon I'll fix it for you. Ipapagawa kita ng bagong Emerald." Pumalakpak ang tainga ni Sandra habang tinubuan naman ng sungay si Guia.

"Hibang kana talaga papa. Wala na akong masabi!" Padabog itong umalis sa harapan nila at nag tungo sa kusina. Wala na siyang kahit anong amor sa ama simula ng mabaliw sa lintek na kabit.

"Bwiset!" Sigaw nito.

"You really love to cuss." Dinig nito sa likuran. Nilingon 'kung kanino nanggagaling ang boses at di siya nag kamali. Ito lang naman si Fabian ang kanyang Ninong na nakadekwatrong upo mismo sa tapat ng mesa at nagbabasa ng diyaryo.

Hindi ito pinansin ng dalaga, sa halip ay binuksan ang ref at kumuha ng gatas. Binuksan niya ito at biglang tinungga ng matapon ang ilang katas sa manipis niyang puting bestida.

"Tsk!" Asik niya ng matapon ito sa mismong dibdib niya na wala namang pang suporta kundi ang manipis na tela lamang. Bilang nabuhay ang dalawang korona nito nang mabasa ng gatas. Inilapag niya ang hawak na gatas at lumingon para kumuha ng malinis na tela upang patuyuin.

Hindi na sana niya ginawa ang pag lingon at nagsisisi siya dahil bumungad si Fabian na napaangat ng tingin mismo sakanya ng ganoon ang kalagayan.

Natigil ang mundo nila.

Kitang kita ang pag lunok ng binata ng dumapo ang mga mata sa bumabakat na mga korona ni Guia.

Nang bumalik sa ulirat ang dalaga'y kaagad niyang tinakpan ng dalawang braso ang mga ito at niyakap ang sarili.

"What are you looking?" Malditang tanong sa kanyang Ninong.

"Damn!" Pabulong na mura ni Fabian at umiwas ng tingin. Hindi nakatagal at iniwan ang iniinom na kape sa mesa at umalis ng walang lingon lingon. Hindi naman magkamayaw ang puso ni Guia. Napasandal na lamang ito sa pader at sinapo ang noo tsaka ipinikit ang mga mata.

Guia:

Kailan ba aalis ang Fabian na yan? 'Kung hindi dahil sa kasalang magaganap sa papa at kay Sandra hindi siya mag s-stay dito. I hate him. Hindi ako kumportable sakanya.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon