Kabanata 4.

47.9K 1.1K 107
                                    

Guia:

"Ibaba mo ako." Hindi niya ako naririnig. Nakatuon ang pansin sa manibela at mabilis na nagmaneho.

"Ibaba mo sabi ako eh!"

Mabilis niyang tinapakan ang preno dahilan para tumama ang balikat ko sa gilid ng bintana.

Napadaing ako sa sakit. Hindi siya umimik at kaagad itong lumabas. Masama ko siyang tinitigan. Saan siya pupunta? Napansin ko na lamang na nasa tapat kami ng motel. Anong ginagawa namin dito?

Kaagad siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ko at padabog na binuksan ang pinto. Hinawakan ng mahigpit ang pulsuan ko at hinatak palabas.

"Ano ba nasasaktan ako!" Napapikit ako sa higpit ng pagkakahawak nito. His teeth are gritting as his eyes glowed with tension and frustration.

"Problema mo? Get off me!" Pilit kong tinatanggal ang higpit ng kanyang pagkakahawak pero bigo ako. Malakas siya at kayang kaya akong tangayin. Hinila niya ako hanggang sa may entrance ng di kilalang motel.

Natahimik ako ng pag tinginan ng ibang tao na di ko naman kilala. Bigla niyang isinuot ang jacket sa'kin at itinago ang mukha ko. Ilang saglit pa'y hawak na niya ang keycard atsaka ako hinila ng sapilitan. Ayoko namang mapahiya. Nagpatangay ako ngunit may pagdadabog sa mga hakbang ko.

Sumakay kami sa elevator at ilang segundo lang ang itinagal ay bumukas ito sa isang bakanteng pasilyo. Nobody's here and it's silent. Nasa loob ba ang mga tao? Kanya kanyang pintuan ito na may plaka pa ng mga numero.

Hinila niya ako hanggang sa makapasok sa loob ng malamig na kwarto.

"Anong gagawin mo?" I lost my voice. Paos ang boses ko ng mag bitaw ng salita. Inihagis niya ang susi ng kotse sa gilid ng kama at naupo.

"Undress yourself." Utos niya sa'kin. Hibang ba siya? Anong pinagsasabi niya?

Niyakap ko ang sarili. Nanggilid ang mga nagbabadyang luha. Kinagat ang ibabang labi at pilit na pinipigilan ang pag patak nito. Walang iiyak Guia. Ni isang patak hindi mo ilalabas. Sabi ko sa'king sarili.

"Get undress now!" Sigaw nito. Galit parin ang kanyang mga mata na hindi nagbago. Anong problema niya? Nahihibang ang isang ito na utusan ako napaatras ako. What the hell is this?

"I have no patience for this. Get-un-dress-now." Madiin niyang utos. Hindi ako kumibo. Nanatiling masama ang titig ko dito.

"Gago ka!" Malutong ko siyang minura. Tumayo ito at kaagad akong hinawakan sa magkabilang pulsuan. Masama ang kanyang mga titig sa'kin at may galit ito. Ano bang atraso ko? Bakit ganoon na lang siya 'kung makatitig? At teka, siya pa ang may ganang magalit like seriously sa lahat ng ginawa niya kanina? Ibang klase talaga.

"Don't make me want to rip your clothes off kitten." Tumulo ang pawis ko sa nerbyos. Namumula parin ang magkabilang tainga nito na alam kong nag pipigil ng galit.

"Anong kasalanan ko sayo? Why are you doing this to me?" Tanong ko ngunit paghawak lamang ng mahigpit ang iginanti nito.

"Makakarating ito sa papa! Bastos ka!" Sigaw ko.

"At gusto mong mag pabastos sa tarantadong 'yon?! Hindi ako bastos pero gago ako!" Sigaw nito. Malakas ko siyang itinulak kahit na hindi naman ito gaanong naapektuhan.

Nabitawan niya ang magkabilang pulso ko at malakas na sampal ang inabot niya sa'kin. Wala akong pakialam 'kung sino siya. Walang tao ang pwedeng humusga sa'kin.

Ngunit matapos ang sampal na 'yon ay masamang tingin ang iginanti niya. Malakas niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at itinulak ako sa pader. Napapikit ako dahil sa pagiging agresibo nito. Ramdam ko ang init ng kanyang pag hinga na palalim ng palalim. Nasa leeg ko ito habang nakatingin ako sa ibang direksyon.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon