kabanata 21.

32.5K 845 51
                                    


Guia:

"MAM Guia malilipat po kayo ng department." Salubong sa'kin ni Ms. Flores ang HR. Tahimik lamang ako nang magsalita muli ito.

"Sa Engineer Department po kayo ma a-asign." Alam kong inutos ito ni Fabian. Sino pa nga ba? Siya lang naman ang CEO ng kompanya. Ni hindi siya umuwi ng condo matapos ang pagtatalo namin.

"Sige kukunin ko lang ang mga gamit ko sa opisina ni Mr. Devonscott." Aalis na sana ako nang magsalita ito muli.

"Mam Guia na-transfer na lahat ni Alison ang mga gamit niyo." Talagang ayaw akong makita nito at iniiwasan ako ngayon.

"Okay I'll go ahead then." Wala ako sa huwisyo pagpasok ng elevator. Matapos ang 'di magandang pag uusap namin kahapon ay kaagad akong umalis at iniwan na rin si Luther. Saglit lamang siyang nagkamalay nang mapansin ang pag dudugo ng labi at natumba muli dahil sa labis na kalasingan.

"Guia you're here!" Sinalubong ako ni Pressy. Siya ang sekretarya ng Head Designer na si Mr. Delavid.

"Masaya ako na lilipat ka na sa depertment namin. Magkakasama na tayo!" Untag nito sa'kin. Nginitian ko siya at inilapag na ang bag ko. Naroon sa katabing table niya ang isang kahon na kung saan nakalagay ang mga gamit ko.

"Ms. Cheng I need you to check out my designs come with me." Dumating si Mr. Delavid at saglit na hiniram si Pressy.

"Oh hi Ms. Bishop nice to see you here." Bati sa'kin nito.

Ngumiti naman ako at nakipagpalitan ng kamayan. Umalis din sila kaagad para pumunta sa opisina ni Mr. Delavid. Abala naman ako sa pag aayos ng mga gamit sa mesa. Kompleto na ang mga empleyado na abala sa kanilang ginagawa.

Habang abala ako ay may tumawag ng pangalan ko.

"Ms. Bishop do you have a minute?" It's Alison. Nag taas ako ng kilay dito ngunit nanatili lamang siyang kalmado at sinabing pinapatawag ako ni Fabian. Para saan naman?

Tahimik naming tinahak ang elevator pababa sa 69th floor. Isang palapag lang naman ang agwat. Iniwan niya ako sa tapat ng pinto kung saan ang opisina ni Fabian kaya't kumatok na ako.

"Come in." Malamig na tinig nito.

Pinihit ko na ang pinto at sumalubong sa'kin ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon. Amoy na amoy ka rin ang panlalaki nitong pabango.

"Good morning sir." Bati ko.

"What's good in the morning?" Nanatili itong nakaupo sa swivel chair habang nakatingin sa bintana. Ilang mga upos ng sigarilyo naman ang nagkalat sa kulay itim na mesa at makinis na sahig.

Napalunok ako sa kanyang sinabi. Ibang iba si Fabian simula ng mangyare ang 'di namin pagkakaintindihan. Humugot ako ng malalim na pag hinga at nag salita.

"Sir kung wala na kayong sasabihin pwede na po ba akong bumalik sa trabaho? Cause I don't want to waste my time." Pag didiin ko. Umikot paharap sa'kin ang swivel chair nito. Isang masama at malamig.

"De Alegre's corporation sent this agreement." At inilapag ang isang papel sa kanyang mesa. Kaagad akong lumapit para makita kung ano 'yon. Kumabog ang dibdib ko sa labis na tuwa. Pumapayag na si Mr. De Alegre sa project na gaganapin sa Makati. Maisasagawa na ang La Solidad Subdivision.

"Do you think I'm stupid to sign that agreement?" Tumigil ang mundo ko nang mag salita si Fabian. Wala ang pirma nito sa agreement kaya't napa angat ako ng tingin sa kan'ya.

"Anong ginawa mo at napapayag mo siya?" Tumayo na ito at kakaibang ngiti ang dumapo sa mga labi.

"What do you mean?" Nanginginig ang kalamnan ko at pinang hihinaan na ako ng tuhod.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon