Kabanata 7.

48.9K 1K 55
                                    

Guia:

"Come, let's eat outside."

"Huh?" Hindi rumihistro sa utak ko ang sinabi niya.

"Ano bang iniisip mo?" Shocks! Nakakahiya iba talaga ang iniisip ko. Guia napaka dumi ng utak mo!

Lumayo ito ng kaunti ang ngumisi. Ano namang nakakatawa sa reaksyon ko? Inayos ko ang sarili at tumikhim.

"Anong nakakatawa ninong? Tinaas ko ang kanang kilay at naka pamewang na siyang tinignan.

"Wala, gusto ko lang kumain sa labas." Naningkit ang mga mata ko bakit naman kaya bigla bigla na lang itong nag aaya? Hindi naman ako nag atubili pa dahil kusang tiyan ko na ang sumagot sa paanyaya niya. My stomach growling because of hunger.

Wala namang masama kaya sumama na ako dito. Pagpasok namin sa kotse niya ay kaagad na nitong binuksan ang makina at nag maneho. Nakarating kami sa sikat na restawran dito sa probinsiya.

"Table for two please." Ani ni Fabian sa isang receptionist na todo ngiti pa sa kanya. Tinaasan ko lamang ito ng kilay dahilan para mag iwas ng tingin sa kasama ko.

"Tsk." Naiinis ako, tuwang tuwa pa ata ang siraulong ito kapag pinagpapantasiyahan siya ng mga kababaihan. Naupo na kami sa isang bakanteng upuan na para lang sa mga VIP. May card kasing iniabot si Fabian for VIP only. Bumalik ang receptionist at iniabot sa amin ang menu. Hindi naman ako makapag concentrate sa pakikipag tawanan ni Fabio dito habang itong babae naman akala mo'y sinisilihan ang pwet at kilig na kilig.

"Where's your manager? Hindi mo ba alam naiimbyerna ako sa kakatawa mo? I'm hungry, don't let me eat you alive." Namutla ito sa binitawan kong salita. Bwiset, alam naman niyang restawran to at nasa oras siya ng trabaho.

"I can handle this." At iniabot ni Fabian dito ang menu. Sa huli, siya na lang ang nag order ng pagkain ko dahil nagsisimula na akong sumabog.

"Guia what did you do?" Aba, ako pa ngayon ang mali.

"E sa gutom ako. Anong magagawa mo?" Inirapan ko ito. Inuubos niya talaga ang pasensiya ko.

"Don't get jealous."

"What?" Tama ba ang narinig ko? Ako mag seselos?

"Hindi ba 'yan ang pinapakita mo ngayon?" Pinaglalaruan ba ako ng lalaking 'to? At ngayon naman ay kay lawak ng pagkakangiti sa'kin.

"You invited me to eat outside. You know how impatient I am and fyi, I'm not jealous." Halos umusok ang ilong ko sa pagkabwiset. Napaka presko niya ngayon at 'yon ang pinaka ayoko sa lahat.

"Okay." Nag iba ang ihip ng hangin. Nawala ang malaking pagkakangiti nito at napalitan ng pagkaseryoso. Hindi na rin ako umimik hanggang sa dumating ang pagkain. Hindi kami nag usap, wala na rin akong balak na kausapin pa ito. Naglaho ang gutom ko at biglang pumait ang panlasa. Nawalan ng gana sa kinakain.

Matapos naming kumain ay may tumawag sa pangalan ko.

Nagulat ako nang makita ang ex boyfriend ko ang lalaking nagpatukso noon kay Sandra, walang iba kundi si Enrique.

THIRD PERSON'S POV:

"How are you?" Masaya pa itong binati ng binata.

"Now that you're here, no I'm not fine. I'm so sick seeing you again." Prangka manalita ang dalaga. Walang preno at masiyadong matalas ang pananalita. Napangisi ang lalaki dahil sa hindi pa rin pagbabago ng dating nobya si Guia.

"Well you look great."

"I'm always look great, what's new?" Hindi naman sa pagmamayabang ngunit sadyang napakqganda talaga ng dalaga. Ang problema nga lang ay napaka mapili nito sa mga manliligaw at minsan nama'y pumuputok na lang ang butsi nito sa galit kapag hindi siya tinatantanan.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon