Kabanata 12.

39.3K 906 49
                                    

GUIA:

MAHIGPIT ko siyang niyakap dahil sa binitawan niyang salita. Lumulundag sa tuwa ang aking puso ngunit kaagad din itong nawala nang hinawakan niya ang magkabila kong braso at tinanggal sa pagkakakapit sa kanya.

"I'm sorry, but I'm not the right man for you Guia." Fuck! Gusto ko siyang murahin. Ano bang tingin niya sa ginagawa namin laro laro lang?

Hindi ko napigilan ang sarili at dumampi ang palad ko sa mukha niya.

"Tangina! Anong tingin mo sa'kin ha laruan lang? Matapos kong ibigay sa'yo lahat, buong puri't pagkatao ko?" Nanginginig ang laman ko sa galit habang wasak na wasak ang puso ko.

Nag tiim bagang ito at napahawak sa kanyang sentido. Wala ng pag lagyan ang aking mga luha at padabog akong lumabas ng kanyang silid. Ni hindi niya ako nagawang ihinto.

Sobrang sakit, para akong pinapatay ng paunti unti. Hindi nga talaga siya nagbago. Isa pa rin siyang manloloko at nagpaloko naman ako.

Hindi na ako makapag isip ng maayos. Para akong mababaliw kapag iniisip ko siya. Napahawak ako sa'king buhok at napatingin sa simento. Gulong gulo ako at wasak na wasak.

Kaagad na rumihistro sa'king isipan ang mga alak na koleksyon ng papa. Gusto kong magpakalasing o magpakasabog kahit ngayong gabi lang. Kaagad akong lumabas ng silid at dumiretso sa library room. Mabuti at walang tao kaya't malaya akong gawin ang binabalak ko. Dali dali kong kinuha ang isang mamahaling Brandy.

Pagkapasok ko ng silid ay ini-lock ko ito at nagtungo sa banyo ng kwarto. Para bang natuyo ang mga luha ko dahil kusa itong huminto. Nag hubad ako at binuksan ang hot and cold na tubig at hinayaang umawas ang tubig sa bath tub. Wala ako sa'king sariling nilagok ang Brandy habang muli kong naramdaman ang init na nagmumula sa'king mga mata. Umiiyak nanaman ako.

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang sa makalahati ang bote. Sinasaktan ko na ang sarili ko dahil hinahampas ko ang aking dibdib na malapit sa puso.

"Ang tanga tanga mo!" Sinisisi ang sarili. Anong magagawa ko? Ginusto ko rin naman ang magpaloko. Mahal na mahal niya pero ano itong ginagawa niya sa'kin? Humagulgol ako sa loob ng banyo. Gusto ko mang sumigaw ay wala akong magagawa kundi ang umiyak lamang. Nilagok ko pa muli ang laman ng Brandy hanggang sa huling katas ng alak.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakababad habang patuloy ang pag lagasa ng tubig. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala sa gripo malapit sa aking paanan.

Pinatay ko ang malamig na tubig at binuksan ang heater. Nilalamig ako dahil naka air-con sa kuwarto ko at nararamdaman ko pa ang ginaw sa banyo. Nagsimula ng umusok ang paligid dahil sa heater. Nagsisimula na ring lumabo ang paningin ko at sabayan pa ng labis na pagkahilo dahil sa tama ng alak.

Nakaupo lang ako at niyakap ang sarili habang gan'on pa rin ang eksena. Hindi ako gumalaw hanggang sa maisipan kong sumandal at ihiga ng kaunti ang katawan dahil sa nahihirapan akong huminga. Marahil ay dahil painit na ng painit ang loob ng banyo at nakasarado naman ang bintana.

Lumala ang pagkahilo ko. Alam kong dahil ito sa lakas ng ininom ko na akala mo'y naka droga. Ipinikit ko saglit ang aking mga mata dahil sa panghihina ng buong katawan. Pinilit kong dumilat at sinikap na gumalaw ngunit sadyang bumigat ang aking mga talukap at tinakasan naman ako ng lakas.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare nang mawalan ako ng malay.

KAPOS sa pag hinga akong nagkamalay. Basang basa ang buong katawan na may tuwalya pang nakapatong. Nakita ko naman si Fabian sa'king harapan habang sinisikap akong gisingin. Binigyan niya ako ng hangin hanggang sa maibuga ko lahat ng tubig at inuubo pa ako.

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon