Chapter 45: Now or Never

3.1K 88 14
                                    

★Jake★

Hindi ko inakalang ganito ang nangyari sa kapatid ko. Hindi ko maisip na kayang gawin ito ni Archie sa kanya. Labis akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko ang takot sa kanyang mata. Halos hindi na siya makakain.

Isang linggo pa lamang ang lumilipas matapos namin siyang ilabas sa hospital. Ang laki na ng ipinayat niya. Palagi siyang nakatulala. Hindi siya masyadong umiimik. Palagi siyang tulala. Minsan kinakausap ko naman siya. Sa totoo lang simula noong nasa hospital pa lang siya ay ako lang ang nakakausap niya. Minsan nahahawakan ko rin siya pero nagagawa ko lang yon kapag pinapatahan ko siya.

Minsan sinisisi ko rin ang sarili ko dahil sa nangyari kay Aeron. Siguro kung nakalabas lang ako ng mansion noon ay sana hindi nangyari ito. Kung hindi lang sana ako nanatili sa bahay. Kung sumama lang sana ako kay Devin edi sana hindi nagkaganito ang kapatid ko. Naging walang kwenta akong kuya. Hindi man pareho ang dumadaloy na dugo sa amin, kapatid ko pa rin siya.

Gusto ni Tito Denzel na sa bahay na nila titira pero nagpumilit ako na sa dito na lang sa bahay. Mas makakampante ako kapag dito siya.

Isang linggo na rin akong hindi pumapasok sa WIA dahil ako ang nag-aalaga sa kapatid ko. Gusto namin siyang ipagamot sa America kaso ayaw niya. Tinanong ko siya noon kung bakit ayaw niya. Ang tanging sagot niya lang ay ayaw daw niyang iwan ang taong mahal niya.

Alam kong si Devin ang tinutukoy niya. Hindi baliw ang kapatid ko para malimutan niya si Devin. Pero minsan kapag lumalapit si Devin sa kanya ay bigla na lang tutulo ang kaniyang mga luha. Siguro dahil na rin sa magkamukha sila ni Archie o di kaya ang naaalala niya ang nangyari sa kanilang dalawa.

Naaawa na ako kay Devin. Hindi sila nag-uusap ni Aeron. Saka lang nahahawakan ni Devin ang kapatid ko kapag tulog ito. Saka lang niya nasasabi ang kaniyang nararamdaman kapag tulog ito. Masakit tignan ang kalagayan nilang dalawa.

Gabi-gabi kung bumisita si Devin. Mabuti na rin naman ang pakiramdam niya. Nakakalakad na din naman siya. May mga pagkakataong nahihirapan pa rin siya sa paglalakad pero alam kong pinipilit niya lang para makita si Aeron. Ang dami ng masasamang nangyari sa kanila. Dumating na din sa puntong pinaglayo siya ng tulayan ni tadhana. Minsan naiisip ko, may galit ba si tadhana sa kanila kaya palaging may nangyayaring masama sa kanila. Wala ba silang karapatang maging masaya? Puro sakit na lang ba? Pero bilib ako sa tapang na mayroon sa kanilang dalawa dahil kahit gaano pa man sila pagmalupitan ni tadhana. Kahit gaano man sila ilayo sa isa't-isa. Nananatili pa rin silang matatag at hindi nagbabago ang nararamdamab nila. Masyado silang matatag at masyadong makapangyarihang ang kanilang pagmamahalan kaya hindi kaya ng tadhana na paghiwalayin sila. At masasabi kong yun ang tunay na pagmamahalan na kahit ano man ang pagsubok hindi pa rin mababago ang nararamdaman mo kung tunay mong mahal ang isang tao.

Alam kong isa lang ito sa pagsubok ni tadhana at mamalagpasan rin nila ito.

Nandito ako ngayon sa aking kwarto. Kanina pa ako gising. Masyadong mahaba lang talaga ang pagmumuni-muni ko. Papasok ako ngayong araw dahil may quiz daw kami ngayon sa isang major subject ko. Kahit hindi ako pumapasok, sinisigurado ko naman na hindi ako nahuhuli sa klase. Mahirap na kapag may na miss akong quiz. Ayokong bumagsak. Nakapagreview rin naman ako kagabi kahit sobrang dami akt sobrang nakakasakit ng ulo. Bakit pa kasi medicine ang kinuha kong course. Sobrang hirap pala.

Agad kong itinext si Matheo para makapag good morning ako sa kanya. Mahirap na baka magtampo pa yun. Lubos ang aking pasasalamat na kami pa rin ang nagkatuluyan at hindi ako hinayaan ng Panginoon na mapunta sa maling tao. Siguro kung pinaniwalaan ko lang siya noon edi sana hindi kami naghiwalay noon. Mas naniwala kay Nikki na siya rin lang naman ang may pakana ng lahat. Minsan kapag naiisip ko ang katangahan kong yun ay gusto kong iuntog ang aking ulo. Pero hindi na mahalaga pagkakamali ko noon dahil naitama ko na ngayon.

When Pogi Meets PoGayWhere stories live. Discover now