Chapter 30: Pain

4.3K 130 13
                                    

Gino

"Ano, tulala ka na naman jan. May problema ba?" tanong sa akin ni Ate Gia. Nandito ako ngayon sa aking kwarto. Dito sa aking condo. Kapag kasi wala si Dad ay dito ako tumitira sa aking condo. Sobrang lalim ng aking iniisip. Iniisip ko kung bakit? Kung paano?

"Wala ate, may naiisip lang ako," sagot ko sa kanya. Binigyan niya ako ng isang ngiti. Yung ngiting alam niya na kung ano ang tumatakbo sa isipan ko.

"Alam ko naman kung sino yang iniisip mo eh. Ako nga rin ay hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon," sabi sa akin ni ate. Hindi nga ako nagkamali. Siguro nga hindi kapani-paniwala ang mga nangyari.

Hinawakan ni Ate Gia ang aking mga palad at mayroon siyang ibinigay na flashdrive.

"Anong meron dito ate?" tanong ko sa kanya.

"Ano ako spoiler? Buksan mo na lang ng malaman mo. Ang dami mong tanong. Sige alis na ako. By the way, uuwi na si Papa," sabi ni ate. Bigla akong natuwa dahil uuwi si Papa. I miss my Papa so much. Isang taon ko na siyang hindi nakikita. Naiintindihan ko naman siya kung bakit business ang inaatupag niya. Siguro ayaw niyang sayangin ang binigay sa kaniyang pagkakataon. Papa's boy ako. Iminulat ko ang aking mata na tanging si Papa lang ang aking kasama? Si mama? Namatay siya noong isinilang niya ako. Ang drama ko noh.

Hinanap ko ang laptop ko para tignan kung ano ang nasa loob ng flashdrive na ibinigay sa akin ni Ate. Ilang minuto akong naghahanap pero wala pa rin akong mahanap. Naalala ko na naiwan ko pala sa bahay. Sabagay kailangan ko ring umuwi sa bahay. Syempre uuwi si Papa, dapat malinis bawat sulok. Nagmadali akong bumaba.

Habang nagdadrive ako, biglang tumunog ang aking phone. Kinuha ko ito. Bago ko man ito mabuksan ay nakita kong may nakatayo sa harap ng daan. At ang masaklap pa doon ay malapit ko na siya mabunggo. Agad akong nataranta.

.












★Natel★

Ayoko na. Hindi ko akalain na nabuhay ako sa isang taon na puno ng kasinungalingan. Bakit kailangan nilang itago kung sino ako. Bakit kailangan nilang ilihim ang tunay kong pagkatao. Porket ba wala akong naaalala binago na nila ang takbo ng buhay ko.

Hindi ako tanga. Alam kong malapit na ang sasakyan sa akin. Gusto ko ng mamatay. Hinayaan ko na lang ang aking sarili na tumayo sa gitna ng daan. Ipinikit ko ang aking mga mata pero patuloy pa rin ang pagbuhos buhos ng aking luha.

Napamulat ako sa isang malakas na tunog. Pagtingin ko sa aking harapan ay nakita ko ang isang kotse na nakahinto na halos dalawang pulgada lang ang layo nito sa akin.

Bigla ko itong sinipa.

"Tang*na bat di mo pa ako tinuluyan. Ayaw ko ng mabuhay. Kita mo namang inihanda ko ang sarili ko. Bakit di mo pa ako sinagasaan," galit na sabi ko habang patuloy pa rin ang pag-agos ng aking mga luha. Tang*na naman pati si kamatayan paasa na rin. Biglang may humila sa akin at agad akong niyakap.

"Natel, ano bang ginagawa mo sa sarili mo," sabi niya na umiiyak. Bigla kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Agad ko siyang sinampal dahil sa galit.

"Huwag kang umasta na parang concern ka sa akin dahil ginawa niyong kasinungalingan ang buhay ko," sigaw ko sa kanya.

"Aeron please listen to me," sabi nito na naiiyak.

"Huwag mo akong matawag-tawag na Aeron. Alam mo Devin, may puwang ka na dito eh" galit na sabi ko sa kanya habang tinuturo ko ang aking puso.

"Noong sinabi mo na gusto mo ako, doon nagsimula ang nararamdaman ko sa iyo. Pero noong nalaman ko na ako pala at yung Aeron na iyon ay iisa. Nadurog itong puso ko dahil lahat kayo ay nagsinungaling sa akin. Yung sinabi mo na gusto mo ako napagtanto ko na hindi ako yung mahal mo kundi yung dating ako," sabi ko sa kanya. Oo, may puwang sa siya dito sa aking  puso. Iniiwasan ko si Archie hindi lang dahil sa may kasama siyang iba kundi na rin nalilito ang puso ko.

When Pogi Meets PoGayWhere stories live. Discover now