Chapter 33: How Painful Love Is?

4.4K 130 21
                                    

★Devin★

4th Year High School

"Hoy Kean bakit ang tagal ng kambal mo?" tanong ko. Kanina pa kami naghihintay eh, gutom na gutom na ako ni hindi kasi ako nagbreakfast eh.

"Ayun na siya oh," sabi ni Kean sabay. Bigla akong napalingon sa may pintuan ng cafeteria. Sino yung kasama niya? Wait is that nerdy? Lumapit sila sa table namin.

"What took you so long my twin sister," sabi ni Kean sa kaniyang kambal. Tinignan ko naman si nerdy. Anong ginagawa niya dito. Nagtama ang aming mga mata. Ang cute pala ng mata niya. I like his brown eyes. Bigla na lang niya akong tinaasab ng kilay. Aba sinong nagbigay ng permission sa kanya na basta na lang ako taasan ng kilay? Bigla namang tumunog yung cellphone ni Kean.

"Ah guys, I'm sorry. I need to go. Sabay daw kasi kami ni Jen kumain eh," sabi niya sa amin. Jen na naman? Nililigawan mo pa lang sabay na kayong kumain? Bigla na lang siyang umalis.

Ganyan ba kapag may nililigawan? Sorry wala kasi akong nililigawan.

"Ah, by the way, I want you to meet my new friend. Aeron," sabi ni Leiyan.

"Oo kilala na namin siya. Classmate nga natin diba," sarkastiko kong sabi.

"Aeron, what a cute name," sabi naman ni Archie. Ewan ko pero bigla akong nairita sa sinabi ni Archie.

"Hoy Devin, ano bang problema mo?" tanong sa akin ni Leiyan. Umupo siya sa tabi ni Archie. Kaya itong si Aeron umupo sa tabi ko.

"Oorder lang kami. Aeron samahan mo ako" sabi ni Archie. Agad naman silang umalis. Tinignan ako ng masama ni Leiyan.

"What?" nagtatakang tanong ko. Mas lalo pa niyang itinaas ang kaniyang kilay.

"Alam mo, ang torpe mo," sabi niya sa akin. Torpe? Bakit.

"Huh?" tanong ko naman sa kanya.

"Nandyan na nga sa harapan mo bakit hindi mo pa sunggaban," sabi niya.

"Anong pinagsasasabi mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Don't deny it. Alam ko na. Sinabi sa akin ni Jake," natatawang sabi sa akin ni Leiyan. Gagong Jake yun. Akala ko sikreto lang naming dalawa.

"Ikaw ang bahala. Kapag naunahan ka, walang sisihan," sabi niya sa akin. Pinagamasdan ko sila habang nag-oorder. Ang cute niya kapag nakasmile. Pero paano ko ba sasabihin sa kaniya. Bakit parang natotorpe ako sa harapan niya.

Magkatabi kaming kumakain ngayon. Eto kasing si Leiyan sinadya yatang itabi si Aeron sa akin. Nasaan na yung tapang mo Devin. Umurong na ba. Si Leiyan naman, kanina pa siya tumitingin sa akin. Shit hindi ako kumportable sa kinauupuan ko ngayon.

"Aeron, diba kapatid ka ni Jake?" tanong ni Leiyan saka siya tumingin sa akin. The hell kung may plinaplano ka Leiyan, huwag mong ituloy please.

"Yeah," tipid na sagot naman ni Aeron.

"Bakit ngayon mo lang naisipan na mag-aral dito?" tanong naman ni Leiyan.

"Well actually, Jake asked me to stay here in Philippines since he would like to be with me. I grew up in New York together with our Dad. My kuya together with Mom stayed here in the Philippines," sagot niya. Wow English. Nose bleed. Mukhang mapapasabak ako sa English'an kapag niligawan ko ito.

"And besides, may kailangan daw akong makilala dito sa Pilipinas," sabi niya ulit. Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Is it possible na sinabi na ni Jake sa kapatid niya. Assumerong Devin.

"By the way, bakit niyo kilala si Kuya?" tanong niya.

"Barkada namin si Jake," sagot ni Archie.

When Pogi Meets PoGayWhere stories live. Discover now