Chapter 22: Explanation

4.9K 119 11
                                    

★Devin★

Iyak. Inom. Iyak. Inom.

Yan lang ang kaya kong gawin ngayon.

Biglang nagring ang phone ko. Pagtingin ko ay si Kean ang tumatawag.

"Hello bro, nasaan ka? Kagabi ka pa namin hinahanap. Ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong niya.

"Nandito ako ngayon sa lugar kung saan ako lang ang nakaka-alam," sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Bro, anong nangyari?" tanong niya ulit. Di ko mapigilang umiyak ng dahil sa tanong niya. Anong nangyari?

"Ang sakit na. Sobrang sa na. Bakit nangyayari sa akin ang mga ganitong bagay. Bakit siya pa. Bakit si Dad pa ang dahilan kung bakit napakagulo ng buhay ko. Ang sakit sakit kasi yung taong iniidolo mo, yung taong hinahangaan mo at yung taong pinagkakatiwalaan mo ay siya pang sisira ng buhay mo. Mali ba? Mali ba na mahalin ko si Aeron?" umiiyak na sabi ko sa kanya.

"Bro, walang mali. Hindi ikaw ang may mali." sagot ni Kean.

"Kung hindi lang sana niya pinakialaman ang relasyon namin dati ni Aeron, siguro kami pa rin hanggang ngayon. Dad made my life so miserable. And because of that, heto ako ngayon. Nagdurusa. Ang sakit kasi araw-araw ko siyang nakikitang nakangiti pero hindi ako ang rason kung bakit siya nakangiti. I don't know how to start my life again knowing the fact na buhay pa siya pero patay na ang ala-ala niya," umiiyak na banggit ko kay Kean.

"Bro, you do not need to tell him the past. Just love him kung sino siya ngayon. Hindi mo kailangang ipaalala pa sa kanya na mayroon kayong nakaraan. Tell him the truth para gumaan yang nararamdaman mo." advice niya sa akin. Napatawa ako sa sinabi niya although walang nakakatawa doon. Mayroon lang akong naaalala.

"What's funny bro?" tanong niya sa akin.

"Tsk. Sinasabi mo sa akin na I need to confess my feelings. Bakit? Nakapagconfess ka na ba sa sinasabi mong Baby mo?" natatawang tanong ko sa kanya. 4th year High School kasi kami nung sinabi niya na may crush daw siya pero takot siyang umamin. And until now, crush niya pa rin. Ang lakas niyang magsabi na magconfess ako eh hindi naman niya magawa.

"Tsk. Pero seryoso bro, asan ka ngayon?" tanong niya ulit. At dahil sa wala namang magyayari sa akin kung iinom, iiyak lang ako, itinext ko sa kanya ang aking address.

Iniwan ko ang mini bar ko dito sa loob at saka nagtungo sa sala. Inilibot ko ang aking mata at napatitig ako sa nilagay ko noon na larawan sa ibabaw ng mesa.

It was Aeron's picture noong concert ni Ariana Grande. Nililigawan ko pa lang siya noon. Syempre idol niya yung kaya bumili ako ng tickets. New York noon yung concert niya kaya naisipan ko siyang i-surprise.

Flashback

"Saan tayo pupunta at kailangan pa akong magsuot ng bonggang damit? At bakit may driver tayo?" reklamo ng katabi ko. Hays kahit kailan talaga. Pero anh cute niyang tignan sa suot niya. I wanna kiss him pero pinipigilan ko lang ang aking sarili.

"Secret," nakangiting sabi ko. Nakarating na kami sa pupuntahan namin. Pagkababa namin ng sasakyan ay nanlaki ang mata niya.

"Dinala mo ba ang passport mo?" tanong ko sa kanya.

"Syempre sinabi mong dalhin ko edi dinala ko," pilosopong sabi niya. Ewan ko ba kung bakit ko natitiis ang pagkamaldita niya. Inilabas ko ang tickets at ibinigay ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya ng makita niya ang aking iniabot. Bigla nalang niya akong niyakap. Ang take note, nasa airport kami. Maraming tao kaya pinagtitinginan nila kami. Bigla niyang binitawan ang pagkakayakap niya sa akin. Siguro nahiya siya. Tinitigan ko siya ng may ngiti sa aking mga labi.

When Pogi Meets PoGayWhere stories live. Discover now