Chapter 39: The Ring

3.9K 87 21
                                    

★Devin★

"Uuwi ka na o iiwan kita?" sabi ni Aeron. Kahit kailan talaga dehado ako sa mga pagpipilian ko. Bwisit ginagamit niya kahinaan ko ah. Pati ba naman sa choices ang brutal niya. Nagpout na lang ako sa kanya.

"Baby naman eh ang unfair naman ng choices mo," reklamo ko sa kanya. Syempre nagpacute ako. Huminga naman siya ng malalim. Alam kong nagpipigil na naman siya sa kakulitan ko. Ang cute niya kasi kapag palagi ko siyang kinukulit eh.

"Isa Devin Jay Mathews," sigaw niya. Kanina ko pa kasi pinipilit na humiram na lang ako sa kanya ng damit para sa party niya eh. Sabi niya wala daw kasya kaya niya ako pinauuwi.

"Fine! Ayan na naman. Ang sungit," pagpaparaya ko. Baka mamaya totohanin niya pa yung sinabi niya. Mahirap na. Ayoko ng umiyak ng isang drum na luha noh.

"Ihatid mo na lang ako sa baba," request ko sa kanya. Tumango naman siya. Kinuha ko na ang aking bag at bumaba na kami. Kanina pa umalis sina Kean dahil aattend pa daw sila ng klase nila eh! Kala mo naman kung interesado sa lesson yung isang yun.

"Where are you going?" tanong ni Tita sa amin.

"Ihahatid ko lang po si Devin sa labas," sagot naman bi Aeron.

"Ah sige. Mag-ingat ka Devin. Don't forget to come later," sabi naman ni Tita.

"Sige po Tita. Thank you po!" sagot ko sa kanya. Agad kaming lumabas ng bahay. Bago ako pumasok sa kotse ko ay kinulit ko muna siya. Binigyan ko siya ng devil's smile

"Anong nginingiti mo jan?" tanong niya. Ayan na naman po at nagtataray naman po siya.

"Goodbye kiss ko," pagpapacute ko. Agad niya naman akong hinalikan sa left cheek ko.

"Ang dami mong alam," reklamo niya. Tsk. Nagreklamo pa eh gusto rin naman.

"Eh itong kabila? Walang kiss?" tanong ko sa kanya tsaka ko iniharap sa kanya ang aking right cheek. Agad niya naman itong hinalikan. Agad naman akong napangiti sa ginawa niya.

"Umiwi ka na nga ang dami-dami mong demand," kunwaring inis na sabi niya sa akin. Halata namang kinkilig siya eh, maputi kaya siya halata sa cheeks niya.

"Sa lips wala," pangungulit ko naman sa kanya. Ang kulit ko diba? Hahaha! Sweet lang

"Nako tigilan mo ako Devin ha! Namimihasa ka na. Batukan kita jan eh," sabi niya.

"Sige na nga! Bye baby," sabi ko sa kanya.

At dahil pilyo ako, hinalikan ko siya sa labi. Smack lang naman tsaka ako pumasok sa kotse ko. Mahirap na baka batukan niya talaga ako. Pagpasok ko sa kotse ko ay tumingin ako sa kanya. Hahaha! Para siyang estatwa na nakatayo at walang kibo. Kita ko rin ang pamumula ng pisngi niya.

"Laway mo baby," pang-aasar ko sa kanya. Bigla naman siyang natauhan sa aking sinabi. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Bwisit ka umalis ka na nga," sabi saka siya pumasok sa loob. Nagiinis-inisan yun pala kinikilig. Hay nako Aeron!

Nakangiti akong pinaandar ang aking kotse at nakangiti rin akong nagmamaneho dahil sa inasal ng baby ko.

Bawat segundo papakiligin kita. Tandaan mo Aeron, umpisa pa lang yan. Mas kikiligin ka pa kapag aalukin na kita bilang aking asawa.

When Pogi Meets PoGayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon