Chapter 32: Till The End

4.5K 131 20
                                    

★Devin★

"I'm sorry po, pero lumalaki na po ang babayaran niyo. Anim na buwan na po siya dito pero wala pa rin pong senyales na possible pang gumaling siya," sabi ng isang boses.

Gusto kung ibukas ang aking mga mata para makita ang nagsasalita pero hindi ko ito maimulat. Gusto kong magsalita pero hindi ko maibuka ang aking mga bibig. Gusto kong gumalaw pero hindi ko kaya.

Hindi ko alam kung ano ang nayayari sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam ang mga nangyayari sa paligid ko. Tanging mga hikbi lang ang aking naririnig. Tanging kadiliman lang ang aking nakikita.

Rinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Ramdam kong may humahaplos sa aking mukha. Kilalang kilala ko ang haplos na ito. Haplos ito ng taong pinakamamahal ko.

"Devs, gumising ka naman oh," sabi ni na humihikbi. Ramdam ko ang paghalik nito sa akin noo. Kasabay nito ay ramdam ko ang luhang pumapatak.

"Sorry kung hindi man lang natin nabigyan ng chance na ituloy ang nasimulan nating pagmamahalan. Oo, naaalala ko na ang lahat. Hindi ko sinabi sa iyo dahil natatakot akong mangyari ulit ang nangyari sa atin noon. Ayokong may masaktan na naman sa ating dalawa. Devs naman oh, gumising ka na. Ang daya mo naman. Panghawakan mo nama yung pangako mo oh na huwag mo akong iiwan," rinig ko ulit na sabi nito. Hindi ko alam kung umiiyak ba ako o hindi. Hindi ko man siya nakikita. Pero ramdam ko ang labis na kalungkutan sa kaniyang boses na sinabayan pa nito ang pagkabasa ng akin palad dahil sa luhang umaagos ka kaniya.

"Aeron, it's been six month... And..." boses iyon ni Dad.

"And what? Six months is enough. Hell no! Magigising pa siya," sagot naman ni Aeron.

"Aeron, wala na kaming pambayad dito sa hospital. Pabagsak na ang aking kumpanya. Anim na buwan na simula nung macomatose siya. Wala pang senyales kung gagaling ba talaga siya o hindi." sabi naman ni Dad.

"I'll pay for the expenses. Kung yan ang problema niyo. Sagot ko na. Habang humihinga pa siya, hinding-hindi ko siya isusuko. Kung bibitawan niyo siya, pwes ako, hindi dahil kahit kailan hindi ako mapapagod na mahalin siya. Kahit habang buhay siyang walang malay, hindi ko siya bibitawan." rinig kong sagot ni Aeron. Sobra niya akong mahal. Gusto kong gumising para yakapin siya. Kaso hindi ko magawa. Mahal na mahal kita Aeron pero sa sandaling kunin na ng Diyos ang aking buhay, magpakatatag ka.

Bigla na lang sumakit ang aking ulo. Wala na akong naririnig hanggang sa nakita ko ang isang liwanag. Paalam na Aking Mahal.

Siguro hanggang dito na lang tayo. Unti-unti na akong nilalamong ng puting liwanag.

_____

"Wake up... Wake up...," ramdam ko na parang may humihila sa akin. Sinubukan kong binuksan ang aking mga mata. Shit bakit kisame ko ang aking nakikita. Bigla akong bumangon. The hell kwarto ko to.

"Ginagawa mo tito?" tanong sa akin ni Deither. Bigla kong naisip at narealize. Panaginip lang pala ang lahat. Akala ko totoo na. Akala ko mawawala na ako sa mundong ito. Akala ko naaalala na niya ako. Akala ko mahal niya na ako.

Buhay ako yan ang totoo. Wala pa rin siyang naaalala yan ang totoo. At higit sa lahat. Hindi niya ako mahal yan ang totoong totoo. Tang*na. Ulitin ko nga. HINDI NIYA AKO MAHAL.

"Hey tito, I'm asking you. Are you ok?" tanong na naman ng bata sa akin. Wah. Sana totoo na lang ang aking panaginip para naman masasabi kong naaalala na niya ako. Na mahal na niya ako. Na sa kahulihuliang segundo dito sa mundo ay muli kong naramdaman ang pagmamahal niya.

"Sige na baba ka na, maliligo na ako," sabi ko kay Deither. Agad naman siyang umalis sa aking kwarto. Agad akong nagtungo sa banyo para maligo dahil kung patuloy akong nakaupo dito sa aking kama ay baka malate pa ako.

When Pogi Meets PoGayWhere stories live. Discover now