Chapter 12: Revelation of Truth

5.9K 142 17
                                    

★Devin★

T.H.U.R.S.D.A.Y

Monday na nung huli akong pumasok sa school. After nung performance ko umalis na ako at hindi na pumasok pa. Ewan ko ba pero napakasakit na makitang masaya siya kahit wala ako. Na masaya siya sa piling ng iba. Kung pwede lang sanang mag-time travel ginawa ko na para mapigilan lahat. Para hindi na sana umabot ng ganito. Sa dinami-dami ng taong sisira sa buhay ko, bakit siya pa?

Flashback

Nakita ko si Jake na papuntang parking lot kaya sinundan ko siya. Nagulat siya nung makita niya ako.

"Devin," sabi niya na parang di pa rin makapaniwala na nasa harapan niya ako.

"What happened to Aeron," agad na sabi ko. I need to know the truth. Hindi sapat sa akin na sabihin nilang patay na siya lalo na't malakas ang kutob ko na buhay siya at nakasama ko na siya.

"Matagal ng patay ang kapatid ko Dev. Kaya pwede ba tumigil ka na," inis na sabi niya. Patay? Eh bakit ayaw nila akong papuntahin noon sa NY para lang naman makita ko ang bangkay niya.

"No he's not dead. I can feel it. Kaano-ano mo si Natel Louie Rodriguez?," tanong ko sa kanya na kanya namang ikinagulat. Oo simula noong nakasama ko si Natel kumain, hindi na nawala sa isip ko na siya si Aeron. The way he speak, move and even the infinity tattoo.

"S-si-sinong Na..Natel ang sinasabi mo?" pautal-utal na tanong ni Jake.

"Sino siya," galit na sabi ko. Hindi pwedeng "Hindi ko alam" ang ssgot niya. Alam kong may lihim siyang kailangan kong malaman.

"Wala akong alam sa sinasabi mo," sagot niya at tsaka naglakad. Pero bago pa man siya nakalayo, hinawakan ko ang kamay niya. Agad naman siyang lumingon at sinuntok niya ako natumba ako sa sahig.

"Eh, gago ka pala eh. Gusto mong malaman ang katotohanan?" galit na sabi niya. Tumayo ako at agad ko siyang kwinelyuhan.

"Ano, sabihin mo sakin ang totoo," sabi ko sa kanya.

"Oo, si Natel at si Aeron ay iisa." Agad akong natigilan sa sinabi niya. Ilang taon kong dinama ang sakit dahil akala ko patay na siya. Pero hindi pala. Pero bakit kailangan nilang itago sa akin ang katotohanan. Bakit pinalitan nila ang pangalan niya.

"Pero bakit ayaw niyong sabihin sa akin na buhay pa pala siya. Bakit kailangan niyo itago sa akin ang lahat?," tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi mo tanungin sa magaling mong ama. Eto ang tandaan mo Devin, parang awa mo na, layuan mo na ang kapatid ko. Hayaan mo na siyang mabuhay ng payapa. Lalo lamang siyang mapapahamak kapag kasama ka niya," banggit niya sa akin.

Nakita ko si Natel na papalapit sa amin. Gusto ko siyang yakapin, hagkan. Pero wala akong magagawa kundi lumayo sa kanya.

"Umalis ka na," galit na utos ni Jake. Umalis naman ako sa kinatatayuan ko at pumasok sa kotse ko.

End of Flashback

Di ko magawang pumasok, gustuhin ko man pero masakit para sa akin na kahit makita mo yung taong pinakamamahal mo, hindi mo naman magawang lapitan. Hindi ko alam kung bakit pinapalayo ako ni Jake sa kanya.

Oo, masakit, sobrang sakit na para bang sasabog ang bungo ko kung bakit.Nagmumukmok ako ngayon dito sa aking kwarto.

"Maybe you should go to school. He may not remember you. But, it's not too late," sabi ni isang boses sa pintuan. Paglingon ko, si Ate Trixie pala.

"Hindi mo kailangang ipaalala sa kanya na dati ay naging kayo. Kailangan mo lang ipakita ang nadarama mo at ipadama kung gaano mo siya kamahal. Nakakalimot ang utak pero hindi ang puso." banggit niya ulit.

When Pogi Meets PoGayWhere stories live. Discover now