Chapter 8: Weird

6.2K 153 4
                                    

★Devin★

Nandito ako ngayon sa rooftop, kakagaling ko lang ng library. Gusto kong magpahangin. Naaalala ko pa yung rooftop namin nung high school. Doon ako umamin sa kanya. Doon ako nagsimulang nanligaw sa kanya. Doon din niya ako sinagot. I really miss him.

Inopen ko yung phone ko, nakawallpaper yung picture niyang solo. Nasa Tagaytay siya dito sa picture. Ako yung kumuha. Stolen kumbaga. Ang cute niya sa picture na ito kaya ginawa ko na siyang wallpaper. Kapag kasi nakikita ko yung picture niya napapa ngiti ako.

"Aeron, naaalala mo pa ba, palagi kitang kinukulit noon, inaasar, binubwisit. Ang cute mo noon kapag naaasar. Diba una tayong nagkita sa bookstore, hinarangan kita noon, then inapakan mo ako tsaka ka umalis. Tapos nakita kitang kumakain at agad kitang tinabihan. Palagi kitang tinatarayan noon. Ewan ko ba, naairita ako kapag natatarayan ako, pero sayo lamang ako hindi nairita." sabi ko sa picture

"Tranferee ka noon, magkatabi tayo, kinukulit kita palagi at tinatawag na nerdy, tapos ikaw tinatawag mo akong devil kasi masama yung ugali ko, magkagroup tayo noon sa dance performance at doon ko nalaman na nahulog na ako sa iyo. Binago ko noon yung pakikitungo ko sa iyo. Palagi na kitang gino-good morning, nginingitian. Palagi na kitang kasama. Then alam mo nasaktan ako nung araw na sinabi mong crush mo si Archie, doon nagsimula yung away namin. Nasaktan ako noon ng sobra. I decided na sabihin na sa iyo yung nararamdaman ko. Then sinabi mo ding gusto mo ako. Alam mo, yung sinabing gusto mo ako, yun yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko." banggit ko. Pumapatak na yung luha ko.

"Pero bakit ganon, ang daya ng tadhana, that day na tatanungin sana kita kung gusto mong ipublic yung relationship natin, yun yung araw na naaksidente ka, pumunta sa New York. Tapos tinawagan ko yung dad mo, sinabing patay ka na. Ang sakit sakit Aeron na nalaman kong iniwan mo na ako, di ka man lang lumaban. At ako naman wala akong nagawa dahil pinaclose ni dad yung bank accounts ko kaya di ako nakapunta para sana, sabay tayong lumaban. Hanggang ngayon mahal parin kita pals . Ang sakit sakit. Hindi ko kaya na wala ka, miss na kita, miss na miss. Iniwasan naman ako ng kuya mo. Gusto ko sanang tanungin kung patay ka na ba o hindi, dahil nararamdaman ko parim yung presensya mo sa puso ko. Hanggang kailan kaya ako magiging ganito." umiiyak na sabi ko.

Hinayaan ko na lang yung sarili ko na umiyak. Normal lang sa tao na umiyak lalo na lapag masasaktan ka na ng sobra. Ipinatong ko yun ulo ko sa tubod ko,

May kumalabit sa likod ko, at inabutan ako ng panyo

"Tama na yan Devin, pati ako naiiyak na ng dahil sa iyo," sabi niya. Boses ba ni Aeron yun?

Kinuha ko na yung panyo at agad kong pinunasan yung luha ko. Pagtingin ko ulit, nagulat ako, Aeron? Tanong ko sa isip ko, wait, wala na si Aeron

"Natel? What are you doing here,?" tanong ko

"Magpapahangin sana kaso nakita kita na umiiyak. Ganon mo pala siya kamahal no," sabi niya sa akin.

So narinig niya yung sinabi ko. Ayokong nakikita ako ng ibang tao na nagkakaganito. Gusto ko sana siyang sigawan pero hindi ko magawa kasi parang may pumupigil sa puso ko.

Kamukha niya si Aeron. Kaboses niya. Kaugali niya,. Carbon copy ba siya ni pals,? Siya yung dahilan kung bakit naiibsan ko yung pagkamiss ko kay Aeron eh! Naaalala ko sa kanya si Aeron.

Nagpalipat ako ng section para makasama siya. The way I insult him at the way na maasar siya, reminds me of Aeron.

"Sorry kung narinig ko pa yung sinabi mo. I know it's private pero nacurious lang ako kasi laht kayo tinatawag akong Aeron," sabi niya

"Ok lang, sorry kung may naaalala kaming ibang tao sa iyo," banggit ko. Biglang may malamig na hangin na parang yumakap sa akin at parang humalik sa pisngi ko. Parang may binubulong yung hangin pero di ko maintindihan. I know it's weird pero feel ko si Aeron yon.

Alam kong ayaw niya akong masaktan. "Aeron, ang taong kaharap ko ba ang pinadala mo para maging masaya ako ulit," sabi ko sa sarili ko. Siguro nga it's time for me to move on

"Oh huwag ka ng tumunganga jan. Ilibre na lang kita para mawala yang sakit na nararamdaman mo. Sa McDo, gusto mo?" alok niya. Did you say McDo? Doon kami pumupunta ni Aeron kapag masama yung pakiramdam ko. Tumango na lang ako at tumayo tsaka inayos ko yung sarili ko.

"Do you have a car,?" tanong ko sa kanya

" Ah ayaw nila akong gumamit ng car simula noong naaksidente ako before graduation."sabi niya. What? Accident before graduation?

"Sa akin ka nalang sumakay," alok ko sa kanya

Tumango na lang siya at sumunod sa akin. Naguguluhan parin ako. Aksidente? Before graduation?

Sumakay na kami sa kotse ko at nagtungong McDo.

"Anong oorderin mo?" tanong niya sa akin

"Kung ano yung sa iyo, yun na lang din yung sa akin," sagot ko sa kanya,

"Okay, maghanap ka na ng mauupuan," banggit niya..

Nakahanap ako ng upuan malapit sa may glass, dito kasi yung favorite spot namin ni Aeron eh! Pagkaraan ng ilang minuto, lumapit na si Natel na may hawak na tray, pagkalapag ng tray, nagulat ako sa inorder niya. Fries, sundae and Burger. Huh? Favorite namin ni Aeron yan ah.

Umupo narin siya at hinihintay ko kung anong gagawin niya. May ginagawa kasi si Aeron sa burger and fries niya eh.

Nagulat ako nung tinanggal niya yung isang bun ng burger at nilagyan niya ng fries yung gitna. Tsaka niya isinawsaw yung fries sa sundae. Sh*t Aeron is that you. Tinignan ko siya hanggang sa tumingin siya sa akin.

"Anong tinitignan mo, kain na," sabi niya

"Ah, saan mo natutunan yang ginawa mo sa burger and fries mo?" tanong ko sa kanha

"Wala nabasa ko lang,?" sagot niya sa akin. Nabasa? Eh sa story rin nakuha ni Aeron yung ugali niyang ganyan eh. Nabasa saan?

"Anong story?" Nagtatakang tanong ko.

"Wattpad story yun. Yung Don't Break the Badboy's Heart ni Blue_Maiden," sagot niya na siya namang ikinagulat ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Doon din nakuha ni Aeron yung idea niya.

Natel ba talaga ang pangalan ng kasama ko?. Ang weird na ah. Ipinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko. Sa bawat sulyap ko sa kanya, kahit konting detalye lang sa mukha niya, si Aeron ang naaalala ko. Yung brown niyang mata, yung smile niya, yung red lips niya. Aeron na Aeron.

Biglang pinatugtog yung Breakfree ni Ariana Grande at nagulat ako ng sinabayan niya.

"Let me guess, you're an Arianator?" tanong ko sa kanya

"Oo bakit? Favorite singer ko si Ariana Grande," sagot niya

Yung boses niya Aeron na Aeron.

Natel ba yung pangalan niya. Bakit ganon may kutob akong si Aeron ang kaharap ko. Pero that's impossible, patay na si Aeron. Pero bakit pareho sila no Aeron

Biglang kinamot ni Natel ang braso niya. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita, An Infinity sign tatoo na mayroon din ako. Mas lalong lumakas ang kutob ko na mayroong something sa Natel na ito. Mas lalong lumakas ang kutob ko na siya si Aeron. Pero patay na si Aeron ah.

Isa lang ang alam kong makakasagot ng katanungan ko. Ang kapatid ni Aeron. At aalamin ko kung ano ang totoong nangyari kay Aeron.

__________________________________

End of Chapter 8

Ano na? Si Natel at Aeron ba ay iisa? Bakit totally identical silang dalawa.

Alamin sa mga susunod na kabanata

When Pogi Meets PoGay
StoryOfABadboy

When Pogi Meets PoGayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon