Chapter 36: The Comeback (II)

4.1K 108 20
                                    

★Aeron★

"Happy Birthday kuya," sigaw ko habang hinihingal. Parang nagulat naman siya sa kaniyang nakita.

May balloons. Tapos naka tarpauline na HAPPY BIRTHDAY KUYA. Then mayroong cake tapos nagpahanda rin ako ng breakfast dito sa garden. Lahat ng maids namin eh kasabwat ko sa planong ito. Actually last week ko pa na plano ito. Kagabi ko lang kinausap ang mga maids.

"Hoy, magsalita ka naman. Nag-effort pa ako ng bongga oh," sigaw ko sa kanya. Ano tutunganga na lang siya diyan.

"Wow ha, bumabawi? Tsk may pa prank ka pang nalalaman bwisit ka. Alam mo naman na sensitive ako pagdating sa'yo. Tapos kinasabwat mo pa si Manang. Ginawa mo pa akong baliw kanina," kunwaring inis na sabi niya.

"Sus naiinis ka ba talaga oh sadyang namiss mo lang ako. May paiyak-iyak ka pa ah. Crying baby. Hahahaha," nang-aasar na sabi ko sa kanya. Bigla naman niya akong sinamaan ng tingin.

Tumakbo siya papalapit sa akin at agad niya akong kiniliti sa tagiliran ko.

"Ku...ku...ya... Ssst..oo.pp. hahaha..," sigaw ko sa kanya. Hindi naman siya tumigil.

"Crying baby pala ah,"

"M..oom. Daad. Helllp," sigaw ko.

"Jake tama na yan," rinig kong sigaw naman ni Mom.

Agad naman niya itong binitawan. Bwisit ka kuya. Ang sakit na ng tagiliran ko.

"Mama's boy," sigaw ko sa kanya. Rinig ko naman ang pagtawa ni Dad.

"Tsk. Daddy's girl," nang-aasar namang sabi niya.

"Oh! Tama na yan. Jake, follow me. We need to talk," seryoso namang sabi ni Dad. Agad namang tumingin sa akin si kuya na parang nagtatanong kung alam ko ba ang sasabihin ni Dad.

"Lagot ka," pananakot ko naman kay kuya. Agad naman niya akong binatukan. Hinampas ko naman siya sa braso.

"Namimihasa ka na ah. Pasalamat ka birthday mo." reklamo ko kay kuya. Agad naman niya akong sinamaan ng tingan.

"Jake, Faster," rinig ko namang sigaw ni Dad. Tumakbo naman si kuya. Sumunod naman ako syempre.

Nagtungo sina kuya at Dad sa garage. Kami ni Mom naman ay nakabuntot lang sa kanila. Agad na binuksan ni Dad ang garage.

"Happy Birthday son," bati niya kay Kuya. Agad namang yumakap si Kuya kay Dad.

"Are you serious Dad? You bought me a new car?" di makapaniwalang tanong ni kuya kay Dad.

"Ang arte mo. Nagtanong ka pa. Bakit hindi mo na lang kaya sakyan yan," sabat ko sa usapan nila.

"Hays kahit kailan talaga Aeron epal ka. Huwag kang sumabay sa akin mamaya," inis na sabi naman ni Kuya.

"Eh saan ako sasabay?" tanong ko naman sa kanya.

"Magcommute ka,"

"No way. I'll take your old car," nakangiting sabi ko.

"Do you still remember how to drive?" nanghahamong tanong ni Kuya.

"Are you challenging me?" nanghahamon ring tanong ko.

"Hep. Anong pinagsasabi niyong dalawa. At ikaw naman Aeron, huwag ka munang gagamit ng kotse," awat naman ni Mom.

"But Mom,"

"Just listen to your Mom Aeron," sabi naman ni Dad.

Hay nako kailan kaya ulit ako makakahawak ng kotse? Jusko alam ko naman kung paano mag drive. Siguro natatakot pa rin sila dahil sa nangyari sa akin noon. Bwisit kasing Denzel yan, panira ng love story.

When Pogi Meets PoGayWhere stories live. Discover now