Chapter 38 : You have me

4.6K 108 24
                                    

Andy's POV

Paggising ko ay wala na si Lyvhie sa tabi ko dahilan para magpanic naman ang sistema ko. Agad akong napatayo sa kama tsaka mabilis na lumabas ng kwarto. Awtomatiko namang nawala ang pag-aalala ko ng makita si Lyvhie sa kusina. Nakatalikod ito habang nagluluto base na rin sa mabangong naaamoy ko.

Napangiti rin ng mapansing suot niya ang suot kong polo kanina. Tama lang para matakpan ang maselan nitong katawan ngunit tambad ang makikinis nitong binti sa akin. Napailing nalang ako't niyakap ito mula sa likuran na siyang ikinagulat niya.

"Gising ka na pala" sambit niya habang patuloy naman sa pagbabaliktad ng bacon sa kawali.

"Yeah. Ba't hindi mo ko ginising?" mahinang tanong ko tsaka ipinatong ang baba sa balikat nito.

"Mamaya pa naman yung site visiting. Napaaga nga yata ako ng gising pero after natin kumain kailangan ko ng mag-ayos. Magkikita pa muna kami ni Olivia sa kwarto niya" kumunot naman ang noo ko sa huling sinabi nito.

"At bakit sa kwarto niya pa? Pwede naman sa lobby"

"Teka nga..." pinatay nito ang stove tsaka humarap sa akin. Kunyaring sinamaan din ako nito ang tingin "Ikaw ah, kung ano ano yang iniisip mo. Natural, secretary niya ko kaya dapat bago yung meet up niyo sa lobby mamaya, kasama na niya ako"

Hinawakan nito ang gilid ng mukha ko tsaka ako hinalikan sa labi. "Huwag ka ngang sumimangot dyan. Kung totoo ngang may gusto siya sa akin, anong panama nun sayo? Eh si Olivia boss ko lang at ikaw..." pabiting sambit nito tsaka din mapaglarong ngumiti sa akin. Itinaas nito ang kanang kamay atsaka ipinakita ang wedding ring namin. Tumaas naman ang kilay ko. How come na suot na niya yan ngayon? "....Ulitin ko. Boss ko lang siya at ikaw ang asawa ko. Sa tingin mo ba papatol pa ako sa kaniya knowing na kasal na akong tao?" tinaasan ako nito ng kilay tsaka ako nginisian ng wala sa oras.

Hindi niya ako hinintay makapagsalita dahil agad na siyang umikot muli para ilipat ang iniluto niya sa plato.

"Bitaw muna babylove okay? Ihahanda ko lang yung pagkain natin" Ewan pero para akong robot na agad siyang binitawan. Natawa naman ito ng mahina bago na ako nilagpasan para magpunta sa lamesa.

Speechless lang akong napapihit paharap para panuorin siya. Ewan ko din pero tila yata hindi ko mahanap ang sariling dila para makapagsalita. Abala pa rin talaga ang utak ko sa mga nangyari kanina.

Oh God. She's so hot. I can't...

"Andy... Stop eye-fucking me. Eat real food this time okay?" W-What? I...I wasn't eye fucking her? I was just simply looking at her. Ugh seriously?

"I–okay" pinilig ko ang ulo't naglakad na patungong lamesa. Umupo ako sa tabi niya. Nilagyan naman agad ako nito ng pagkain sa plato.

"Teka nga. Hindi ka ba nilalamig?" at dahil sa tanong niya'y napatingin ako sa sarili. Oh crap, nakasports bra at cycling lang pala ako. Umiling naman ako tsaka na nagsimulang kumain.

Pinuri ko naman ang luto nito na siyang ikinangiti nito ng pagkatamis tamis. Di ko alam pero nahanap ko nalang ang sariling nakatitig sa kanya matapos kong kumain.

Ang ganda ganda kasi talaga niya...

Natigil lamang ako sa pagpapantasya ng tumayo na siya para magligpit ng kinainan namin. Agad ko naman siyang tinulungan. Nang matapos ay nagsuot lang ito ng disenteng damit na nakita niya sa maleta ko. Tama kayo ng hula, damit ko nga muna ang isinuot niya para makabalik ng sarili nitong kwarto upang makapag-ayos na rin para sa site visiting namin mamaya.

Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now