Chapter 25 : You can do it

4.6K 114 26
                                    

Lyvhie's POV

Isang linggo na rin ang lumipas ng magbirthday ako. At heto ulit kami balik sa dati. Wala eh. Marupok talaga ako pagdating sakanya. Naiinis na nga rin ako sa sarili ko. Kunting lambing lang nito'y bibigay na agad ako.

I'm here now inside the cafeteria, having lunch with Jade. Di nga sumabay si Abegail at Mark dahil may importante daw silang gagawin ngayong lunch hour.

"Lyv, you're spacing out again. Okay ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Jade sa akin.

"Honestly no... " sagot ko tsaka napasuklay ng buhok "...Jade kasi, hindi ko alam kung anong gagawin ko" sa totoo lang kasi hindi ko talaga alam kung paano makikipaghiwalay kay Mark mamayang uwian.

Hindi ko na kasi kayang gamitin pa siya para pagtakpan pa tong nararamdaman ko kay Andy. Nakokonsensya na rin ako. Ayoko rin namang mas lalo pa siyang masaktan kapag nalaman niya yung totoo, kahit pa nung simula hindi ko na siya nagawang mahalin pabalik.

Nakakaunawang napabuntong hininga naman muna si Jade bago nagsalita "Lyv, just tell him the truth. Kung mahal ka talaga niya maiintindihan niya naman yun. Atsaka hindi mo naman din kasalan kung ilang beses mo ng sinubukang mahalin siya pero wala talaga eh. You can do it. Nandito lang kami ni Abegail, suportado ka namin. Okay? So kumain ka na muna, ni hindi mo pa nagagalaw yang pagkain mo"

Ni hindi ko na nagawang umimik pa dahil kinukunsumo ng konsensya't lungkot ang sistema ko. Ang nagawa ko na lamang ay ngumiti ng tipid kay Jade tsaka na nga rin kumain.

Sandali akong nanigas sa kinatatayuan ng bigla nalang may yumakap sa akin mula sa likuran.

"Babe..." sambit pa nito tsaka mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

Pasimple ko namang kinompos ang sarili ko't sandaling tumingin sa tanawin sa harapan bago napabuntong hininga.

Kasalukuyan kaming naririto ngayon sa rooftop at kakatapos lang din ng klase. It means, oras na para makipaghiwalay sakanya. Ilang araw ko din itong pinagplanuhan pero tila ba'y naba-blangko ang isipan ko ngayon.

Malungkot akong pumihit paharap kay Mark. Nakangiti ito ngayon na siya namang mas lalong nagpasikip ng dibdib ko.

"Mark..." paninimula ko tsaka kumalas sa yakap niya na siya namang ipinagtaka nito.

"Hey what's wrong?" hawak nito sa magkabilang pisngi ko dahilan para magtama ang mga mata naming muli. Puno ng pag-aalala ang mga pares na iyon habang nakatitig lang sa akin.

Napakagat ako sa labi sapagkat naiiyak na talaga ako. Ako yung nasasaktan eh, ako yung nasasaktan para sakanya. Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko dahil paano ko nagawang lokohin si Mark na walang ibang ginawa kundi ang mahalin lang naman ako.

"Mark I'm s-sorry..." my voice crack for the first time dahilan para matigilan ito't mas lalong mag-alala sa akin.

"Lyvhie..." nang sambitin nito ang pangalan ko'y nagsituluan na rin ang mga luha ko sa mata.

"I... I can't do this anymore Mark. Itigil nalang natin t-to. I'm sorry but I can't love you back" napabitaw ito sa akin tsaka gulat na napatitig sa mukha ko. Maya maya'y pilit na itong napatawa tsaka hinawakan ang magkabilang kamay ko.


"Babe stop joking. It's not funny" nakangiti siya pero yung mata niya'y unti unti na ring pinamumuan ng luha.



"I'm sorry..." bawi ko sa kamay ko tsaka napayuko't mas lalo lang ding napaiyak ng sobra.


"Babe... Don't do this please.. I don't understand... Lyv I love you so much, please don't do this" lumuhod na ito tsaka yumakap sa bewang ko.


Tumingala ako para pigilan ang mga luha ko pero mas lalo lang silang nagsituluan. Napakagat ako ng labi tsaka napapikit dahil sa sobrang konsensya at sakit nitong nararamdaman ko ngayon.


Yumuko na din ako para magpantay kami ni Mark. I cupped both of his cheeks tsaka tumitig ng diretsa sa mga mata niyang puno ng sakit at lungkot sa ngayon.


"San ba ako nagkamali? May pagkukulang ba ako? Lyv please..." tsaka na ito napahikbi sa harapan ko.


"Mark wala... wala" kagat labi kong pilit na pinupunasan ang mga luha niya sa pisngi.


"You deserve someone better Mark. I'm sorry" halik ko sa noo nito tsaka na ako umalis doon.


Habang tumatagal mas lalo lang sumasakit, mas lalo lang akong nakokonsensya.


Patawarin mo ko Mark pero hindi ko na kasi talaga kaya. Ayoko na ring saktan ka pa. Ayoko nang lokohin ka pa't maging ang sarili ko kung magpapatuloy pa ang relasyong to.


Mahal ko na kasi talaga si Andy at ngayong wala ng problema sa side ko'y siguro nga ay kailangan ko na ring kumilos para mapasakin ito. Kung kailangan mang makipagkompitensya pa ko kay Aria ay gagawin ko.


Oo nga't asawa lang ako ni Andy sa papel pero kahit saan mo pa rin naman tignan ay legal pa rin akong ASAWA ni Andy at siya, GIRLFRIEND lang siya. Sekreto man pero mas may karapatan pa rin ako sa asawa ko. Gusto kong malaman ni Aria sa madaling panahon ang pagkakaiba ng Asawa sa Nobya.



At kung darating din ang araw na matatapos ang kontrata sa naging pagpapakasal namin ni Andy ay hindi ako papayag ng ganun ganun nalang. Kung kailangan kong gumawa ng paraan para hindi kami tuluyang maghiwalay ay gagawin ko. Walang makakapigil sa akin para maging totoo na ang kasal naming ito.

------------------------

Sorry for grammatical and typo errors. Thanks for reading. Lovelots















Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now