Chapter 24 : Pervert

6.5K 123 30
                                    

Lyvhie's POV

"Aish I regret it now" rinig kong sambit ni Andy habang nakamasid lang sa mga taong nasa paligid namin.


"What?" takang tanong ko naman tsaka hinawakan ang kamay niya. Napatingin naman ito sa akin. Alam kong gusot ang mukha nito ngayon kahit na natatakpan ng puting sumbrero't itim na facemask ang mukha niya.



Well, sikat na businesswoman at model nga naman kasi siya dito sa pinas. Mahirap na kapag mamukhaan siya't dumugin kami ng mga fans niya.


"I regret allowing you to wear shorts today. I hate the way they look at you, Lyvhie." tsaka niya ako hinapit sa bewang. Tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon. Wow ha.






Nakasuot kasi ako ng blackshirt na nakatuck-in naman sa maong shorts ko, binagayan ko na rin ng puting sapatos habang si Andy naman, nakawhite longsleeve polo at itim namang ripped jeans. Nakablackboots din siya na talaga namang isa sa rason kung bakit siya nakakaagaw ng atensyon ng mga tao. Partida pa nga rin na nakatakip ang mukha niya nyan ha. Honestly, malakas lang talaga ang dating nito sa iba.




Sandali ko namang inilibot ang paningin sa paligid at nakitang karamihan nga dito'y nakatingin sa gawi namin or should I say sa gawi ko. Ako lang din naman kasi sa aming dalawa ni Andy ang lantad ang mukha. Aware naman akong may itsura ako pero nakakailang lang talagang maging center of attraction minsan.



"Uhm don't mind them nalang" sabi ko nalang din tsaka na siya iginaya maglakad palayo sa lugar na yun.



Nagtaka ako ng bigla nalang itong huminto sa paglalakad dahilan din para mapahinto ako. Lumayo ito sakin tsaka pinakatitigan ang kabuuan ko. Bahagya tuloy na nag-init ang pisngi ko.


Oh ghad. Is she checking me out? 


"What the–hey! What are you doing, Andy?!" sadya ring nanlaki ang mga mata ko ng makitang isa isa nitong iniaalis ang pagkakabutones ng polo niya. Agad ko naman siyang pinigilan kasabay pa nang pagsipat ng tingin sa mga taong nasa paligid namin na kasalukuyan na rin ngayong nakatingin sa kung nasaan kami ni Andy.


Kung ano ano ba naman kasi yang ginagawa nito!


"Stop! Anong ginagawa mo? Ang dami daming tao" inis kong sambit bago siya hinila paputang restroom.



"Are you out of your mind at maghuhubad ka talaga dun?!" tsaka ko siya inis na itinulak sa loob ng banyo. Wala na akong pakialam kung may iba pang tao dito sa loob ng public restroom maliban sa aming dalawa. Alam kong medyo AO na ang dating ko  ngayon but nagulat lang kasi talaga ako. Kitang kita na kasi ngayon amg  itim nitong sando.


"I just wanted to cover up your legs with this" hinawakan pa nito ang polo niya dahilan para mag-soften naman ang mukha ko.


Why does she sounds so innocent and cute?! and OH MY GOD cares for me too?

"Pero hindi mo pa rin kailangan hubarin yan dun ng basta basta" ewan pero napatingin ako sa tatlong babaeng nasa harap ng sink at nakatingin sa amin ngayon ngunit nang mapansin ng mga itong nakatingin ako sa kanila ay agad din naman silang nagsibalikan sa ginagawa.


Hays.. mga chismosa nga naman.




"Fine. I'm sorry. Let's just buy something to cover your legs then" bumuntong hininga pa muna siya tsaka na sinimulang ibalik ang pagkakabutones ng polo niya.



Never Be The Same | Filipino GxG Donde viven las historias. Descúbrelo ahora