Chapter 6 : Sweet

11.1K 193 4
                                    

Lyvhie's POV

Nauna pa akong nagising sa alarm clock ko. Pansin kong wala akong katabi sa kama. Napabaling tuloy ako ng tingin kung saan madalas humihiga si Andy. Habang tumatagal ang pagtitig ko doo'y mas lalo lang bumabalik sa isipan ko ang naging sagutan namin kagabi. Umayos ako ng higa at tumitig sa puting kisame ng kwarto.

Hindi pa rin mawaglit waglit sa sistema ko ang sinabi nitong 'I cant live without sex' at tila pa nga'y sirang plakang paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko. Ang hindi pagdepensa ni Andy sa sagutan namin kagabi ay may dalawang ibig sabihin para sakin. Either, totoo ang mga sinabi ko o kaya nama'y iniwasan lang nitong palakihin pa ang bangayan.

Napapikit ako ng mariin. Ano ba kasing ikinagagalit ko? Di ba dapat labas na sa'kin ang bagay na nakikipagtalik ito sa ibang babae pero kasi siya ang nakauna sakin. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba ang pagbibigay ko ng sarili dito. Sa katunayan ay hindi lamang siya ang may kasalanan kundi maging ako rin dahil pareho kaming nasa tamang wisyo ng mga panahong yun. Na may pagkakataong pigilan ito kaso hindi ko ginawa at talagang hinayaan kong kontrolin niya ko noong may nangyari nga sa'ming dalawa.

Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga palad ko. Yung halik, yung halik nitong laging ramdam ng mga labi ko. Yung halik nitong aaminin kong hinahanap hanap ko. I allow her to kiss me whenever she wants, especially when our parents are around us. Pero yung makikipagsiping dito dahil labas nga raw yun sa kasunduan ay parang hindi naman na yata tama yun. I gave her once my purity, siguro sapat na yun para hindi na maulit kung ano mang namagitan sa aming dalawa.

Kahit nakatali ako sa kanya ay hindi naman ibig sabihin nun na ipagkakanulo ko na rin maging sarili ko rito. Ayokong magmukhang parausan o maging sex buddy lang nito. Hindi ako ganung klaseng babae. I promised to myself before na sa lalaking pakakasalan ko lang ito ibibigay pero wala na. Iyon pa naman ang pinakamagandang regalong pwedeng ibigay ng babae sa mapapangasawa nito.

Isang mariing pagpikit at pagbuntong hininga pa ay naisipan ko ng bumangon para makapaglinis ng katawan. Balak ko ngayong maagang pumasok para hindi na maabutan pa ni Andy. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko rin kasi maintindihan ang nararamdaman ko kung okay lang ba ko? galit dito o ano.

Pagbaba ko. Nakatungong Andy ang nabungaran ko sa may sala habang nakaupo ito at may hawak na mug ng mainit na kape sa kanang kamay. Para akong nakaramdam ng awa. Iba kasi ang awra ni Andy kapag malungkot. Isang tingin mo palang sakanya apektadong apektado ka na rin. Naisipan kong isantabi muna ang galit dito bago ako naglakad palapit kay Andy.

Huminto ako sa harap ng kinauupuan niya. Mukhang napansin naman agad nito ang prisensya ko kaya mabilis itong nag-angat ng tingin sakin. Tila nanlambot ang mga tuhod ko ng magtama ang mga mata naming dalawa. Konsensya at lungkot ang visible na emosyong mababasa sa magagandang pares na iyon.

Ibinaba ko ang bag ko sa center table bago ito muling hinarap. Maingat kong kinuha ang mug sa kamay niya at inilapag din iyon katabi ng bag ko. Lukot sa pagtataka ang mukha nito pero ganun pa rin ang mga mata niya. Mahabagin akong tao kaya mabilis akong makonsensya sa ganitong mga bagay kahit hindi pa ako ang may kasalanan.

Hinila ko siya patayo sa harapan ko. Ngayon ko lang napansin na ganun pa rin ang suot nitong damit kagabi. Pinaningkitan ko ito ng mata na ikinalunok niya.

Grabe naman to'. Hindi man lang ba siya pumasok kahit saglit sa kwarto para magpalit ng damit pero infairness sa babaeng ito. Ang bango bango pa rin talaga. Ngumiti ako matapos ng ilang minuto na literal namang nagpatameme sakanya na para bang namamalik mata ata sa nakikita.

"Hindi na ko galit" Ang bilis no? Basta ayoko lang makitang ganito si Andy. 

Nanlaki ang mga mata niya na para pang nagulat sa sinabi ko pero di kalaunan ay napangiti na rin siya. Parang bigla naman akong nakaramdam ng tuwa dahil nakikita ko na naman ang ganyang mga ngiti niya na minsan ko lang kung masilayan. Sa totoo rin nyan hindi rin kasi ako ma-pride na tao kaya nga isang gabi lang napatawad ko na agad siya di ba?

Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now