Chapter 9 : Visitors

12.4K 215 43
                                    

Andy's POV

"San ka galing? Kanina pa ko naghihintay sayo" salubong ang kilay na hinablot ko ang braso ni Lyvhie ng akmang lalagpasan lang ako nito nang pagbuksan ko siya ng pinto.

Natigilan naman ito. Namumungay ang mata at may ngisi sa mukhang tumingin ng diretsa sakin. Marahas nitong kinuha ang braso mula sa pagkakahawak ko bago umayos ng tayo para harapin ako.

"So?" sagot nito na ikinaarko ng isang kilay ko.

Awtomatiko ring naningkit ang mata ko sa tonong ginamit nito sa pagsagot sa'kin. Pinakakalma ang sariling napasuklay ako ng buhok habang siya nama'y pinagmamasdan lang ako.

"Lyvhie may problema na naman ba tayo? Why are you acting like this? Umalis ka nang hindi man lang nagpapaalam sa'kin kung san ka pupunta. Alam mo ba na hinanap kita kahit saan kanina? It's fuckin' 3 am! 3am for Goddamn's sake! Sobrang delikado na sa labas tapos uuwi ka ng lasing. Nagdrive ka ng nakainom. Paano nalang kung may nangyaring hindi maganda say–"

"Enough! You sounds like my mom. I know what I am doing okay? Nasa right age na ko para gawin lahat ng gusto ko at bakit? Kasi nag-aalala ka sa'kin o dahil kargo mo lang talaga ako? Tutal wala ka naman talagang pakialam sa'kin eh" awtomatikong nagsalubong pa lalo ang mga kilay ko. Tila nagpanting ang tenga ko sa mga sinasabi nito.

"What?! Lyvhie just tell me what's the problem para naman maintindihan kita" tila hindi ko na rin mapigilan ang sarili sa pagpapakita ng pagkadisgusto sa ginawa nito.

"Wala and I'm sorry..." halos matulos ako sa kinatatayuan ko ng dampian ako ni Lyvhie ng halik sa labi na sinundan ng paghikab.

I-I didn't see that coming...

Mukhang pagod at antok na rin ito sa kalasingan. Wala sa oras na ini-locked ko muna ang pinto bago siya binuhat ng bridal style na ikinagulat niya.

"Anong ginagawa mo?" gusto nitong magtaas ng boses pero hindi na rin nito kinaya dahil sa kaantukan.

"Matulog ka nalang" sagot ko habang dahan dahan siyang inaakyat patungong kwarto namin.

Maingat ko siyang inilapag sa kama ng makapasok kami sa silid. Dali dali akong bumaba ulit para kumuha ng gagamiting pamunas mula sa kusina. Agad kong inihubad ang suot nitong kulay pulang jacket at maging iba pang suot nito maliban lang sa underwears niya.

Gumawa ako ng tunog gamit ang dila ng mapagmasdan ang kabuuan nito. Tila yata uminit ang bawat sulok ng silid ng hagudin ko pa ng tingin ang katawan ni Lyvhie. Napakaputi. Napakakinis. Napakaperpekto nito sa paningin ko pero ayoko namang gawin ang sinabi nito sa akin nung nakaraang gabing nag-away kami na magaling lang akong pagsamantalahan ang kahinaan niya.

Alam kong apak na apak na nito ang pride ko. Ibang iba na ko sa ngayon. Nakakapagpakita na ko ng emosyon sa ibang tao. Madalas na akong nagpapakumbaba pagdating sakanya pero hindi ko yun nagugustuhan. Hindi ko nagugustuhan na sa ngayon nakokontrol na ko ng ibang tao, nakokontrol na ko ni Lyvhie.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko dahil feeling ko may galit na unti unting namumuo sa sistema ko dahil hindi ko gusto ang ideyang nababago ako nito. Hinding hindi.

Sandali akong pumikit bago naisipang punasan na nga ito para mabihisan na rin siya. Inayos ko ang pagkakakumot sakanya at mabilis na ring umimbis ng kwarto para ibalik ang mga ginamit ko sa kusina. Pagkatapos ay bar area agad ang pinuntahan ko at hindi rin agad umakyat sa itaas dahil hindi pa naman ako inaantok at marami ring gumugulo sa isipan ko.

Nakailang baso na rin ako ng maisipang pumanhik na rin sa itaas pero hindi ako sa kwarto namin pumunta kundi sa guestroom. Kailangan ko lang munang mapag-isa o sadyang kailangan ko lang munang lumayo at hindi makita si Lyvhie dahil buong sistema ko na yata ang ginugulo nito.

Never Be The Same | Filipino GxG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon