Chapter 32 : I don't deserve you

4.9K 138 79
                                    

Lyvhie's POV

"W–What are you doing?" tanong ni Andy ng madatnan ako nitong naglalagay ng gamit sa maleta pero di ko siya pinansin at mas binilisan pa ang pagkilos.





Sapagkat hindi ko na kaya. Any minute pwede akong magbreak down ulit. Pwede akong bumigay na naman.




Kagat labi habang umiiyak kong dinampot lahat ng gamit ko tsaka isinilid sa maleta. Di rin nagtagal ng lumapit sakin si Andy para pigilan ako sa ginagawa. Pilit ko lamang na iwinawaksi ang mga kamay niya hanggang sa niyakap na nga ako nito mula sa likuran dahilan para natigilan ako sa ginagawa at muli na namang napahagulgol.




"I'm sorry. I'm so sorry" garalgal nitong pakiusap kasabay ng paghigpit ng yakap nito sakin.




Batid kong umiiyak na rin siya ngayon. At ito rin ang unang beses na nakita ko siyang lumuha pero wala eh. Sobrang sakit. Ang sakit sakit ng ginawa nilang panloloko sa akin at ang pagiyak nito ngayon ay hindi sapat para magawang baguhin ang desisyon ko. Sapagkat ayoko na dito. Ayoko na...




"L–Let me go. Let me go!" pilit kong piglas pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang yakap sakin.




"Please don't do this. Don't leave me. Lyvhie mahal kita. Don't do this. I'm sorry. I'm so sorry" halos magcrack ang boses nito sa bawat salita pero hindi ako nito nagawang makombinsi. Sobrang sama ng loob ko. Ang sama sama ng loob ko.




Paano nila nagawa sakin to? Pano nila nasikmurang makita akong naniniwala sa kasinungalingan nila ng ganun katagal. Dalawang taon. Dalawang taon akong naniwala sa panloloko nila at ano? She's now begging me to stay. Anong tingin niya sa akin? Ganun katanga para sulitin pa yung natitira naming isang taon bilang isang pekeng mag-asawa?




Sa tingin niya mananatili pa rin ako matapos kong malaman na puro kasinungalingan lang pala lahat ng yun. Yup I'm only 19 years old pero hindi na ako bata para paniwalain sa mga ganong bagay. They should've tell me from the start para alam ko di ba? Pero hindi eh kaya yun yung masakit.





Okay lang sana kung si Andy kasi siya alam ko yung magiging rason niya pero yung malamang pati magulang ko kasama sa nangyaring to, sangkot sa panlolokong to. Yun talaga yung sobrang sakit para sa akin.










At ayoko naman talaga eh. Ayokong kwestyunin yung pagiging magulang nila sa akin kasi lumaki naman akong napo-provide nila lahat ng kailangan ko pero kasi they used me. Ginawa nila akong pamalit tulong ng wala akong alam.




Alam kong maraming magsasabing I should be thankful because I'm one of the reasons why they had been able saved our company pero hindi eh. Hindi sila yung nasa sitwasyon ko. Kaya hindi nila alam yung rason ng sobrang kinasasama ng loob ko.




Oo nga't maganda yung naidulot ni Andy sa buhay ko pero dahil sa ginawa nila maaga nilang sinira yung pangarap ko. Wala naman akong problema sa kung anong namamagitan sa'min ni Andy kaso sa lalaki talaga eh. Sa lalaki ko gustong makasal noon. Napakabata ko pa para makasal ng araw na yun pero wala akong nagawa kasi bilang isang anak, kinailangan kong sumunod sa kagustuhan ng magulang ko para hindi ko lang sila madisappoint. At dahil din sa nangyari maaga ding nawala yung puri ko. Lahat nawala.




Pero nung tumagal naging okay naman eh. Natanggap ko naman. Yung tipong I did my best to accept everything what happened in the past tapos biglang masisira ng ganito lang.




Yung dapat malaya lang akong namumuhay ngayon. Yung dapat umaakto ako sa edad ko. Ineenjoy tong kabataan ko pero wala eh. Kinailangan kong mag-ingat sa lahat ng gagawin ko. Kinailangan kong magtago. Kinailangan kong siguraduhing hindi malalaman ng iba yung naging kasal namin ni Andy. Naging sunud-sunuran ako. Nakakaputangina! Ang tanga ko para magpakontrol nalang lagi sakanila at sa huli ano? Ako din pala yung magdurusa. Ako lang din pala sasalo lahat ng sakit. And that's bullshit!




Never Be The Same | Filipino GxG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon