Chapter 37 : Wedding Ring

5.4K 113 27
                                    

Lyvhie's POV

Nauna akong nagising kay Andy na siyang nakita ko namang himbing na himbing pa rin sa tabi ko. Dahan dahan akong napaupo habang kipkip ang kumot sa dibdib. Tama nga kayo ng hula, may nangyari na naman na hindi ko alam kung bakit ko hinayaan.


Napatakip ako ng mukha gamit ang dalawang kamay tsaka napatingala.

Ano na naman bang karupukan to?

Sandali akong bumuntong hininga tsaka muling nilingon si Andy sa gilid ko. Awtomatiko namang napako ang tingin ko sa napakatangos na ilong nito na talaga namang paborito kong parte sa mukha niya. Di ko namalayang tini-trace na pala iyon ng mga daliri ko pero nang mapagtanto ang ginagawa'y agad ko na rin namang binawi ang kamay ko mula doon.


Mabuti nalang talaga hindi siya nagising...


Muli akong napahawak sa kumot para muling kipkipin sa dibdib sapagkat bahagya na rin iyong dumudulas sa katawan ko. Ang lakas na rin ng tibok ng puso ko sa halo halong emosyong nararamdaman ko ngayon.



Pinilit kong makabangon at makapaglakad patungong banyo kahit na masakit pa rin ang katawan sa nangyari kagabi. Kailangan ko na rin kasing mag-ayos para sa checking ng site mamaya. Kailangan kasi nilang i-check yung pinapatayo nilang hotel and casino na malapit lang din dito sa five star hotel na tinutuluyan namin ngayon.




"Oh My... Gosh Andy! What the heck did you do?!" gulantang kong bigkas nang makita ang kabuuan sa salamin. Puno ko ng kiss marks! Pa'no ko matatakpan to? Yung iba medyo kulay purple na rin.



Gosh. Gosh. Gosh. What I'm going to do?




Parang gusto kong magwala, maiyak na hindi ko alam. Kagat labi akong lumapit sa salamin tsaka sinuri pa ng husto ang hubad kong katawan. Mula sa jawline hanggang legs ko meron. Ganito niya na ba ko kamiss para pang-gigilan ng ganito? Pwes! Hindi nakakatuwa!


"ANDREA VICTORIA FUCKING HAZELBERG WAKE THE FUCK UP AND LOOK WHAT YOU'VE DONE TO MEEEEE!" malakas kong sigaw tsaka wala ng takip takip ng katawan na lumabas ako ng banyo. Siya naman itong napabalikwas sa higaan tsaka tarantang napalingon lingon sa paligid.



"I'M JUST HERE INFRONT OF YOU! YOU IDIOT!" ha! bahala ng nakabalandra sa harap niya ang katawan ko at para na rin makita niya ang ginawa niya no! Ang sama lang kasi talaga ng loob ko ngayon, iniisip ko palang kung pano ko ito itatago sa iba ay naiistress na talaga ko.




Napa"O" shape naman ang bibig nito nang makita na ako nito ng buong buo. Ako naman itong napairap muna bago siya sinamaan ng tingin sa kama.



May katiting na hiya pa naman sa sistema ko kaso kinakain talaga ako ng inis rito. Lalo pa't nakikita kong suot pa rin niya ang white polo nito na bahagya namang bukas ang butones dahilan para makita ko ang soft abs nito at kulay dilaw niyang brassiere habang ako, ito wala man lang kasaplot saplot. Like, ang unfair sobra!

"Your body is full of---"

"Kiss marks? Yeah, I know and you're the one who did this to me. So sabihin mo sa'kin kung paano ko matatakpan 'to?! Kasi naman Andy eh! Pwede naman kasing-AISH! nakakainis ka talaga kahit kailan!" inis akong nagpapadyak tsaka pa frustrated na napasabunot ng buhok sa harapan niya.




I hate her so much!!!


Tumayo siya ng kama dahilan para tumigil ako sa ginagawa. Bahagya rin akong naconcious sa sarili nang hagudin ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.




Never Be The Same | Filipino GxG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon