Chapter 5 : Ex

14.5K 266 20
                                    

Andy's POV

"Andrea!" napalingon naman ako bigla nang tawagin ako ng isang pamilyar na boses.

Gumuhit naman agad ang ngiti sa mga labi ko pagkakita na pagkakita sa bestfriend kong masayang naglalakad palapit sakin. Agad kaming nagyakapan at nagkamustahan.

"Buti naman naisipan mo pang umattend ngayon. Nakakamiss ka pala ano?" natawa naman ako sa sinabi nito at hinagisan siya ng lipstick na natatawang sinalo naman nito. Abi, pangalan ng bestfriend ko.

Kakatapos lang kasi akong ayusan para sa photoshoot at ako na rin ang susunod na kukunan mamaya.

"Sira!" natatawang tugon ko naman.

"Pero seryoso, ano pinagkaabalahan mo sa loob ng two weeks?" pang-iintriga nito sakin at lumapit pa talaga ng upo.

Lumingon lingon muna ako sa paligid at nang masiguradong walang ibang tao ay hinila ko pa ito palapit. Tutal naman ilang taon na rin kaming magbestfriend at sa tingin ko kahit siraulo 'to ay mapagkakatiwalaan naman.

Sinabi ko na talaga kung anong totoong dahilan kung bakit nga ako MIA ng dalawang linggo at ito ngang si Abi parang baliw na napatakip pa ang kamay sa bibig para maiwasang hindi makagawa ng kung anong ingay. Halatang gulat at hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Seryoso?! Omygod! Who's the unlucky gir--" bago pa man kami mapansin ng iba ay tinakpan ko na agad ang maingay niyang bibig.

"What the hell Abi! Sabi ko sayo huwag kang maingay di ba? Baka may makarinig sayo ano ba!" mahinang sigaw ko.

Napatango tango naman ito kaya inalis ko na ang kamay ko. Para naman itong nakahinga ng maluwang ng tanggalin ko iyon.

"Aish! Pasalamat ka mabango yang kamay kung hindi! Pero seryoso nga kasi sino ba yun?" tanong nito habang pasimpleng iginagala ang mata sa paligid para siguraduhing walang ibang taong nakakarinig sa usapan namin.

"She's Lyvhie and she's six years younger than me" para itong natigilan habang puno ng pagtataka ang mukha.

"Teka so.. Eighteen palang siya? Hindi ba child abuse yun?" parang tangang tanong nito kaya wala sa wisyong pinitik ko ang noo niya.

"Ouch! Andrea ano ba!" singhal nito habang sapo sapo ang noong nasaktan.

"Sira ka kasi pero I think it's not dahil nasa legal age naman na siya kaso lang hindi nasa right age para mag-asawa. Sa totoo nyan ako rin naman ayoko pang makasal agad but kailangan lang para masalba yung company nila, honestly hindi niya alam ang bagay na yun" napatingin ako sa sahig dahil nababahala ako kung ano kayang magiging reaksyon ni Lyvhie once na malaman nito ang dahilan.

"Huh? What do you mean by that?"

"Hindi niya alam ang dahilan kung bakit kailangan niyang magpakasal sakin" napatingin naman ako dito at nakitang talagang nakikinig si Abi habang nag-iisip pa ng malalim. Di kalauna'y tumitig na ito sakin habang may pag-aalalang mababakas sa maganda nitong mukha.

"Ibig bang sabihin nun parang siya yung pinangpalit or ibinayad ng parents niya para maisalba yung kompanya nila? Andy ano ba? Paniguradong masasaktan siya dun" mukhang siya pa ang naagrabyado kung magreact pero tama naman siya.

Napayuko ako. Yun na nga ang inaalala ko. Mahirap din para sakin ang bagay na yun, ang makitang masaktan ang isang inosenteng tao dahil sa ganung klaseng bagay. Being a daddy's girl or close to my dad ay nakilala ko ng lubos ang mga business partners nito at isa na nga roon ang bestfriend niya na katunayan ngang Daddy naman ni Lyvhie. Alam ko kung gaano kahalaga sa pamilya nila ang kompanyang iyon dahil sa pagkakatanda ko, first generation pa ng mga Alcantara ang nagtayo ng kompanyang iyon.

Never Be The Same | Filipino GxG Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang