"Tigil! Itaas mo ang mga kamay mo at wag kang gagalaw!" Sigaw ng isang lalaking may hawak na armas.

Napapalibutan na pala siya ng mga armadong lalaki, hindi man lang niya alam. Masyadong okopado ang isip niya sa isang tao.

Ice... Ice... Ice.

Paulit ulit. Iyon lang ang ata ang alam niya sa mga oras na iyon. Ang makasama ang lalaking alam niyang makakasagot sa mga tanong niya.

"Inuulit ko itaas mo ang mga ka--"

Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin ng napahawak ito sa leeg na parang sinasakal siya. Unti unti itong lumutang sa ere, halos manginig na sa takot ang iba pang armadong lalaki dahil sa nangyayari sa kasamahan.

Napapapadyak na ang lalaki sa ere hanggang sa malagutan na ito ng hininga. Takot na tiningnan ng iba si Luna na nakatingin lamang sa ngayon ay bangkay na na nakalutang sa ere. The body suddenly fell to the ground with a loud thud.

Pero masydong engrossed si Luna sa ginawa na hindi namalayang may tumurok na palang tranquilizer bullet sa batok niya, that resulted for her to faint.

Isaac and the others are now fighting with the organization's men. They are so eager to get Luna back, especially Isaac.

Sa matagal ba namang panahong lumipas ng paghihintay sa babaeng pinakamamahal niya, at ngayong makakasama na niya ito sa wakas ay makikidnap pa. Hindi na ata iyon makatarungan.

"Jad! Where is her location?" Aniya matapos gilitan ng hininga ang isang lalaki.

Ang mga mata nitong naglalaro sa mga kulay ng abo, pula, at ginto. Its natural for a hybrid like him, but its rare to be a hybrid.

Siya lang ang nag-iisang half vampire at half werewolf sa bansa. Which made him more powerful than anyone, but makes his life in danger and the people around him.

"It's under the building!" Sagot nito matapos nitong barilin ang nga lalaking sabay sabay sumugod sa kanya.

Mas mabilis pa sa kidlat na pumasok sa loob ng building si Isaac at dumiretso na sa may hagdan, papunta sa basement.

Habang pababa na ay may nakakasalubong siyang armadong lalaki at iba pang mga taong naka-lab gown pa. Halos di na makalapit ang ibang kalaban dahil sa isang tingin niya palang sa mga mata nito ang napapahawak agad ito sa ulo, at napapasigaw dahil sa sakit.

Naiinis sa sarili si Isaac, dahil sana noong una palang sila nagkitang muli ay dinala na niya ito agad sa mansyon para maging ligtas. But he knew that she won't remember her that easily, that's why he wanted to take it slowly. Para naman hindi mabigla agad si Luna sa mga nangyayari.

He also knew that there's still a possibility na mangyayari ito, but he could have prevent it if he want to. He tried to exterminate the organization permanently, akala niya nagawa niya ito. Pero hindi pala.

He forcefully pushed people away and run towards the open door. Napasinghap siya nang makitang bitbit ng mga kalalakihan ang babaeng matagal niya nang hinihintay.

"Stop!" Utos niya sa mga ito na siya namang sinunod ng lahat.

His voice penetrated their minds making them into puppets.

"Face me." Mariin niyang sabi.

Lahat sila ay napasunod sa utos ng lalaki, na para bang may sariling isip ang mga katawan nila. Unti unti na ring pumapasok ang ibang kasamahan ni Isaac sa laboratoryo, now witnessing how their leader control things or should we say control humans against their will.

Nakaating na rin sina Ezekiel at pinasadahan ng tingin ang buong lugar. He was confused to see the shattered glass na mahirap paniwalaang mababasag dahil sa sobrang kapal nito, lalo na sa mga wala nang buhay na katawan na nakahandusay sa sahig.

Who could've done this? Tanong niya sa isip. Could it be?

"Bring her to me."

Lumapit ang lalaking bitbit bitbit si Luna. Isaac signaled Ezekiel to carry Luna pagbigay ng lalaki sa kanya. Pagkatapos maibagay ng lalaki si Luna ay matalim na tinitigan ni Isaac ang mga tao doon. Then they suddenly clutched their heads, screaming in pain. In seconds, they all fell down.

"Let's go." Aniya at mabilis na silang umalis ng building.

Just outside the town the surviving organization feared for the consequence for not retrieving the girl. Halos barilin ng lalaking nakasuit ang isa pang tauhan niya sa sobrang galit. Nanginginig naman sa takot ang lalaki habang pinagmamasdan ang isa niya kasama na ngayon ay nakahandusay na sa lupa.

"Mga hangal! Ang babagal niyong kumilos! Sa tingin niyo magugustuhan ito ng panginoon?! Hindi!" Galit na galit ang mukha ng lalaki habang sinasabi ito. Dinuro duro niya pa ang mga tauhan gamit ang hawak na baril.

The Alluring ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon