45 - SA PAGHUPA NG BAHA

4K 154 35
                                    


Habang papalapit at bago tuluyang makalublob sa ilog ay bumalik sa alaala ni Jema iyong unang beses na inatake ng anxiety nya si Deanns, kung paano nya ito napakalma nang hawakan nya ang pawisang mga kamay nito at idampi sa kanyang magkabilang pisngi , kung paano ito sana tatakas at lalayo na sa kanya at kung paano nya ito pinigilan sa pamamagitan ng pangakong tatanggapin ito at gagawin nya ang lahat para sya maging bahagi ng magulong buhay nito.

Naalala nya rin ang unang gabi matapos ang kanilang kasal at parang narinig nya pa ang boses ni Deanns "My love, when the time comes that you'll find out something that will make you fall out of love, please remember yesterday and this night. Look back and find the reason why you love me. Please find that reason!"

Isang bangungot na hindi na mawawala sa kanyang alaala ang eksenang hinihila si Deanns ng mga lalaking nakaitim, sumisigaw ito, humihingi ng tulong at pilit na inaabot ang kanyang mga kamay. "Jesssiiii pleaaaaase heeeelp meee!"

Nag-umpisa na namang pumatak ang mga luha ni Jema, sana kasi nagtiwala sya. Kahit kailan hindi naman nawala ang pagmamahal nya sa kanyang asawa, nagulat lang sya at sumama ang loob sa hindi nito pagtatapat sa tunay nitong pagkatao. Sana hindi nagulo ang tahimik nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Malinaw sa kanyang isipan kung paano sya patuloy na minahal at pinangalagaan ni Deanna habang ito ang Emir. Naalala nya ang malalaki at mahahabang tahi sa katawan ni Deanns na nahaplos nya noong gabing iuuwi sya nito galing sa party, kung paanong ang mga mata nito at mga tuhod ay gumagana na lamang dahil sa makabagong medisina. Ang puso at isip nito ay nanatiling tapat na nagmamahal sa kanya. Mismong buhay nito ay makailang ulit na nalagay sa panganib hindi lamang para sa kanya kundi maging sa pamilya niya at para sa kanilang komunidad.

"Don't do anything stupid! Be good, be brave! Do what is right and what is good. For you, for your family, for your loved one , for the community!" Ito ang mga bilin na umaalingawngaw sa kanyang isipan.

Pero tuluyan nang wala si Deanns, iniwan na sya nito, mag-isa na lang nyang haharapin ang buhay at ang responsibilidad sa komunidad. Hindi nya kakayanin, kailangan nya ang kanyang mahal, miss na miss nya na ito. Ang napakagandang mukha nito, ang kanyang matatamis na mga ngiti, ang malulutong na halakhak, ang mga maiinit na yakap at halik. . .

Rumaragasa ang agos ng ilog, may dala itong malalakas at malalaking alon na kayang ipaghampasan ang kanyang malambot na katawan sa malalaking bato sa ilog. Hindi sya natatakot. Buo na ang kanyang pasya. Hindi na mahalaga kung ano ang mangyari sa kanyang katawan. Ang tanging mahalaga na lamang ay kung saan sya ihahatid ng agos.

Dahil doon alam nyang magkikita sila ni Deanns

Doon naghihintay sa kanya ang kanyang mahal

Doon wala nang lungkot

Doon tiyak na tiyak na magsasama na sila. . .

Nang walang takot o pangamba. . .

Magkakasama na sila. . .

Bago pa ganap na mai-apak ang paa sa tubig at tuluyang magpatianod sa ilog ay narinig nya ang isang sigaw.

"Ninang Icaaaaaay!!!"

Paglingon nya ay nakita nya ang mag-aapat na taong gulang na batang Aeta, ang kanyang inaanak na si Leni, tumatakbo palapit sa kanya, may dalang isang bulaklak – isang sunflower.

Biglang natauhan, humahagulhol na tumakbo palayo sa ilog at pasalubong sa bata si Jema. Ano ba itong muntik na nyang gawin? Sa sobrang guilt at pangungulila kay Deanns ay muntik na syang sumuko. Muntik na syang magpatianod at magpakalunod sa ilog.

MINEWhere stories live. Discover now