30 THE GREAT EMIR

3.2K 96 32
                                    


At nangyari na nga ang kinatatakutan at pilit sanang pinipigilan ng lahat. Dahil, nag-umpisa na ang operasyon ng kompanya, nagpasya itong i-release ang laman na mga likido sa tailings pool para may malagyan ang mga tailings mula sa kasalukuyang operasyon. Tutal naman daw ay lampas limang taon nang nakaimbak ang mga tailings sa lalagyan na 'yun at hindi na ito magiging delikado para sa kaninuman.

Umagos ang mga lasong kemikal sa malaking ilog, maraming mga kalabaw ang namatay, mga mamamayan na nagkaroon ng malubhang sakit sa balat lalo pa iyong ang mga kabuhayan ay nakaasa sa pagmimina sa ilog. Ang mga isda ay namatay, bagay na labis na ikinalungkot ng ilang mga mangingisdang nakaasa ang kabuhayan sa panghuhuli ng mga karpa at tilapia sa malaking ilog na iyon. Maging ang mga mangingisda sa karagatan ay naapektuhan dahil ang epekto ng lason ay umabot sa karagatan. Ang pangyayari ay parang hangin na pumaypay sa g alit ng mga mamamayan na nakatira sa mga barangay na naninirahan sa tabing ilog hanggang sa baybay dagat.

Naging madali para kina Kagawad Jessie at sa grupo nito ang mag-organisa at kumalap ng suporta para sa kanilang layunin na patigilin at palayasin ang kompanya. Tyempong tyempo ito para sa Lakbayan. Isa itong aktibidad kung saan organisadong maglalakad ang mga kinatawan ng mga organisasyon mula sa kani-kanilang lugar hanggang sa makarating sa Maynila kung saan may International Summit para sa Pangangalaga sa Kalikasan. Pulong ito ng mga pinuno ng mga bansa para magbalangkas ng mga kasunduan para sa pangangalaga sa kalikasan. Sinabayan ito ng parallel na aktibidad ng mga organisasyon ng mamamayan para maipakita naman sa kabilang banda ang kanilang mga kalagayan at mga hinaing. Kabilang nga sina Jema at Kring sa mga napili ng kanya kanyang organisayong kinabibilangan para maging kinatawan sa Lakbayan.

Sobrang nakakapagod sa Lakbayan. Di alintana ang ulan, ang init ng araw, ang uhaw ang walang tigil na kalalakad maghapon, ng magkaibigang kapwa mataas ang enerhiya at buo ang determinasyon na gamitin ang pagkakataong iyon para ipaalam sa mas nakakarami ang nangyayari sa kanilang lugar at kasabay ay makakuha ng mas malakas na suporta para sa kanilang ipinaglalaban. Para kay Jema, ito ay pagkakataon din para mapansin sya ng mga kumuha kay Deanns. Ito na lang kasi ang naiisip nyang paraan para mahanap nya ito. Kung mapansin sya ng mga ito at swertehing mabuhay pa ay gagawa sya ng paraan para mabawi ito. Sulit naman ang pagod sa bawat mainit na pagtanggap ng mga mamamayang naghihintay sa mga bayang dinadaanan nila. Kalimitan ay may mga inihanda itong programa ng pakikipagkaisa, may matutulugan at makakain din. May mga civic organizations din na may nakahandang mga pabaon na tubig at pagkain na ibinibigay sa kanila bago sila tumulak papunta sa sunod na destinasyon.

Halos abutin ng 3 linggo bago sila nakarating sa Maynila. Tamang tama para sa Summit. Idineretso ang mga lider sa isang safehouse ng OGB para makapaghanda ang mga ito sa mga susunod pang aktibidad. Isang malaking lumang gusali ang hitsura ng safehouse sa labas, pero magandang bahay ito sa loob. Pagdating na pagdating nila ay sinalaubong sila ng mga babae at lalaki na pawing nakamaskara, natatakpan ang itaas na bahagi ng mukha ng mga ito. Parang mask of Zorro ang suot nila, karamihan sa mga sundalo ng OGB ay tila mga dayuhan. Tipid ang pananalita ng mga ito.

Maya maya pa ay may dumating na isang grupo. Naka-maskara din ang mga ito, ang isa dito ay tila ang pinuno dahil, nagsasaludo sa kanya ang bawat isa sa mga nadadaanan nila. Tuloy tuloy lang ang lakad nito, matikas ang tindig, katamtaman ang taas, malapad ang dibdib, katamtaman lang ang mga muscles sa braso at paa nito. Mabilis ang lakad nito, tila nagmamadali - madami sigurong schedule. Nagmamasid lang sina Jema at Kring .

"Bes, yan na ata ang Emir, mahabaging langit, nakikita mo ba Bes, ang macho, ang gwapo!"

"Alin ang gwapo dyan, hindi nga nakikita ang mukha. "

"Pero naman Bes, sa tindig pa lang mukhang ang yummy, ang ilong ang tangos at ang lips nya Besss, ang pula, mukhang sobrang kissable."

"Magtigil ka nga Kring nakakahiya, baka amy makarinig sayo. Mukhang mayabang ah."

"Dana!, Are these ladies ready for the event? Have you checked if they're ready for combat if the need arises?" malakas ang boses at puno ng awtoridad. Ito na nga ang Emir.

Tumakbo palapit sa Emir ang tinawag na Dana. Ito yung sumalubong at nagpakilalang mag-aasikaso sa kanila.

Lumapit sa kanila ang dalawa, nakatitig kay Jema ang Emir, sinubukan nyang tingnan din ito sa mata pero sya ang sumuko, yumuko sya, parang nakakatunaw ang titig nito parang inaarok nito ang kanyang pagkatao.

"Who are you? Identify yourself."

"I - I am, J-jessica Margarette Galanza, sir!"

"Drop the sir, I don't like that! Why are you here?"

"T-t-to pro-protect our river, our forests, our livelihood and our people's lives. To save the environment!" shet bakit ba ako nauutal sa harap nitong mayabang na ito napabuntong hininga si Jema.

"Dana? You sure she went through the Speakers' Training?"

"Yes, Great One! According to the report, she aced all trainings for Speakers, Writers and for the Mass Campaign Leaders. She even had the Cultural Workshop."

"Well, you better review the assessment guidelines of the training. You can't let her face the international media with such a pathetic answer!"

Naiinis na si Jema sa harap harapang pagmamaliit sa kanya ng mayabang na ito. Hindi ka na makaka-ulit.

"Let them rest, be sure she's ready by 2 pm at the gym. Let's see how prepared they are for combat."

"Both of them? Great One?"

"No! You check the fighting skills of the other one, that Jessica, bring her to my gym. No lates. I have a lot of more important things to do."

Kinahapunan, pagdating sa gym, pinagmasadan ng Emir si Jema bagay na ikinaasiwa ng dalaga. Parang dumaan sa scanner ang kanyang katawan. Mula baba pataas syang tiningnan ng Emir. Dahil naghanda sya para sa work out ay nakasuot sya ng hapit na parang cycling shorts at dryfit na shirt. Bakat ang magandang hubog ng kanyang katawan. Ang Emir naman ay naka gym shorts at may suot na armour. Naka-maskara pa rin ito.

"You can leave us now, make sure that other one is prepared as well, they look like they are inseparable. They better be able to protect one another. "

Agad sinimulan ang sparring. Nagpalitan ng suntok at sipa ang Emir at si Jema. Kapwa maliksi at malakas ang dalawa, walang nagpapatalo. Pero dahil trigerred si Jema ng pagmamaliit sa kanya kanina ng Emir ay inubos nya na ang lahat ng kanyang natutunan sa training hanggang sa mapabagsak nya ang Emir. Dinamba nya ito at kinubabawan sa dibdib. Dinaganan nya ito at madiin na hinawakan ang mga braso para hindi na makabangon pa. Maganda nga ang hugis ng ilong nito at ang pula at tila ng lambot ng mga labi. Napalunok sya.Ano ba yun Bakit may kakaiba sa kanya? Ano ba itong naiisip ko?

"Stupid!, Focus Jessica!!! Focus!! In a split of a second you may get killed. What were you thinking about? Your life is not yours anymore. You get yourself killed, you jeopardize the campaign, you understand?"

Huli na nang mapansin ni Jema na nabaliktad na ng Emir ang kanilang pusisyon, iyon ay dahil sa nawalan sya ng focus dahil sa kakaibang pakiramdam na binuhay sa kanya ng pagiging ganun kalapit sa Emir. Tumulo ang luha, bigo sya na ibangon ang sarili sa pagkakapahiya kanina sa Emir.

Tumayo na ang Emir at iniabot ang kamay para tulungang makatayo ang nakahiga pa rin na si Jema. May kakaibang kuryenteng naramdaman si Jema nang magdaop ang kanilang mga kamay. Hindi tama ito, nandito sya para kay Deanns, hindi tama na nakakaramdam sya ng ganito sa Emir na ito.

Pinunas ng Emir ng kanyang mga daliri ang luha sa mata ni Jema, matapos ay niyakap sya nito ng mahigpit "Go back to your room, take some rest, be ready for dinner. "

MINEWhere stories live. Discover now