28 - LUIGI

3K 131 19
                                    


Maagang naghanda si Jema para sa pagluwas sa bayan. Maging ang kanyang Papa ay maaga din dahil mag-iikot daw ito sa mga karatig baryo para kunin ang suporta ng mga konseho nito sa ginagawa nilang kampanya laban sa pagmimina ng dayuhan. Ang mga baryong ito ay lahat dinadaanan ng malaking ilog na mapipinsala ng minahan. Nasabi din ni Jema ang mga nalaman nya na nilalaman ng laptop ng kanyang asawa.

"Naikwento nya sa akin yun minsan. At nasabi nya din na mahalaga ang mga petisyon para may maipapakita na pirma ng mga mamamayan na sumusuporta sa kampanya, tingnan mo din nga anak kung may tungkol sa paggawa ng petisyon, hindi kasi ako marunong. Si Deanna ang gumawa noong petisyon na nauna nating pinapirmahan "

"Ganun naman pala po Pa eh, bakit pinagdudahan nyo sya?"

"Bugso ng damdamin yun anak, nagulat ako nung sabihing isa syang Wong at hindi na nakapag-isip. Saka malay ko ba na totoo yung mga sinasabi nya sa kwentuhan namin. Hindi na ba magbabago ang pasya mo anak? Kailangan ka sana namin sa kampanya. "

Tumingin lang si Jema sa ama.

"Sige,igagalang ko yang pasya mo. Hahayaan kong maghilom muna yang nararamdaman mo, pero alalahanin mo anak, lahat tayo ay may responsibilidad sa kalikasan, sa ating lipunan . Hala, ingat kayo ng ate mo doon sa bayan. Mauna na akong aalis ha. Baka naghihintay na yung mga kasamahan ko."

Higit isang linggo na sa bayan si Jema pero hindi pa rin nya magawang kontakin si Coach Arvin, para bang may pumipigil sa kanya.

Galit ang kanyang Ate Jovy sa nangyari, sa kanila kasing magkakapatid, ito ang mas magaling magkontrol ng emosyon at nakakapag-isip ng maayos kapag nahaharap sa kakaibang sitwasyon.

"Kahit ano pa ang natuklasan nyo, hindi yun sapat na dahilan para talikuran nyo si Deanna ng ganun na lang. Nandun pa naman kamo kayong lahat. At saka pinaniwalaan nyo agad yung taga kompanya na noon nyo lang nakita kumpara kay Deanna na naging kasalo mo na sa lahat, sa lahat-lahat, Icay ano ka ba??"

"Ate, oo tanggap ko naman na nagkamali ako at pinagsisisihan ko na ang nangyari, dito na muna ako sayo ngayon ha, maghahanap din ako ng trabaho kapag kaya ko na. Paki print na lang lahat ng files na nilipat ko sa USB mo, magagamit nila Papa sa kampanya ang lahat ng yan."

"Wala namang problema dun sa dumito ka muna pero pag-isipan mo din, baka sa kakatambay mo dito ay huli na ang lahat at di mo na maabutang buhay si. . ."

Dinamba ni Jema ang kanyang ate at madiing tinakpan ang bibig nito

"Huwag na huwag mong sasabihin yan Ate, kahit isipin, hwag, hindi ko kaya . .

Hindi ko kaya . . . hindi ko kayaaaa!" napaluhod na ito sa sahig habang humahagulhol.

Niyakap ni Jovy ang nag breakdown na kapatid. Likas na matatag emotionally ang kanyang nakababatang kapatid pero alam nya na hindi na rin nito talaga kakayanin ang dinadala. Bukod sa pangungulila sa mahal nito ay mas malaking pasanin yung konsensya na wala syang ginawa para iligtas ito lalo pa at nanganganib na nasalvage na ito.

"Pag makapagdesisyon ka na kung ano ang gagawin at paano, sabihan mo ako. Kung may maitutulong ako, gagawin ko. Alam mo naman lagi lang ang ateng nakasuporta sayo."

"Salamat Ate, sige na pumasok ka na baka ma late ka pa dahil sa akin .

Boring lalo ang buhay sa bayan, lalo pat buong maghapon ay nasa eskwelahan ang ate nya. Sya lang mag-isa sa bahay na makailang ulit na nyang binaliktad sa pag-aayos. Kesa umiyak lang ng umiyak, lumabas sya para maglibot libot at mamili sa grocery, halos wala na kasing stock ang ate nya.

Sa grocery store, natanaw nya si Luigi na namimili din. Sobrang malapit na kaibigan ni Deanns ang lalaki kaya baka naman may makuha syang inpormasyon dito.

MINEWhere stories live. Discover now