42 - CANCELLED

3.4K 111 18
                                    


Patanghali na nang magising si Jema, nalungkot sya ng wala na syang Deanna na nakapa sa kanyang tabi. Malamang! may asawang tao yung inobliga ko kagabi, Malungkot na pangaral nya sa kanyang sarili. Pero ramdam nya na yung pananabik sa kanya ng kanyang asawa ay gaya pa rin ng dati, maaaring mas higit pa nga. Kasalanan nya naman kaya nawala sa kanya si Deanna at malamang ito rin talaga ang nararapat sa kanya para sa kanyang naging pagkakamali at pagkukulang. Tinatamad pa syang bumangon, ayaw pa nyang maligo, gusto nya pang namnamin sa kanyang balat at mga kalamnan ang mga ginawa sa kanya ni Deanna kagabi, ang mainit na mga haplos at halik nito, ang makailang ulit na paghahatid nito sa kanya sa ligayang matagal nyang pinanabikan. Para syang isang nalalantang bulaklak na kagabi ay muling nadiligan at ngayo'y namumukadkad. Humilata lang muna sya sa kama at muling pinasadahan sa kanyang isipan ang lahat ng nangyari kagabi. Hanggang sa namalayan nyang tumutulo na pala ang kanyang luha, hanggang sa ganito na lang ba sya? Magkakasya sa pagnanakaw ng kaunting oras ng kanyang asawa at magpapakasapat sa mga alaala at imahinasyon?

"Icay, bumangon ka na dyan, masyado ka atang nagpakalasing kagabi at tinatanghali ka na.

Aayusin pa natin yung proposal para dun sa magiging sponsor natin, may mga panukala ang ibang mga barangay at gusto ni Papa ay maidagdag ito dun sa dati nating proposal. Hala bangon na dyan!"

" Ate Jovy, si Deanna ang CEO nung magiging sponsor, Wong Rehab and Development yung bago nilang kompanya at nangako naman sya kagabi dun sa party na all out ang support nila sa project . Pormalidad na lang siguro yang proposal ."

"Mabuti kung ganun, eh , kumusta naman kayo? Napag-usapan nyo ba yung tungkol sainyo?"

"Wala nang dapat pang pag-usapan Ate, may-asawa na syang iba, kasama nya pa nga kagabi, Doktora- syempre wala akong laban dun."

Napakunot ang noo ng nakatatandang babae, ibang iba ito sa napag-usapan nila ng kanyang bayaw (?) kaninang umaga.

"Ang mapapayo ko lang sayo, bago ka mag-isip ng kung anu-ano. Mag-usap muna kayo. Ayan ka na naman e di ba nga kaya nagkaloko -loko ang lahat e dahil hindi kayo nakapag-usap."

"Iba ito Ate, kitang kita ko lahat kagabi kung paano sila magtinginan at magtawanan pati na ang mahigpit na kapit ng babaeng yun sa braso ni Deanns. Saka magkasama kaya silang dumating at umuwi kagabi."

"Eh, kayo ni Engr. Jude, mag-asawa din? Ganun ba yun? Dahil magkasama din kayong dumating at umalis sa okasyon kagabi di ba?"

"Ate naman eh! Iba naman yun kasiiii!" pero napaisip din nga sya.

"Basta Icay, wag ka ngang ganyan, hindi ka na bata! Ayusin mo sarili mo o baka magsisisi ka na naman."

Makabangon na nga lang, asan na ba yung mga panukala nina Papa at nang maidagdag na sa proposal. May appointment ako kay Deanna bukas, para magkapirmahan na at masimulan itong project.

"Sya nga pala Icay, nakalimutan kong banggitin sayo, yung lote sa likod na madalas mong silipin dahil sa Sunflower garden, kinausap ako ng may-ari noong isang araw. i -dodonate na daw sa organisasyon natin yang lote. Tinanggap ko na at pinirmahan yung mga papeles. Kaya atin na yang garden, kumuha na rin ako ng bagong tauhan dito, sya yung magiging hardinero natin. Napangiti si Jema, naalala nya ang walang humpay na pagpapadeliver ni Deanna ng sunflower sa kanya noon bago ito mawala. Galing pa sa bayan ang pinapabili nitong sunflower kaya nung medyo mahirap ang byahe papuntang bayan ay nagpatanim ito ng mga sunflowers sa mismong bakuran ng staffhouse. 😊

Kinaumagahan, maagang ipinadala ni Jema through e mail sa secretarya ni Deanna na si Pauline ang proposal. Nagreply naman ito na bahala na sya mag-print ng kopya para pag nagkasundo ay pirmahan na agad para gumulong na ang proyekto.

After lunch ang meeting nila pero maagang naghanda si Jema, masusi nyang pinili ang isusuot at nakapili sya ng simpleng blouse kulay blue ito na paboritong kulay ng kanyang asawa, medyo mababa ang neckline ng damit kaya may pasilip sa kanyang cleavage, tight fitting black skirt na may mataas na slit ang ipinanterno nya dito kaya bakat na bakat ang kurba ng kanyang katawan. Tingnan ko lang kung di ka matakam Wong at magsisi sa pinalitan mo.

Tanghali, dumating si Dr. Vanie Gandler sa opisina ni Deanna  at diretsong pinuntahan si Pauline, ang sekretarya ni Deanna.

"Where's Deanna?"

"She went to check on the newly delivered apparatuses for the mobile hospitals." – ang suplada naman nito ni walang good morning, Buti pa si Boss D, sweet sa employees.

"Will she be back this afternoon? After lunch?"

"Well, she should be. She has a meeting with Pag-Asa -the NGO for the rehab of the mining area."

"Cancel that meeting!"

"Ma'am, that meeting is important to Boss D!"

"Pauline, you're being paid here to follow orders, just do what I just said." Galit na sagot ng doktora.


Short UD lang muna tayo fam, naubos na ata ang brain cells ko dun sa last chapter. Salamat sa inyong reads, votes and comments. Huwag na nating patulan yung picture ni Queen J at Johnvic alam naman natin na secured na secured si Boss D sa pwesto nya at saka hindi insekyura ang Royal Flash no! Ang ating Mare naman ay matalinong tao, magugusto ba naman yan dyan sa bastos na ugok na naniniwala na ang mga fans ay mahilig lang manood ng women's volleyball dahil sa nakasuot ng maiiksing shorts at dahil sa kaseksihan ng mga players – ang manyak di ba?. At saka we have to understand virtual playground is a Talent Management business enterprise, eh pano ngaba mabilis na sisikat itong ugok na si JV kung hindi iaangkas sa kasikatan ng isang Jema Galanza at ng JeDean. Lalagyan lang ng anggulong 3rd Party at hindi ipapasuot sa photoshoot ang necklace , Presto! pag-uusapan na si Johnvic.

Hep hep, huwag nyo munang kamuhian si Vanie dito. Kalma lang. As usual, matatagalan po ang next UD. May work na kasi  ulit . Tiwala naman akong kasama naming kayo hanggang sa huli.   

MINEWhere stories live. Discover now