15 - LAKWATSA

4.4K 107 7
                                    

Nagbihis na nga kami para sa aming maghapong pamamasyal. Di man nag -usap ay nagkataong pareho ang aming suot na damit. Blue na tops, white denim shorts at black na sneakers. Matchy matchy 😊 . Ganun daw talaga pag soul mates, halos pareho na mag-isip. Gumala nga kami sa mall, pumili daw ako ng kahit anong magustuhan ko, bibilhin nya sakin, yaman talaga ng batang 'to. Pero nahiya naman akong magpabili kasi nilibre na nga ako sa pa check up di ba, di ko naman pwedeng abusuhin to. Kahit kami na. (Ooops, kami na nga ba?) Aba naman, buong buong ibinigay ko na sa kanya ang aking sarili, dapat lang na kami na talaga!. Natural na malambing at maalaga pala talaga sya. Mula sa pag-alalay tuwing pababa o paakyat kami sa hagdan, pagbubukas, pagsara ng pinto ng kotse nya. Tuwing naglalakad kami, kung hindi naka-akbay ay hawak nya ang aking kamay kahit pa madaming tao. Minsan nga ay ako pa ang bumibitaw sa kamay nya, natatakot kasi ako na may makakita at makapagsumbong sa DECS, baka may lumabas na mga spekulasyon at panghuhusga, at dahil mas conservative ang pananaw ng mga tao dito, malamang matanggalan ako ng lisensya. Naipaliwanag ko naman agad ito sa kanya, at dahil malawak ang pag-unawa nya ay di na namin ito naging problema. Tutal eh, sobra pa sa sweet kami pag kami na lang na dalawa. Matapos sa mall ay naglaro lang kami sa Arcade, magaling pala ito sa shooting – ni hindi man lang nangalahati ang score ko sa score nya. Nang mapagod ay nagpahinga kami ng kaunti at kumain. Sobrang kinilig talaga ako ng tanggalin nya ang kaunting kumalat na pagkain sa gilid ng bibig ko gamit ag kanyang hinlalaki. Nakatitig lang sya sa akin habang ginagawa ito. Parang lalabas na sa dibdib ko ang aking puso. Ibang iba talaga mag alaga ang Baby ko. Natapos ang araw na pinanood namin ang paglubog ng araw. Nasa isang resort kami kung saan may pool na nakadungaw sa dagat. Habang nakalubog ang aming mga paa sa tubig sa pool ay magkatabi lang kaming nakaupo sa gilid ng pool. Nakaakbay sa akin ang kanyang kaliwang braso, habang ako ay nakasandal sa kanya, nakapulupot ang mga braso sakanyang baywang.

"Sunsets are proof that no matter what happens, everyday can end beautifully. I'd trade everything I have just to end everyday of my life like this, watching sunset with you by my side."

"Wag mo na kong bolahin Deanns, tayo naman na di ba?" Pagsisiguro ko.

"Hindi pa ba?, Kasi ang alam ko mag-asawa na tayo!" sabay kindat na may kasamang killer smile.

"Kasiii naman eh, seryoso kasi!"

"I'm dead serious Baby!"

"Let's have dinner here before we go home."

 Habang naghihintay sa order naming pagkain ay inililibot ko ang aking mga mata sa napakagandang ayos ng resto. Simple na napaka elegante. Nalibang ako sa kamamasid kaya nagulat ako ng may mag-abot sa akin ng isang bouquet ng bulaklak – syempre may sunflower "my Baby Jesi, it's almost impossible to watch a sunset without dreaming about you! Your love" napangiti ako, at binalingan ng tingin ang kanyang upuan, wala?!" San nagpunta yun? Di man lang nagpaalam . . .

"For you Jesi - my Love."

Di ko namalayan, tumutulo na pala ang mga luha sa aking mga mata. Ito na ang seryosong sagot sa tanong ko sa kanya kanina.

"Tumayo po muna si Jesi yung napakaswerteng lab ni Ms Deanna!"

Ayaw ko syang mapahiya kaya tumayo ako at ngumiti sa lahat. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa resto.

"Napakaganda naman pala talaga ni Ms Jesi!, wala po ba tayong sagot dyan Ms Jesi?"

Nahihiya man ay dahan dahan akong naglakad papunta sa stage. Hindi naghihiwalay ang aming mga mata ni Deanns, all smiles sya at mukhang proud na proud.

"Especially for you Baby."

MINEWhere stories live. Discover now