29 - PASYA

2.9K 108 9
                                    

Mas lalong balisa si Jema nang umuwi sa tinutuluyang bahay. Lalong pinabigat ng mga nalaman nya mula kayLuigi ang dinadala niya sa kanyang dibdib. 

TATTOED IN MY MIND

D'Sound

Maybe you soon forget about all
or maybe you'll miss it like I done thing's for sure:
I'm all knocked out
spend too much time thinking of you
And I can't get you out of my dreams

Now I know you're the dangerous kind
and your smile is tattooed on my mind
Cause I can't get you out of my dreams

Don't wanna write, I don't wanna call,
- I would not know what to say
It should be you, that's how I want it to be
Tell me you fell the same way And I can't get you out of my dreams
Now I know you're a dangerous kind
and your smile is tattooed on my mind
I can't get you out of my dreams

Oh, yesterday I was feeling safe
All I do today is trying to be brave
And no melody can seem to soothe my mind
And now I curse you for being so sweet and so kind

And I can't get you out of my dreams
Now I know that you're a dangerous kind
and your face is tattooed on my mind
And I can't get you out of my dreams

Yes I know you're tatooed on my mind you're tatooed...


Nadatnan sya ng ate nya na lango na sa alak, naghahalo ang pawis at luha.

'Tigil na yan, Icay!" Ikaw ang magkakasakit dyan sa ginagawa mo. Paano ka lalaban para mabawi mo si Deanna kung ganyan ang hitsura mo?"

"Baka nga tama sya, hindi ako ang nararapat na mahalin ni Deanns.

Simula sa umpisa, laging sya ang nasasaktan, nagsasakripisyo, ako, ano na ba ang nagawa ko para sa kanya?

Yung kaisa-isang pagkakataon na pwede sanang ako naman ang may gawin para sa kanya ay sinayang ko, kaya tuloy wala sya ngayon. WALA NA SYA ATE, WALA NA SYAAAA!!!

Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal ng asawa ko Ate, HINDI AKO KA-RA-PAT-DA-PAT!!!"

Pinunasan ni Jovy ng maligamgam na tubig ang mukha ni Jema para mahimasmasan ito. Matulog ka muna at bukas mag-uusap tayo.

KInabukasan, dahil Sabado ay nasa bahay lang si Ate Jovy. Paggising ni Jema ay may nakahanda nang kape at gamot para sa hang-over nya. Habang nag-aalmusal sila.

"Icay, alam kong magulo ang isip mo, pero gusto ko lang ipaalala sayo na sa relasyon, walang nagdadala ng panukat."

"Anong ibig mong sabihin Ate?"

"Na hindi dapat nagbibilang ng sakripisyo o nagawa para sa ikagaganda ng inyong pagsasama. Lumaki tayo na ganyan, Icay -gagawin natin ang lahat para sa mga mahal natin sa buhay, ng walang inaasahang kapalit. Kaya ang masasabi ko lang ipaglaban mo si Deanna, huwag mong sukuan dahil sa iyon ang gustong mangyari ng Luigi na yun! "

"Ate, mamayang hapon, uuwi na ako sa atin, ayos na po ba yung mga dapat maprint na mga dokumento?"

"Oo, nakahanda na lahat, binalot ko na rin ng maayos kagabi. Handa ka na ba dyan sa desisyon mo?"

"Oo Ate dun ko sya hahanapin sa kung saan sya nawala, sa kung saan naroon ang laban. Sigurado akong kung naandito sya, gugustohin nyang naandun kami sa kung nasaan ang laban!"

Alas 2 ng hapon ang pangalawa at huling byahe paahon sa bundok na minahan, pauwi kina Jema. Siksikan ang mga pasahero ng jeep. Maayos na nakalagay sa kahon ang mga papeles at ang laptop na tinakpan ng ilang pirasong damit at kumot. Maliban sa kahon ay may isang kahon din ng mga pinamili nila sa grocery ng Ate nya. Panatag syang karamihan sa kasabay sa byahe ay mga kakilala at ilang kaibigan nyang katribu. Usap- usapan sa byahe na habang wala pala sya ay nag- ahon na ng mga malalaking makinarya ang kompanya na tila pahiwatig na nag-uumpisa na ito sa operasyon nito. Dinagdagan pa nga daw ang nakatalagang mga sundalo sa detachment. 

Habang nasa byahe ay tahimik at nakapikit lang si Jema habang matamang nakikinig sa awitin mula sa kanyang cellphone . Naka-earphone sya kaya hindi nya napapansin ang mga ingay at nangyayari sa paligid


MAKITA KANG MULI . . .

Sugarfree

Bawat sandali ng aking buhay
Pagmamahal mo ang aking taglay

San man mapadpad ng hanging
Hindi magbabago aking pagtingin
Pangako natin sa maykapal

Na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay.

Ipaglalaban ko ang ating pagibig
Maghintay ka lamang ako'y darating

"Mahal, hintayin mo lang ako, hahanapin kita."

Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong puso
Lahat ay gagawin

Makita kang muli
Makita kang muli.
Puso'y nagdurusa, nangungulila

Iniisip ka pag nagiisa
Inaalala mga sandali

Nang tayo ay magkapiling
Ikaw ang gabay sa akin tuwina
Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw

Tanging ikaw.
Ipaglalaban ko ang ating pagibig
Maghintay ka lamang ako'y darating
Pagkat sa isang taong mahal mo
Ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli, makita kang muli
Makita kang muli.

"Hindi ako titigil Deanns, pangako!Hangga't di kita naiuuwi sa atin."

"Kanino ang kahong ito?"

Nagulat at natigilan sa kanyang pagmumuni-muni si Jema sa malakas at galit na pagtatanong ng isang sundalo. Nakatigil pala ang kanilang sasakyan sa checkpoint bago umahon sa minahan.

Ganito na pala sila kahigpit ngayon. Naalala nya yung laptop at mga papeles kaya bigla syang kinabahan, iniisa-isa ng mga sundalo ang mga karga ng jeep.

"Kanino sinabi itong kahon na ito?" bulyaw ng sundalo.

"Sir, sa akin po." Naunahan si Jema ng sagot ni Ate Vilma , isa sa mga katribu na kasakay nila.

"Anong laman?"

"Mga damit, kumot at kulambo. Pamigay sa munisipyo."

Tinusok tusok ng sundalo ng dulo ng baril ang kahon matapos ay bumaba na sa jeep at sumenyas sa mga kasamahan na palampasin na ang jeep.

Nginitian ni Jema si Ate Vilma, hindi nya alam kung ano ang pwedeng nangyari kung natuklasan ng mga sundalo kung ano ang laman ng kahon. Mabuti na lang makulit si Ate Jovy nya kanina habang inilalagay nila sa kahon ang mga dala nya.

Pagkauwi ni Jema ay isinabak agad sya ng ama sa Mass Campaign Training na sponsored ng Order of the Green Beret. Sa pagsasanay na iyon nya nakilala si Kring na naging matalik nyang kaibigan. Galing si Kring sa komunidad ng mga mangingisda na pinipinsala naman ang kabuhayan ng pagkasira ng dalampasigan at karagatan dahil sa black sand mining. Mabait at masayahing tao si Kring kaya mabilis itong nakapalagayang loob ni Jema. Sumama din silang dalawa sa Self Defense Training dahil delikado nga naman ang buhay nila bilang mga sinasanay na lider sa kampanya at dapat kaya nilang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

"Bes, pag natuloy yung inihahandang Lakbayan papuntang Maynila, sama tayo ha!Gusto kong makita sa personal yung Emir- ang gwapo daw nun"

"Tange!, sasama ako sa Lakbayan dahil kailangan sa kampanya, ano bang pakialam natin dyan sa Emir na yan? Sino ba yan?"

"Wow!, Tingnan ko lang kung di ka maglaway kapag kaharap na natin yun. Yun lang naman yung Pinuno ng OGB, sobrang gwapo, sobrang talino at sobrang galing daw nun sa labanan, hand-combat man o barilan. Galing ata yun sa Brazil, Sudan, ewan ko nakalimutan ko na."

"Kring, may asawa akong tao, ano ka ba. Tigilan moko. Sasama tayo sa Lakbayan para sa ating ipinaglalaban hindi para makipagharutan.

"Ito naman, pagbigyan mo na ako Bes, lahat na lang ba para sa bayan, aba'y paminsan minsan naman para sa sarili muna. 😊

"Ewan ko sayo! Basta ako lumalaban para sa bayan at para kay Mahal."

MINEWhere stories live. Discover now