35-ABDUCTED

3.1K 115 12
                                    


Maagang ibyinahe sina Jema papunta sa venue ng Peoples Forum, nasa hiwa-hiwalay na sasakyan sila para iligaw kung meron mang magtatangkang isabotahe ang kanilang aktibidad at para mapangalagaan ang kanilang seguridad. Halos 3 oras din ang byahe nila papunta sa Diliman. Sa amphitheater kasi sa UP Science Complex idadaos ang aktibidad. Open area ang venue kaya mas mahirap pangalagaan ang seguridad kaya mula umaga pa lang ay paikut-ikot na ang mga pwersa ng OGB sa lugar para tingnan kung may palatandaan ng peligro para sa kanilang mga lider masa.

Ang Emir ay nasa control room sa headquarters, tumatanggap ng mga ulat mula sa lahat ng pwersa ng OGB na nakakalat hindi lang sa buong bansa kundi maging sa iba't ibang bahagi ng mundo. Matamang tinitingnan nya ang mga feeds mula sa CCTV cameras na inilagay nila sa paligid ng venue kung saan mamamayang hapon ay magsasalita si Jema. Maya maya ay nakatanggap ito ng isang mensahe na labis na ikinakunot ng noo nito. Matapos ay may tinawagan ito.

" Send me the full details, I want all the details that you can get. Continue tailing them. I need a minute by minute update about their location. Use everything within our means to get all information about them and their movement. And make sure the assault team is ready anytime."

Matapos magbigay ng mga instruksyon ay mabilis itong tumakbo at sumakay sa isang motorsiklo. Nilabag nito ang protocol para sa kanyang seguridad. Mag-isa nitong mabilis na pinatakbo ang motorsiklo patungo sa kung saan.

Gamit ang communication system na nakakabit sa motorsiklo-

" The forum will start in 2 hours, stop by the nearest safehouse we have near UP, I'll be there. Secure the place!" Bakas ang labis napag-aalala sa mukha ng Emir.

Bagama't balisa ay hindi na nagtanong si Jema kung bakit sila huminto sa isang townhouse. Narinig nya kasi ang boses ng Emir na nagbibigay kanina ng instructions sa mga nakaalalay sa kanya papunta sa venue. Mas mabuti nang personal nya itong makausap tungkol sa text na natanggap nya mula kay Mafe kanina habang nasa byahe pa sila.

Nang dumating ang Emir ay agad nitong pinuntahan si Jema na pinapagpahinga sa isang kwarto sa Townhouse na iyon.

"Jessica, there's something that you need to know . . .

"May sasabihin ako sayo . . .

Magkapanabayan nilang nasabi .

"Ok, you first!"

"I received a text message from my sister, early this morning,  men in black shirt, abducted my father in our house. They took him. Please save my father!" umiiyak at nanginginig si Jema habang nagkukwento sa Emir

"I also received the report, OGB forces in the area are already investigating and are trying to locate the Councilor and his  abductors.

Lumapit ang Emir kay Jema at niyakap ito ng mahigpit. Lalong napahagulhol si Jema, naalala nya ulit si Deanns at kung paano ito nawala. Hinawakan ng Emir ang magkabilang pisngi ni Jema kung saan naglalandas ang mga luha nito. Nakamaskara pa rin ito, pero kita ni Jema ang labis na pag-aalala sa mg a mata nito.

"Stop crying, I will do everything to find and save him."

Pumikit ang Emir at hinalikan ang magkabilang lumuluhang mga mata ni Jema, matapos ay siniil ito ng malalim na halik sa labi. Nakaramdam ng kapanatagan sa halik ng Emir si Jema, tumugon sya sa halik nito at habang mahigpit na nakayakap dito ay tila humugot sya ng tapang at lakas.

" I will understand if you decide to back out of the speaking engagement. We will understand. Just tell me, I'll make the necessary arrangements. I will send you home anytime you wish to ."

MINEWhere stories live. Discover now