39- WELCOME PARTY

3.3K 118 19
                                    

Ang tagal naman mag-umpisa nitong programa na 'to. andami pa sanang mas mahahalagang gawain na pinagkakaabalahan ko ngayon. Kung hindi lang talaga, importante na makakuha kami ng suporta at tulong ng mga maiimpluwensya at mayayamang tao na naririto, ayaw ko talagang dumalo dito. Dagdag pa itong mayabang at preskong Engineer na kasama ko. Nakuuu!

Halos 8 buwan na rin mula nang mabawi namin ang aming lugar sa dayuhang kompanya pero, sadyang mahirap ang rehabilitation. Mahabang panahon ang kailangang palipasin para ganap na magsauli ang sigla at buhay ng aming malaking ilog na nilason at halos patayin na dahil sa pagbuhos ng mine tailings. Gayundin ang kailangan para lumaki ang mga bagong tanim na puno at lumalim ang mga ugat nito para mapigilan ang pagguho ng malaking bahagi ng bundok na malalim na kinalkal ng naunang kompanyang malayang nakapaghakot ng mga yamang mineral. Nakapag tree planting kasi kami ng makailang beses sa tulong ng organisasyon ng mga estudyante. Kailangan ding isabay ang pagpapa-unlad sa agrikultura gamit ang mga makabagong teknolohiya para mapagaan ang kabuhayan ng aming mga kababaryo para di na sila bumaling sa maliitang pagmimina na nakakadagdag din ng maliliit na pinsala sa kalikasan. Kasabay nang lahat ng ito, kailangan ang patuloy na pagpapaunawa sa lahat sa kahalagahan ng pagmamahal sa kalikasan. Bagama't wala na ang dayuhang kompanya, kailangang handa ang lahat kailanman may dumating na panibagong banta. Sa lahat ng ito, kasama sa lahat ng programa at plano ang kalagayan at pagpapaunlad sa pamumuhay ng aming mga kapatid na katribo. Mabuti na lang may comprehensive na blue print ng rehabilitation plan na naihanda si Deanns, kasama ito sa mga files na nabulatlat ko noon sa laptop nya. Halos ito din ang planong sinusunod namin ngayon.

Nagtayo kami ng isang NGO na rehistrado para legal na makapag-coordinate ng lahat ng gawain sa rehabilitation ng aming lugar. Ako ngayon ang tumatayong director nito kaya sa mga pakikipag-usap sa kung sinu-sino na kinakatulong namin, mapa-opisyal man ng gobyerno o mula sa private sector ay ako ang humaharap. Ayoko sana talaga sa ganitong gawain lalo pa't hindi ako komportableng makihalu-bilo sa ganitong klaseng mga tao. Kung hindi nga lang talaga kinakailangan. Saka ako naman ang kwalipikado.

Salamat na lang talaga kay Mahal, hanggang sa dulo ay kasama pa rin namin ang kanyang mga ideya at mga plano. Asan na kaya sya? Mahal nya pa kaya ako? Naaalala nya pa kaya ako? Masaya na siguro sya kasama yung Rachelle na yun? Ang daya naman kasi , hindi man lang ako nabigyan ng chance na makahingi ng tawad at makabawi. Ipinikit nya na lang ang kanyang mga mata bago pa may pumatak na luha. Ganun naman lagi, sa loob ng mga nakaraang buwan kahit gaano nya gawing abala ang sarili, kahit puyatin at pagurin nya ang kanyang katawan, lagi't lagi hahantong ang kanyang isipan sa kanyang pinakamamahal - si Deanns. Kahit pa nasa harap sya ng mga batang katribung tinuturuan nya o kaharap man ng Kapulungan sa Kapitolyo para ihapag ang kanilang proposal para sa rehabilitation ng lugar nila, laging hahantong ang kanyang pag-iisip sa malungkot na kinahinatnan ng relasyon nila ng asawa nya.

Out here on my Own

(Irene Cara)

Sometimes I wonder where I've been,
Who I am,
Do I fit in.
Make believein' is hard alone,
Out here on my own.

We're always provin' who we are,
Always reachin'
For that risin' star
To guide me far
And shine me home,
Out here on my own.

When I'm down and feelin' blue,
I close my eyes so I can be with you.
Oh, baby be strong for me;
Baby belong to me.
Help me through.
Help me need you.

Until the morning sun appears
Making light
Of all my fears,
I dry the tears
I've never shown,
Out here on my own.

But when I'm down and feelin' blue,
I close my eyes so I can be with you.
Oh, baby be strong for me;
Baby, belong to me.
Help me through.
Help me need you.

MINEWhere stories live. Discover now