11 - HALIK

4.8K 118 12
                                    


Para natutunaw ang puso ko habang ninanamnam ang mensahe ng inaawit ni Deanns, Hindi rin ako bumibitaw sa pagkakatitig sa mga mata nya na nangungusap.

"Ehem, ehem!" sabay na sabi nina Mafe at Ate Jovy habang umuupo ako sa pagitan ni Papa at ni Deanns

" Deanna, anak, nililigawan mo na ba nyan si Icay?"

"Yes po??"

"Pa namaaan!"

"Ano daw sabi ni Papa? Bulong ni Deanns sa akin.

"Wala namang kaso sa amin yan, tanggap namin ang sexual preference ng mga anak namin. Ayaw ko lang yung mag-aalaga kami ng ahas dito. Siguraduhin mo lang na hindi mo kami ibebenta sa kompanya ha! Ako talaga ang makakalaban mo. Mabait akong tao iha, pero masama akong kaaway!" litanya ni Papa.

"Jessie!,tama na nga yan, tinatakot mo ang bata eh!. Hayaan mo na yan Deanna, galing kasi yan sa session ng Council kaya mainit ang ulo nyan. Naniniwala naman akong mabuti kang tao at wala kang balak na masama sa amin lalo na sa anak namin." Pag-aalo ni Mama, napakaswerte ko naman talaga sa pamilya ko. Napaka supportive.

Doon na din nga sya natulog sa kwarto ko ng gabing yun . Pero nilagyan muna ni Mama ng virgin coconut oil na may medicinal herbs yung balikat nya para daw humupa na ang maga. Natulog kaming nakaunan sya sa kanang braso ko, habang yakap ko ulit sya ng aking kaliwang braso. Nahiya akong ungkatin pa kung ano ang sagot sa tanong sa kanya ni Papa kanina. Pero gusto ko na tong pakiramdam na yakap ko sya habang mahimbing na natutulog, yung babantayan ko lang sya , tititigan, hahalik-halikan 😊naisip ko na naman ang paghalik nya sa akin kanina, iba dun sa nauna, mas maingat, mas dahan-dahan, pero mas masarap. Masyado na akong natangay kanina, di ko namalayan, hinahalikan ko na rin pala sya, ginagaya ko lang kung paano nya ako halikan at mukha namang tama ang ginawa ko, kasi mas naging malalim pa ang paghalik nya sa akin, yung parang inangkin nya na ang buo kong pagkatao at wala naman akong ginawa para pigilan sya. Kasi gusto ko rin naman. At saka mahal ko na talaga tong batang to eh. Ako na kaya ang manligaw, parang nag-alinlangan pa sya eh?!

Nagulat na lang ako nang bigla nya akong hinalikan sa leeg.

"Ay, kabayo! Ano ka ba? Ginugulat mo naman ako eh!"

"coz you're staring at me, again! Nagagandahan ka no? Love mo na 'ko?"

"hmmm, pag-iisipan ko, matulog muna tayo."

"Kiss muna!" hinalikan ko naman sya sa noo.

" Yung totoong kiss, kasi! Hindi ganyan!" naka labi pa ito para talagang bata.

" Eh ano pala yun, hangin??!" natatawa na ko sa arte nitong bata na to.

"Kiss me Jesi, like how you kissed me earlier!" nakapikit pa ito habang nakanguso.

"Eh, hindi ako marunong, baka di mo magustuhan. . . "

"Just do whatever feels right!"

I have to be super patient with her, this is all new to her, I'll just let her do it her way, her pace. Having her in my arms is already heaven. What more can I ask for?

Hinalikan ko nga sya gaya ng kung paano ko talaga sya gustong halikan, malalim, punong puno ng pagmamahal, yung kahit di ko pa masabi tiyak akong mararamdaman nya, alam ko yun sa bawat mahigpit ng pagpisil ng kanyang mga kamay sa aking balikat at baywang.

"OK na boss?? Tulog na tayo?"

I pulled her back and kissed her, this time torridly, I want her to feel how I badly need her . . . and want her . . . and love her. She responded, as deep, as passionate then held both of my cheeks.

"Tulog na tayo, nakakadami ka na ah! Saka di mo pwedeng galawin nang galawin yang balikat mo. Sige ka, lalala pa yan lalo. Maaga pa tayo bukas. Tulog na Baby D."

She pulled me even closer and I dozed to dreamland listening to her sweet voice singing softly . . .


MINEWhere stories live. Discover now