40- DOPED

3.1K 109 11
                                    

Mapayapang inihilig muli ni Jema ang kanyang ulo sa dibdib ng asawa at sumabay lang sa madahang indayog ng kanilang sayaw. Maya maya pa ay parang hindi mapakali at naging malikot ang kanyang kasayaw kaya inangat nya ang kanyang ulo at naabutan nya pa ang pagbukas ng mga labi nito .

"Wait." Kaya nilingon nya ang direksyon kung saan nakaharap ang kasayaw. Oo nga pala nakalimutan nya siguro dahil na rin sa nakainom sya , may kasama nga pala ito.

"Sige na Deanns, tinatawag ka na ng partner mo, baka naiinip na yun si Doktora. "

"Are you sure?Ako na maghahatid sayo."

habang inaalalayan pabalik sa upuan nila ni Jude si Jema.

"No! Ms Wong I came here with Ms Galanza, ako ang date nya kaya ako ang maghahatid sa kanya!" sabat ni Engineer Jude.

"What the. . .!" inis na balik ni Deanna nang pigilan ito sa braso ni Jema.

"Deanns, its okay, tama naman sya, sya talaga ang kasama ko dito sa kanya na lang ako sasama at magpapahatid, saka naghihintay na yung partner mo oh. " tumahimik na lang si Deanns.

" I got iced coffee for you, inumin mo muna para mawala na ang tama mo, nakangising sabi ng Engineer!"

"Okay na ako Jude, I'm sober na, pakihatid na lang ako pls. gusto ko na talagang magpahinga. Ang sakit na kasi ng kalooban nya na hindi sya ang kasama sa pag-uwi ng asawa nya kundi ang mestisang doctor na nakalapit na pala sa kanila.

"Sige na Jem, inumin mo na 'to, pinabili ko pa to dun sa kabila kung saan may coffee shop."

"Sige na nga." Matapos ang ilang lagok, "Hindi ko na uubusin ah, baka kasi hindi naman ako makatulog nyan. " sabay smile kay Jude

Salubong na ang mga kilay ni Deanna "Naknampu@#*!!! Bakit ba sa harap ko pa naglalandian ang dalawang 'to over coffee.

"Did I hear you right Engineer, that's iced coffee, oh I love coffee, may I have some since Ms Galanza refuses to drink it all?"

"No! ahmm, I can get you one. That's for Ms Galanza."

"There's this funny taste in my mouth, must have been the fish, sorry I really needed this coffee!" at biglang ininom na ang tirang kape ni Jema. Tinungga nito lahat ang laman ng inuming inihanda ni Jude para kay Jema.

Sabay sabay na silang apat na nagpaalam sa Gobernadora at pagkatapos ay magkahiwalay na nagtungo sa kanya-kanyang sasakyan.

Sa sasakyan, magkatabing nakaupo sa likod ang dalawa dahil may driver naman sila. Hindi mapakali si Vanie, habang nakapikit si Deanns, naiinis pa rin sya dahil pinili ng asawa nya na magpahatid sa lokong Engineer na yun.

"Vanie, will you stop fidgeting, whats the matter with you."

"Deanns, maybe, we should help that lady."

"Whaaat?!!! Which lady?"

"That one who left with the Engineer."

"And why? What's wrong?"

"I saw the engineer poured something on that coffee, that's why I volunteered to drink some earlier coz, I wanted to prove that there's something wrong with that drink. Deanns, that coffee is doped, we must do something! and let's hurry!"

"Why did you not tell me earlier before they left?"

Mabilis na nagpipi-pindot sa phone niya si Deanna. Mabuti na lang advance sya mag-isip kaya kaninang busy pa ang lahat sa party ay lihim nyang pinalagyan ng tracking device ang sasakyan ng lokong engineer dahil masama talaga ang kutob nya dito.

"I was not sure about what I saw, that was just a hunch but now . . . "

"So, what's the effect? What are you feeling now? Tell me Vanie!!! Tell me!!!"

"Deanns, it's a sex drug, one that makes one feel . . . ahm . . . horny!!!"

"Damn that Hudas! I'll kill him!"

"Kuya follow the directions on my phone, and drive fast kailangang maabutan natin yan sasakyan na yan."

Sa sasakyan ni Jude, alumpihit si Jema, hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya, sobrang nag-iinit ang katawan nya. Hindi naaalis sa isip nya ang kanyang asawa na kanina lang ay mahigpit nyang kayakap. Parang naaamoy nya pa ito. Bwisit kasi itong Jude na ito, kung bakit sumabat sabat pa kanina edi sana ay kasama nya si Deanna. Wala na muna syang pakialam kung may Vanie man ito, ang mahalaga ay naaapektuhan pa rin sa kanya si Deanna, ramdam nya yun sa lakas at bilis ng tibok ng puso nito kanina habang nakadikit ang kanyang ulo sa dibdib nito at sa init ng mga kamay na humahaplos sa kanya kanina.

"Ahm, Jude palayo ata itong dinadaanan natin sa office namin. Ihatid mo na ako please, antok na kasi talaga ako. Ipinarada ng lalaki ang sasakyan sa tabi ng daan katapat ng isang gate.

Napapitlag sya ng bigla syang hawakan ng engineer sa kanyang kaliwang hita. Nagbabaga ang mga kamay nito.

"Dito na muna tayo magpapahinga sa apartment ko, alam ko namang magugustuhan mo din akong makasama ngayong gabi."

Nahintakutan si Jema sa nakita nang tingnan nya ang kausap, pulang pula ang mata nito at punong puno ng pagnananasa. Gumagapang pataas sa kanyang hita ang magaspang na kamay ni Jude kaya malakas na tinabig ito ni Jema. Sabay bukas sa pinto ng sasakyan, pagkalabas ay patakbo na syang lumayo sa sasakyan nang mahablot naman ang kanyang balikat ng humabol na nauulol na lalaki. Nanlaban si Jema, bagama't walang ensayo at nahihilo pa dahil sa alak na ininom kanina ay hindi pa rin nawawala sa katawan nya ang mga napagsanayan sa OGB noon kaya nakapanlaban sya. Ubos lakas na sinipa ni Jema ang kaselanan ng lalaki kaya napabaluktot ito sa matinding sakit na naramdaman.

Parating naman na ang sasakyan nina Deanna sa tagpong iyon at tuwang tuwang napa-palakpak sa nasaksihan.

"That's my fighter, that's my Baby!"

Patakbong tumakas na si Jema palayo sa lalaking namimilipit pa rin sa sakit, nanginginig ang kanyang tuhod. Magkahalong takot at galit ang kanyang nararamdaman, hindi nya namalayan, tumutulo na ang kanyang luha hanggang sa makabangga sya sa isang tao na mahigpit na yumakap sa kanya.

"Its ok baby, there's nothing to fear, I got you! . . . always!" at hinalikan sya nito sa noo. Dumapo ang matinding panghihina at antok sa kanya at dahil alam nyang ligtas na sya ay nagpatianod na sya sa naramdaman.

"Shall we take her home?" si Vanie

"No, not just yet. Not in her current state. We'll take her to their office, that also serve as her apartment when she's here. But are you sure she's ok?" sobrang pag-aalalang tanong ni Deanna.

"She'll be fine, she needs rest, she just went through a traumatic experience."

Pagdating sa opisina nina Jema ay naunang lumabas sa sasakyan si Deanna,kinausap ang taong nagbukas sa gate at pumasok sa bahay, inihanda na nya ang hihigaan ng kanyang reyna. Pinakiusapan na rin ang guard/caretaker ng bahay na maghanda kahit ng cup noodles para malamnan ng mainit ang sikmura ni Jema bago ito tuluyang matulog. Pinauna na nyang umuwi si Vanie sa bahay nila at ipinaliwanag na wala ang ate ni Jema umuwi daw sa Pag-asa, pina-uwi ng Papa nila at hindi nya pwedeng iwan si Jema sa pangangalaga ng lalaking katiwala nila. Kinarga na nya ang natutulog na asawa, bridal syle papasok sa bahay, sa kwarto nito hanggang sa maingat na maihiga sa kama na katamtaman ang laki, marahil ay dito rin natutulog si Ate Jovy, kapag nandito ito. Tatayo na sana sya, nang maramdaman nyang ikinawit ni Jema ang mga braso sa leeg nya.

"Mahal, please stay, don't leave me, please! I need you! Kahit ngayon lang Deanns, akin ka na muna ulit please! " Ghaaaad who can ever say no to that request. I kissed her lips, I drank all of her, I truly missed her. There's this thirst that only my queen can quench. She's kissing me hungrily too, devouring my lips and we kissed and kissed until we're both running out of breath.

"Yes, Baby, I'm not going anywhere, but first you have to eat!" I stood up and prepared food for her.

MINEWhere stories live. Discover now